CN 12.2 18

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Rizal High School


Gov. W. Pascual Ave., Malabon City
Fax/Tel. No. 921-2744
Kagawaran ng Senior High School

Pangalan: Petsa:
Sekyon: Iskor:

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Konsepto Bilang 12.2


Mga Disensyo o Paraan ng Pananaliksik

1. Pananaliksik na Pangkasaysayan – Ito ay isang mapanuring pagsisiyasat sa mga pangyayari,


pagtalunton sa mga kabuluhan ng nakalipas na panahon,pagtaya sa kahalagahan ng mga datos ng
nakalipas.

2. Pananaliksik na Deskriptib – Ninanasa ng gantong pananaliksik na mabatid ang kasalukuyang


nagaganap na pa pangyayari, Makita ang kaugnayan ng mga paniniawala at kurokuro,proseso at
epekto nito.

a. Pagsisiyasat o sarbey – Ito ay pinakagamiting paraan upang ilarawan ang


populasyon ng inimbestigahan o tingnan ang kasalukuyang kondisyon at relasyon
ng mga pangyayari.

b. Case studies – Ginagamit ang ganitong pag-aaral kung ang layon ay magkaroon ng higit na
malalim,komprehensibong pag-unawa sa kalagayan ng tao o lupon ng mga tao gaya ng kamag-
anakan,kaurian,samahan o pamayanan.

c. Pag-aaral ng Nilalaman (Content Analysis) – Ito ay madalas gamitin sa mga gawaing


pangkomunikasyon o pag-aaral na pampanitikan.

d. Feasibility Study – Ito ay isang pag-aaral na naglalayong Makita ang potensyal ng


pagbubukas ng isang negosyo,pagtayo ng isang establisyemento,pagbuo ng isang
programa,pagpapatayo ng isang organisayon.

e. Pag-aaral na Pagpapahalaga (Evaluation Studies) – Ang layon ng ganitong pag-aaral ay


Makita ang kinahantungan ng mga programang inilunsad ng isang institusyon.

f. Pag-aaral na Pang-etnograpiya - Nilalayon ng pag-aaral na etnograpiya na madalumat ang


kakanyahan ng lupon ng tao hinggil sa kanilang pamumuhay,mga paniniwala,gawi at kultura.

3. Paraang Experimental – Ang pamamarang ito ng pananaliksik ay gumagamit


ng makaagham na pamamaraan kung saan ay inilalarawan kung ano ang
hinahanap.
ARELLANO UNIVERSITY
Jose Rizal High School
Gov. W. Pascual Ave., Malabon City
Fax/Tel. No. 921-2744
Kagawaran ng Senior High School

Pangalan: Petsa:
Sekyon: Iskor:

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Konsepto Bilang 13
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I. Ang panimula o introduksyon (rasyonal)


Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik. Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. “Ano ba ang tungkol
sa iyong pinagaaralang paksa at Bakit kailangan pa itong pagaralan.” Sa mga mananaliksik
na mag-aaral, ang isa’t kalahating pahina sa bahaging ito ay sapat na.

Ito ang unang bahagi ng papel  Nakatala dito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa
paksa  Inilalalahad sa unang bahaging ito kung saan at paano nagsimula ang ideya. 
Krusyal ang papel ng pinakaunang pangungusap na bibitawan sa bahaging ito. Siguruhing
mababanggit ng mga naunang pag-aaral na may kaugnayan sa paksa. Isang paraan ito
upang patunayan na feasible ang proyekto.

II. Paglalahad ng Suliranin


Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.
Tinutukoy din dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyong patanong. Sa bahaging ito
nilalahad at inilalarawan ang suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus. Inilalahad ditto
ang mga impormasyong tungkol sa kahalagahan ng paksa. Ito ay isa sa pinakamahalagang
bahagi ng pananaliksik. Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Ang mga katanungang inilahad
ay nararapat na masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

Mga anyo/paraan ng paglalahad ng suliranin:


ANYONG PATANONG (Question Form) - Ginagamitan ng tanong na "Ano" o "Paano".
AYONG PAPAKSA (Topical Form) - Ang anyong ito ay mas ginagamit sa mga
pangkalakalang pananaliksik na sa halip na tawaging "paglalahad ng suliranin" pinapalitan ito
ng katagang "mga layunin ng pag-aaral"

III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral


Nilalahad dito ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral. Tinatalakay sa bahaging
ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa
larangan ng edukasyon at siyensya.

