G7 2ST Quarter Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 7
SY 2021-2022

PANGALAN: ____________________________ GURO: GNG.MARILYN E. BLANCO LPT


ANTAS AT SEKSYON: ____________________ ISKOR: _________

PAG-UNAWA*
A. Panuto: Basahin ang talataan at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Titik lamang.

Sumilay na sa bansa ang bagong panahong puno ng pag-asa at maraming pangarap. Ang bawat
mamamayan ay naging malaya sa pagsasalita kung kaya’t sari-saring paninindigan ang nagsisilitawan
sa mga napapanahong isyu. Ang totoo, napakarami ang sukat na maaaring sabihin ngunit dapat din
namang maliwanagan na walang mangyayari sa bansa kung hindi tayo kikilos.Kung tutuusin, libong
bagay ang magagawa ng pagtatanim ng puno ng bawat isang mamamayan sa araw-araw kaysa
makinig sa gayon at ganitong isyu. Higit na magandang uri ng protesta ang paglilinis sa mga kalye,
pagtatanim ng mga puno at halaman sa halip na pamahalaan pa ang hintaying gumawa nito. Tayong
mga mamamayan ang magbigay ng halimbawa sa pamahalaan kaysa ang katumbalikan. Ikakalungkot
natin kapag dumating ang araw na magmimistulang kapwa tayo mga tupang walang laman ang
utak.Tayo ang naglagay ng kasalukuyang mga lider natin. Kung hindi man natin nagustuhan ang
takbong pangyayari, sarili na rin natin ang dapat sisihin. Dahil tayo ang nagsimula ng lahat, tayo rin
ang makagagawa ng pagtutumpak sa pamamagitan ng pagmamababang-loob at disiplinang gawin
ang nararapat. Huwag nating alintanahin ang kulay natin sa pulitika. Higit na dapat nating isaalang-
alang ang pagiging Pilipino natin. Ipakita natin sa daigdig kung anong uri ng lahi meron tayo.

1.Ang binasang talataan ay isang halimbawa ng


a.Editoryal c. Maikling kwento
b.Tapumpati d. Salaysay

2.Ang paksang tinatalakay sa binasa ay tungkol sa

a.Pamumulitika c. Pagtatanim
b.Pagtulong ng bawat isa para sa pagbabago d. Magandang asal ng mga Pilipino

3.Layunin ng binasang akda ang


a.Pumuna para sa pagbabago c. magbigay pakahulugan
b.Magpuri d. manlibang

4.Pinupuna dito ng sumulat ang

a.Ugali ng mga Pilipino ukol sa pagboto


b.Ugali ng mga Pilipino ukol sa pulitika
c.Ugali ng mga Pilipino ukol sa pagbibigay ng oras sa mga isyung panlipunan
d.Pagiging tamad ng mga Pilipino

5.Bagay na pamagat sa binasang talataan ang

a.Pilipino... Gising!
b.Sama-sama sa Pag-unlad
c.Kilos Pilipino!
d.Tumulong sa pagbuo ng isang Maunlad na Bansa

B. Basahin ang talata at ibigay ang kahulugan ng pormal na salitang may salungguhit. Titik lamang.
Iba’t ibang (6.) patawid buhay ang maaaring pagkakitaan kait nasa bahay lamang. Maaaring
magtinda ng mga pagkaing pang-agahan o pangmeryenda gaya ng tsampurado, lugaw, pansit at iba
pang lutuing makatitghaw sa (7)kumakalam na sikmura. Malaking tulong ito sa pamilya lalo pa’t
maliit lamang ang kita ng(8.) haligi ng tahanan. Lagi na lamang (9.)naghihigpit ng sinturon at di man
lang mabili ang mga pangunahing pangangailangan ng mga anak. Sa ganitong negosyo’y maaaring
makatuwang ang mga anak upang sila’y (10.)maagang mamulat sa kalakaran ng buhay.

a.Nagugutom b. nagtitipid .c. magkaisip d. ama e. hanapbuhay f. ina

C.. Basahin ang talata at ibigay ang kahulugan ng pormal na salitang may salungguhit. Titik lamang.

a. lapus b. bebot c. magwaswit


d. kelot e. dedma f. dyunakis
g. madedo

11-13 Kinamkam ni Makatunao ang lahat ng yaman ng kanyang nasasakupan. Kanya ring pinugayan ng dangal
ang mga babae pati na ang asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.
11.
12.
13.
14. Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay.
15. naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay.

* KAALAMAN*

D. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Titik lamang.

16. Ito ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas.
Tinatawg din itong panalangin.
a. Kulam b. barang c. bulong d. Engkanto

17. Ito ang pinakamamabang antas ng wika. Gamit ito ng mga di nakapag-aral.
a. kolokyal b. balbal c. lalawiganin d. Pormal

18. Ang “ Matud Nila” ay isang awiting bayan ng mga


a. Ilocano b. Bicolano c. Kapampangan d. Bisaya

19. Ang “Labaw Donggon ng Hiligaynon”, “Maragtas”, “Biag ni Lam-ang”, “ Hudhud at Alim” ay mga halimbawa
nga.
a Alamat b. epiko c.Pabula d. Tula

20.Ang akdang “Si Amomongo at si Ipot-ipot” ay isang pabula ng mga Bisayang ukol sa
a. paglalabanan ng maliliit na insekto at malalaking hayop
b. paglalaban ng mga lalaki para mapagwagian ng babaeng iniibig
c. paglalaban para sa teritoryo
d.paghahari sa isang tribu

E.2 Panuto: Tukuyin kung anong panitikan nabibilang ang mga sumusunod. Isulat ang AB kung Awiting-Bayan, A
kung Alamat, D kung Dula at E kung Epiko.
____21 Alamat ng Chocolate Hills
____22 Indarapatra at Sulayman
____23 Rosas Pandan
____24 Alamat ng Sampaguita
____25 Maragtas
____26 Pag – ibig sa Lupang Sinilangan
____27 Hinilahod
F. Panuto: Piliin ang wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Titik lamang.

