Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

SAN ISIDRO NATIONAL HIGH SCHOOL

MALILIPOT, ALBAY

DIAGNOSTIC TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 7


SY 2021-2022

Pangalan: Grado/Seksyon: Petsa: Iskor:


MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin at ISULAT SA
IYONG SAGUTANG PAPEL ang titik ng pinaka wastong sagot.
1. Ito ay kinakailangan upang matupad ang mga tungkuling inaasahan ng isang teenager.
a. Pagpapakumbaba c. Disiplinang pansarili
b. Tiwala sa sarili d. lakas ng loob
2. Alin ang hindi kabilang sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata?
a. Pagsisikap na makakilos nang angkop sa kanyang edad.
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
c. Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa.
d. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
3. Ito ay tumutukoy sa mga pagbabagong panlabas ng nag bibinata/ nagdadalaga.
a. Pisikal b. Ispiritwal c. Intelektwal d. Moral
4. Ito ay tutmutukoy sa mga pagbabago ukol sa pagtanaw sa kung ano ang tama at mali.
a. Pisikal b. Ispiritwal c. Intelektwal d. Moral
5. Ito ay pagbabagong pangkaisipan ng mga nagdadalaga/ nagbibinata.
a. Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng pagtingin o pagmamahal.
b. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap.

c. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo.

d. Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa.

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga mahahalagang layunin ng

inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda


ng tao.
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay.
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong
sitwasyon.
c. Nagtuturo sa mga nagdadalaga/ nagbibinata ng mga nararapat na gawain na
akma sa kanilang edad.
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/
nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan.
7. Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
a. Nakatutulong ang mga ito sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
b. Nakatutulong ito sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.
c. Nakakatulong ito sa pagiging Mabuti at mapanagutang tao.
d. Lahat ng nabanggit.
8. Sino sa sumusunod na mga kabataan ang may tamang pamamahala sa pagbabago sa
kanyang sarili?
a. Si Eugene na gabi gabing nanunuod ng TV hanggang ika 9 ng gabi.
b. Si Clarita na laging nag eehersisyo, naliligo, at kumakain ng masustansiyang
pagkain.
c. Si Paolo na tumutulong sa gawaing bahay, palakaibigan at masipag mag-aral.
d. B at C
9. Ito ay mga pagbabago ukol sa pakikitungo sa kapwa tao.
a. Intelektwal b. moral c. emosyonal d. sosyal
10. Anong pagpapahalaga ang tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan sa kalakasan at
kahinaan ng tao?
a. Disiplinang pansarili c. Pagtanggap sa sarili
b. Tiwala sa sarili d. lakas ng loob
11. Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng lakas ng loob ang tao para gawin ang
kanyang nais.
a. Disiplinang pansarili c. Pagtanggap sa sarili
b. Tiwala sa sarili d. lakas ng loob
12. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag – ugnayan sa mga kasing
edad sa panahon ng pagdadalaga at pag bibinata?
a. Upang masiguro na may taong tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan.
b. Upang magkaroon ng kalaro na magtuturo ng pakikipag – ugnayan sa mga kasing
edad.
c. Upang mapatunayan sa mga tao na may kakayahan siyang makipag ugnayan nang
maayos sa kasing edad.
d. Upang magkaroon ng makakasundo na tumutulong sa kaniya upang matanggap
sa isang pangkat.
13. Ano ang pinaka mataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?
a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan.
b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang
naibigay.
c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa
pamilya.
d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid.
14. Si Moira ay iskolar sa pamantasang mataas ang kalidad at napapaligiran sya ng mga
mayayamang kamag -aaral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi siya
makakasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinaka makatwirang gawin ni
Cleofe?
a. Makipagkaibigan sa mga kapwa nya iskolar na mahihirap din.
b. Ipakita ang kanyang totoong pagkatao.
c. Humingi sa mga magulang upang makabili ng katulad ng gamit ng mayayamang
kamag aral.
d. Maki angkop sa mayamang kamag aral kung sila ang kasama at sa kapwa iskolar
na mahirap kung sila naman ang kasama.
15. Ito ay ang pag papakita ng pagkahilig na tumutukoy sa facts, record files, numero, at
detalye.
a. Visual b. Mathematical c. Verbal d. bodily kinesthetic
16. Ito ay ang pambihirang lakas o kakayahan na may kinalaman sa Genetics o namamana
sa mga magulang.
a. Hilig b, kapangyarihan c. talento d. Ideya
17. Si Lucas ay may kakaibang timbre ng boses pag siya’y umaawit. Subalit mas gusto
niyang sa loob lang ng bahay umawit kaysa ipakita ito sa mga kamag aral sa paaralan
dahil takot siyang hindi ito maging kalugod lugod sa ibang mag-aaral. Ano ang
makatwirang gawin ni Lucas?
a. Kausapin ang sarili at sabihing hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba ang pag
nanais na umangat dahil sa angking kakayahan.
b. Humingi ng papuri sa mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang
maiangat ang tiwala sa sarili.
c. Harapin ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang
kalakasan.
d. Huwag iisipin na mas magaling ang iba, sa bagkus isipin na siya ay nakaangat sa
lahat.
18. Si Lea Salonga ay sikat sa larangan nito at mahusay niyang naipapakita ang kaniyang
kakayahan dito sa tuwing siya ay nagtatanghal. Anong talento mayroon si Lea?
a. Musical b. mathematical c. interpersonal d. naturalist
19. Nahihirapan at palaging mababa ang marka ni Jelyn sa English. Ano ang maaaring
maging solusyon ni Jelyn sa kanyang suliranin?
a. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kakayahan
sa pag sasalita at pagsusulat sa Ingles.
b. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura.
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin.
d. Lahat ng nabanggit.
20. Si Zephany ay ang kauna unahang Idol Philippines Grand winner.Anong katangian ni
Zephany
ang nagdala kanya, sa kanyang tagumpay bilang isang mang-aawit?
a. Hindi siya pinanghinaan ng loob sa mga unang pagsali nya sa mga contests na
hindi siya nanalo.
b. Marunong siyang makinig sa mga komento ng mga judges at kanyang mentors.
c. Lalo niyang pinag husayan ang kanyang pag awit dahil ito ang kanyang kalakasan.
d. Lahat ng nabanggit.
Para sa aytem 21- 25 Kilalanin kung anong larangan ng hilig ang mga sumusunod na
aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