IV. Saklaw at Delimitasyon


Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinakda ang parameter ng
pananaliksik. Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng angkop ng ginagawang pagaaral. 
Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang Unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag aaral,
habang ang Ikalawang talata ay tumutukoy naman sa limutasyon ng pananaliksik. 
Tinatalakay ng bahaging ito ng pananaliksik ang maaaring sasaklawin sa pag aaral. 
Ipinapakita sa bahaging ito ang lawak ng sangkop ng ginagawang pag-aaral. Ipinapaalam din
dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na
kakailanganin.  Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-
aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng paksang tatalakayin pati na ang tiyak na panahong
sakop ng pag-aaral.
ARELLANO UNIVERSITY
Jose Rizal High School
Gov. W. Pascual Ave., Malabon City
Fax/Tel. No. 921-2744
Kagawaran ng Senior High School

Pangalan: Petsa:
Sekyon: Iskor:

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Konsepto Bilang 14
PANGANGALAP NG DATOS AT ANG HANGUAN NG MGA ITO.

Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos


 Hanguang Primarya (ayon kay Mosura, et al. 1999)
a. Mga indibidwal o awtoridad
b. Mga grupo o organisasyon
c. Mga kinagawiang kaugalian
d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento

 Hanguang Sekondarya
a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas
b. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter
c. Mga tisis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man ang mga o hindi
d. Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

 Hanguang Elektroniko
a. Internet
Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?
1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sainstitusyon ng
edukasyon o akademiko.Halimbawa:www.gcic.edu
2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sakomersyo o
bisnes.Halimbawa:www.knightsofcolumbus.org
3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng
pamahalahaan.Halimbawa:www.makaticity.gov 

PAGTATALA NG MGA IMPORMASYON O DATOS


 Pagsinop Ng Tala at Bibliyograpiya sa American Pyschological Association (APA)
- Ito ang estilong kadalasang ginagamit sa mga siyentipikong pananaliksik sa larangan ng sikolohiya,
medisina, agham panlipunan at iba pang mga teknolohikal na larangan.
- Sa format ng APA, sinusunod ang pagkilala na nasa loob ng mismong teksto o in-text citation
(apelyido ng awtor at taon ng pagkakalathala) Hal: (Dela Cruz, 2014). Kung higit sa isang awtor,
gumamit ng “&” (Geronimo & San Juan, 2014) at ito ay magagamit din hanggang sa limang awtor sa
paraan ng paglalagay ang “&” sa dulo bago ang huling awtor. Kung higit sa anim ang awtor, isulat
na lamang ang unang awtor at sundan ng “et al.” (Geronimo et al.,2014)

 Dalawang (2) Uri Ng Pagtatala Ng Mga Impormsyon o Datos


1. Tuwirang Sipi - Ito ay eksakto o kumpletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. Maaaring ito ay isa
o higit pa sa isang salita, parirala, pangungusap o talata.
- Kapag direktang sumisipi sa tiyak na gawa ng isang manunulat , kailangang isama ang pangalan ng
awtor, taon ng publikasyon at bilang ng pahina (sa dulo) para sa sanggunian.
Hal: Ayon kay Lumbera (2000), “.....” (p.130).
- Kung hindi ipinapakilala ang awtor, inilalagay ito sa loob ng saknong pagkatapos ng sipi.
Hal: “.......” (Lumbera, 2000. P. 130).

2. Buod o Parapreys - Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mga tekstong
mahahaba. Kailangang maisagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng sariling pananalita ng
mananaliksik. - Paraphrasing ang tawag dito.

May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid- aklatan.


 Una, panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks at hanguang
elektroniko o internet.
 Pangalawa, pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo
at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
 Pangatlo, pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer prinouts at iba pang
sanggunian.
ARELLANO UNIVERSITY
Jose Rizal High School
Gov. W. Pascual Ave., Malabon City
Fax/Tel. No. 921-2744
Kagawaran ng Senior High School

Pangalan: Petsa:
Sekyon: Iskor:

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Konsepto Bilang 15
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

V. BANYAGANG LITERATURA
Nakapaloob sa bahaging ito ang panitikan o mga babasahin at kinakailangan rin
pakatandaan na ito ay isinulat at nailathala sa labas ng bansa. Mga literaturang mula
sa labas ng bansa. Hindi Pilipino ang nagsulat.

