Template Tagalog Do 49

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

April 25, 2023

Ito ay tungkol sa inyong e–mail na reklamo na pinadala niyo sa aming Tanggapan


noong ika–19 ng Abril, 2023, patungkol sa Punong Guro dahil sa kanilang di–umano’y
magaspang na pag–uugali Base sa mga dokumento na nakalakip, dati na itong na–
aksyunan ng aming Tanggapan at nabigay sa Division Office upang bigyan ng
karampatang aksyun sa inyong sangguni.

Ang Division Office ay sumagot po inyong katanungan at sa obserbasyon ng aming


Tanggapan ay sapat ng na ipaliwanag sa inyo ang proseso ng paglipat ng isang
estudyante sa ibang paaralan, tulad ng paglipat sa inyong anak.

Patungkol sa inyong bagong reklamo sa Punong Guro sa di–umano’y magaspang na


pag–uugali batay na rin sa inyong e–mail na reklamo, nais pong ibatid ng Tanggapang
ito ang tamang proseso ng isang pormal na reklamo alinsunod sa mga nakatalaga sa
DepEd Order No. 49, series of 2006, o ang “Revised Rules of Procedure of the
Department of Education in Administrative Cases”. Ito ang mga nakasaad sa nabanggit
na Reglamento:

“Section 4. Form of Complaint – A complaint shall be under oath and


shall be written in a clear, simple, and concise language so as to inform
the person complained of, about the nature and cause of accusation
against him to enable him to intelligently prepare his defense or answer.

Section 5. Content of Complaint – A complaint shall contain the


following:

a. Full name and address of the complainant;


b. Full name and address of the person complained of as well as
his/her position and office in the Department of Education;
c. A narration of the material and relevant facts which should show
the acts or omissions as allegedly committed by the person;
d. Certified true copies of documentary evidence and affidavits of your
witnesses if any; and;
e. Certification and statement of non-forum shopping.”

Ang inyong e–mail na reklamo ay hindi naaayon sa porma ng isang pormal na reklamo
gaya ng nakasaad sa Reglemento. Kailangan po ng Tanggapang ito ang isang
notaryadong reklamo upang masimulan ang imbestigasyon laban sa mga nirereklamo
ninyong mga kaguruan.

Sineseryoso at binigyan ng pansin ng Tanggapang ito ang lahat ng mga reklamong


dinala sa atensyon nito, sa kondisyon na masunod ang angkop na proseso ng
paghahain ng reklamo upang magkaroon rin ng due process at hindi ito ma-dismiss
dahil lamang sa mga teknikalidad.

Aming aantayin ang inyong pagsunod sa nabanggit na Reglamento at maghain ng


panibagong notaryadong reklamo sa loob ng labinlimang (15) araw mula nang
matanggap ang liham na ito. Kung hindi kami makatanggap ng pormal na reklamo,
alinsunod sa nabanggit na Reglemento, ang reklamong ito ay ituturing na na–dismiss.

Lubos na gumagalang,

You might also like