a) outdoor c) computational e) persuasive g) musical I) social services


b) mechanical d) scientific f) artistic h) literary J) clerical

21. Nasisisyahan sa pag disenyo ng mga bagay.


22. Nasisiyahan na gumagawa gamit ang bilang o numero
23. Masayang nakikinig ng mga awiting OPM.
24. Mahilig mag kumpuni ng mga sirang gamit sa kusina gaya ng appliances.
25. Palakaibigan, magaling manghikayat ng kaibigan.

26. . Ano ang tawag sa mga bagay na gumaganyak sa inyo na kumilos at gumawa? Ito ay
nagsisilbing motibasyon na sikaping gawin ang mga nakapag papasaya sayo.
a) Talento b) hilig c) Tungkulin d) Tuon
27. Si Ryan Cayabyab na isang National Artist ay mahilig tumugtog sa entablado at mga
concerts. Gustong gusto niyang iparinig ang kanyang obra maestra sa mga tagapakinig
at taganuod. Ano ang tuon ng kanyang atensyon dito?
a) Tao b) Datos c) Bagay d) Ideya
28. Ang bandang Asin ay mahilig lumikha ng mga awiting makakalikasan, makabayan etc.
Ano ang tuon ng kanilang atensyon?
a) Tao b) Datos c) Bagay d) Ideya
29. Alin sa sumusunod ang pag papaunlad ng hilig tungo sa pagpili ng propesyon at pag
unlad ng sarili?
a) Si Joshua ay isang Mountain Climber. Sa gawaing ito ramdam niya kaisa niya ang
kalikasan.
b) Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa kaarera ng motor. Ang mga motor na
kaniyang ginagamit ay siya may disenyo sa kaniyang sariling negosyong motor parts.
c) a & b
d) wala sa nabangit.
30. Ito ay uri ng tuon ng atensyon na tumutukoy sa facts, records, files, numero at detalye.
a) Tao b) Datos c) Bagay d) Ideya
31. Anong tuon ng atensyon ng hilig ang may kinalaman sa mga kagamitan o tools?
a) Bagay b) Datos c) tao d) Ideya
32. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
a) Magbibigay kahulugan ito sa bawat sa bawat pang araw-araw na Gawain.
b) Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng
oras.
c) Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na nagbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa
iyo bilang tao.
d) Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
33. Nakapagbibigay ang hilig ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o
pagmamahal. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay:
a) Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
b) Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa, magagawa mo ito ng buong sigla at
buong husay.
c) Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang
kapwa.
d) Mali, dahil mahalagang naka ayon ang hilig sa talento at kakayahan ng tao upang
makamit ang mga ito.
34. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang akademiko/ bokasyunal?
a) Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay
sa hinaharap.
b) Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan
sa hinaharap.
c) Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakita ang galling sap ag aaral upang
maitaas ang antas ng pagkatuto.
d) Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong pang akademiko o
tekni-bokasyonal na makapagdudulot ng kasiyahan sa hinaharap.
35. Ang mga sumusunod ay mga pangungunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/
nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:
a) Makabuluhang paggamit ng hilig.
b) Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap.
c) Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.
d) Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng
pagdadalaga/ pagbibinata.
36. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay
para
sa sarili lamang”. Ano ang pinaka angkop na kahulugan nito?
a) Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
b) Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kungdi para sa kanyang kapwa.
c) Mabubuhay ng matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili
para sa kanyang kapwa.
d) Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao mahalagang suriin ang kanyang sarili sa
kanyang kakayahan makipagkapwa.
37. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
a) Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating.
b) Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang
pangangailangan ng lahat ng tao.
c) Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at paulit ulit na mga
kalamidad.
d) a, b, c
38. ANALOHIYA: Isip: kapangyarihang umunawa; Kilos-loob:______________.
a. nakaalam ng katotohanan c) unawain ang tama