VI. LOKAL NA LITERATURA


Nakapaloob sa bahaging ito ang panitikan o mga babasahin at kinakailangan rin
pakatandaan na ito ay isinulat at nailathala sa loob ng bansa. Mga literatura mula sa
Pilipinas, Pilipino ang manunulat.

VII. BANYAGANG PAG-AARAL


Nakapaloob sa bahaging ito ang mga pag-aaral o disertasyon na isinagawa at naisulat
sa labas ng bansa. Mula sa labas ng bansa ang pananaliksik; hindi Pilipino ang
nagsagawa ng pananaliksik

VIII. LOKAL NA PAG-AARAL

Nakapaloob sa bahaging ito ang mga pag-aaral o disertasyon na isinagawa at naisulat


sa loob ng bansa. Pilipino ang nagsagawa ng pananaliksik; dito sa Pilipinas isinagawa
ang pananaliksik.
ARELLANO UNIVERSITY
Jose Rizal High School
Gov. W. Pascual Ave., Malabon City
Fax/Tel. No. 921-2744
Kagawaran ng Senior High School

Pangalan: Petsa:
Sekyon: Iskor:

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Konsepto Bilang 16
KABANATA III (DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK)

1. Disenyo ng pananaliksik - Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit nadisenyo ng


pananaliksik

2. Mga Respondente - Dito inalalahad ang eksaktongbilang ng mga sumagot sa


inihandang kwesyoner- sarvey.

3. Intrumento ng Pananaliksik - Dito nakikita ang mga ginamit na instrumento sa pag


survey sa mga respondente katuald ng “questionnaire”

4. Tritment ng mga datos - Nakalagay dito ang simpleng statistik na mga na kuhang
datos galing sa respondente
ARELLANO UNIVERSITY
Jose Rizal High School
Gov. W. Pascual Ave., Malabon City
Fax/Tel. No. 921-2744
Kagawaran ng Senior High School

Pangalan: Petsa:
Sekyon: Iskor:

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Konsepto Bilang 17
KABANATA IV (Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos)

● Pagsusuri - Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag o pagpapaliwanag


ng ng kinalanasan ng pinag-aaralan.

● Interpretasyon - Sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral,


ipinahahayag dito ang pansariling implikasyon at resulta ng pananaliksik.

● Paliwanag/pagsusuri - Dito naka lagay ang paliwanag batay sa interpretasyon ng


datos na nakuha sa pananaliksik.
ARELLANO UNIVERSITY
Jose Rizal High School
Gov. W. Pascual Ave., Malabon City
Fax/Tel. No. 921-2744
Kagawaran ng Senior High School

Pangalan: Petsa:
Sekyon: Iskor:

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Konsepto Bilang 18
KABANATA V (LAGOM, KONKLUSYON, REKOMENDASYON)

 Ito ang huling kabanata ng sulating pananaliksik.


 Ito rin ang isa sa pinakamahalagang bahagi sapagkat dito nilalagomang mga nakalap na
datos at impormasyon.
 Inilalahad dito ang mga generalization sa anyong konklusyon batay samga datos at
impormasyong nakalap.
 Dito ipinatutungkol sa mga kinauukulan ang mga rekomendasyontungo sa posibleng
kalutasan sa mga suliranin.

LAGOM - ay ang pagsasama-sama ng mga pangunahin at mahahalagang natuklasan


sa pag-aaral. Dapat na maging maingat sabahaging ito. Hindi dapat isama ang kahit ano
lamang.

• Mga payak na pagpapahayag ang gamitin tungkol sa layunin ng pag-aaral, mga kalahok o
respondente, panahon ng pag-aaral, paraan ngpananaliksik, instrumento at disenyong ginamit.

KONKLUSYON - ay halaw sa buod ng mga kinalabasan at ito ay inaangkop sa mga


tanong na inimbestigahan.

a rekomendasyon naman
inilalahad ang mga mungkahing
maaaring
makatulong sa iniharap ng
mananaliksik upang maging
kapaki-pakinabang
ang isinagawang pag-aaral.
a rekomendasyon naman
inilalahad ang mga mungkahing
maaaring
makatulong sa iniharap ng
mananaliksik upang maging
kapaki-pakinabang
ang isinagawang pag-aaral.
REKOMENDASYON - inilalahad ang mga mungkahing maaaringmakatulong sa iniharap ng
mananaliksik upang maging kapaki-pakinabangang isinagawang pag-aaral.

You might also like