28. Ipinamalita ni Amomongo sa lahat ng kapitbahayan na duwag si Iput-iput kaya’t laging nagdadala ng ilaw.
a. ipinagsabi b. sinikreto c. ibinulong d. isinigaw

29. Tumugtog ang Bisaya ng kanilang salibaw, pluta, at tambol habang ang mga lalaki ay nagsayaw ng sinurog.
a. sayaw ng tagumpay b. sayaw pandigma c. sayaw ng panliligaw d. sayaw ng kasiyahan

30. Kapag nakakita ng magagandang babae si Labaw Donggon ay nababalisa ito at gusto niya itong maangkin.
a. naluluko b. kinakabahan c. di-mapakali d. pinagpapawisan

31. Dumaan sa kapuluan ang napakalakas at nagngangalit na bagyo na kumitil sa napakaraming buhay at sumira
ng mga ari-arian.
a. humampas b. pumatay c. di-mapakali d. pinagpapawisan

31 Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga
panahon ng pagbaha at kublihan kapag may malakas na bagyo.
a.daungan b. taguan c. akyatin d. tahanan

*PROSESO*
G. Panuto: Ayusin ang mga sumusonod na salitang magkakaugnay ayon sa tindi ng kahulugan.Titik lamang.
( mababa patungo sa pinakamataas)
(32-35)
A. katusuhan 4_________________________
B. katipiran 3_______________________________
C. kasakiman 2____________________________________________
D. kakuriputan 1___________________________________________________

(36- 38)
A.Kalungkutan 3__________________________
B.Kapighatian 2 ____________________________________
C.Kalumbayan 1______________________________________________

(39-41)
A. Inis 3__________________________
B. Asar 2 ____________________________________
C. Galit 1______________________________________________

H.Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay.

Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang mabuo ito.


Titik lamang.Hanay A Hanay B.

42. Naniniwala akong lalabas ang katotohanan A. sapagkat sila ang inatasang magpatupad ng
mga programa ng Pangulo
43. Iminumungkahing bigyan pa ng panibagong
.Kapangyarihan ang Pangulo B. upang kahit papaano ay matulungan

44.Madalas na ang aberya sa MRT C.ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa
pagsakay dito.

45. kabilang sa ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga D. upang magamit niya ito sa ng tahanan
batang lansangan ang pagbibigay ng payo,pagkakaloob krisis sa kuryente sa mga sumusunod na
edukasyon at mga gawain o trabaho na kanilang taon
mapagkakakitaan.
46. Ang PNP, DSWD, DILG, at DOH ay mga E. dahil puspusan ang ginagawang
ahensya ng pamahalaan na mahalaga imbestigasyon DOJ laban sa tiwaling
otoridad

I. Elemento ng kwento

Panuto: Basahin ang kwento at punan ng wastong sagot ang tsart sa ibaba.

Ang Umiibig na Leon


Sa isang pamayanang kahuyan noong nakalipas na panahon, isang mabangis na leon ang umibig sa
anak ng mangangahoy. Hiningi niya sa ama ang kamay ng dalaga. Ayaw ng ama na ipakasal ang anak sa Leon.
Ngunit takot siyang tanggihan ang hari ng kagubatan. Nag-isip ang ama. Tiwanag niya ang Leon at sinabihan. “
Tatanggapin kita, mapapatunayan mo iyong katapatan at pagmamahal sa aking anak”. Payagan mo akong
tanggalin ang iyong mga ngipin at putulin ang iyong mga kuko”. Tinanggap ng Leon ang mungkahi ng ama.
Mabilis na binunot ng ama ang ngipin ng Leon at pinutol ang kanyang mga kuko. Makalipas ang dalawang araw
bumalik ang Leon upang hingin ang kamay ng dalaga. Ngunit handa ang ama. Hndi na siya takot sa Leon.
Hinampas niya ng malaking piraso ng kahoy ang Leon. Tumakas ang Leon at nagtago sa kagubatan. Magmula
noon hindi na ginambala ng Leon ang mag-ama.

Tauhan Tagpuan Kasukdulan Wakas

47 48 49 50

a.Sa kabundukan noong unang panahon


b.Sa isang pamayanang kakahuyan noong mga nakalipas na taon
c.Tumakas ang Leon
d.Ama, Leon, Dalaga
e.Matandang babae, binata, Leon
f.Nang sinabi ng ama ang kanyang gusto upang mapatunayan ng Leon ang pag-ibig niya sa dalagag.Binunot at
pinutol ng ama ang ngipin at kuko ng Leon
h.Hindi na ginambala ng Leon ang mag-ama
i.Pinakasal ng ama ang kanyang anak sa Leo

Inihanda ni:

Gng.Marilyn E. Blanco,LPT
Guro sa Filipino

Binigyang-Pansin ni:
G. Redentor A. Delas Alas,LPT
Punongguro

You might also like