b) nagpapasya, kumilos/ gumawa d) wala sa nabangit
PAGSUSURI: Suriin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nag papakita ng
pagkakaroon ng kalayaan at alin sa mga ito ang walang Kalayaan. Isulat ang MK
kung may kalayaan, isulat ang WK kung walang kalayaan.
39. Pagpapaputok ng picholo tuwing bagong taon.
40. Pagamit ng cellphone para sa aralin sa mga asignatura.
41. Pag post at pag update ng status sa facebook.
42. Pakikipag relasyon sa kabilang kasarian.
43. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan..
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
c. Makakamit ng tao ang kabanalan.
d. Wala sa nabanggit.
44. Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang latin na cum ibig sabihin ay _______ at
Scientia, na ibig sabihin ay ________. Anong mga salita ang nasa patlang?
a. mayroon at pag-uugali c. kilos at paraan
b. mayroon at kaalaman d. kilos at kaalaman.
45. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay ____________.
a. tumuntong ng elementarya c. likhain
b. nagkamalay d. tumanda
46. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa canteen. Alam
niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang
pera. Anong uri ng konsensiya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya c. maling konsensya
b. purong konsensya d. mabuting konsensya
47. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay;
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakakaalam ng tama at mali, mabuti o masama.
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao..
48. Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay;
a. Mali, dahil ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay
kailangan.
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid
dahil sa patuloy na pagsasanay dito.
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging
manhid ito sa pagkilala ng tama..
49. Si Robinhood ay kilala dahil sa kwento ng isang magnanakaw na ang layunin ay para
makatulong sa mga mahihirap sa kanilang lugar. Dahil dito nirespeto siya ng mga tao
dahil sa dami ng kanyang mga natulungan na mahihirap. Ang sitwasyon na ito ay
nagpapatunay na;
a. May mga pagkakataong ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong
sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masasamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang
layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas
nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito at
natutulungan nito..
50) Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng panloob na kalayaan maliban sa;
a. Pagpili ng damit na isusuot. c. Pumunta sa lugar na makapagpasaya sa kanya.
b. Gustong kumain ng kanyang nais. d. Pag boto sa darating na halalan.

TAMA O MALI: Isulat ang salitang TAMA kung ang mga pahayag ay tama at isulat ang salitang
MALI kung ang pahayag ay mali.
51) Ang mga moral na birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao.
52) Ang birtud ay likas sa lahat ng nilikha ng Diyos.
53) Ang Agham (Science) ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na
bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay. Ito ay isang uri ng moral na birtud.
54) Ang maingat na paghuhusga ( Prudence) ay parehong intelektwal at moral na birtud.
55) Ang pagpapahalaga o values ay nagmula sa salitang Latin na valore na
nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan.
56) Ang Fortitude ay uri ng birtud na nagtuturo sa atin ng pagtitimpi o control sa sarili.
57) Isa sa mga katangian ng ganap na pagpapahalagang moral, ito ay naaayon sa mga
prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit at mailapat sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng isang tao.
58) Ang pagpapahalaga ng isang mag-aaral sa kanyang pag-aaral ay ang pagpapayaman ng
kanyang kaalaman. Ito ay isang uri ng moral na birtud.
59) Ang birtud ay bunga ng paulit-ulit ng paggawa ng mabuting gawi/mabuting kilos upang
isakatuparan ang pinahahalagahan.
60) Kahit ang tao ay nilikha na may natural nakakayahan na makagawa ng mabuti at pag
iwas sa masama, mayroon pa rin siyang kakayahan na makagawa ng di-moral na kilos.

“Ang Birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinag pasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran”

Prepared by:

RUTH B. SIAPNO
Math/ EsP Teacher

You might also like