Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Unang subok, unang ginto: Baguhang GLOSSAA thrower, kampeon sa throwing event

Hindi inaasahan ng District meet first-timer mula sa Malamig National High School na si
Rheymer Melayo na maikubra ang mga ginto sa throwing event sa ikalawang araw ng
GLOSSAA MEET 2023.
“Hindi rin po ako makapaniwala na sa maikling panahon na ako ay nag-eensayo; nakamit
ko pa rin yung di lang isang panalo kundi tatlo. Syempre po masaya ako para ditto.” saad ni
Melayo nang makuha ang unang ginto.
Baguhan man kung ituring, ipinataob ng 15 anyos ang mga atleta mula sa 7 paaralan sa
bayan ng Gloria at nakasungkit ng dalawang gintong medalya para sa, discus throw at shot put
event at isang silver medal sa javelin throw.
Naihagis ni Melayo ang platong bakal sa layong 24.87 metro para gapiin sina Cedric
Canubas ng PDMMNHS (24.64m) at Joseph Garcia ng SHA (26.54m).

Samantala, maluwalhating nasapul niya ang gintong pwesto matapos makapagtala ng


pinakamataas na record na 7.9 metro para tibagin ang iba pang manlalaro.

Target ni Melayo na makamit ang ‘double gold’ sa kanyang pagsabak sa discus throw at shot put
sa paparating na Unit Meet na gaganapin sa Socorro.

You might also like