FV - EsP8 - Module2.1 For Sep 19 23 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Unang Markahan
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon,
Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya
Aralin 1: Mga Gawi o Karanasan sa Pagtupad ng Pamilya sa
Kanyang tungkulin sa Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya, at
Paghubog ng Pananampalataya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Supplementary Learning Material
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng
Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot.

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL


Manunulat: Mischell A. Caliste
Tagasuri ng Nilalaman: Salvacion G. Miranday
Tagasuri ng Wika: Novelyn M. Bualat
Tagasuri ng Layout at Disenyo: Edna L. Bello
Tagalapat ng Pabalat: Nemesio S. Cancan Jr., EDD
TAGAPAMAHALA NG MODYUL
OIC-SDS: Romela M. Cruz, CESE
CID Chief: Alyn G. Mendoza, PhDTE
SGOD Chief: Emma G. Arrubio
EPS-in-Charge: Jovy D. Balbuena
EPS-LRMS: Ruby E. Baniqued, EDD

Department of Education – Schools Division Office, Mandaluyong


Office Address: Calbayog St. Highway Hills, Mandaluyong City
Telephone number:CID- 79552557
E-mail Address:sdo.mandaluyong@deped.gov.ph ● www.depedmandaluyong.org
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Sa pagsasagawa ng mga gawain na nakapaloob sa modyul, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong ng
kamag-anak, o sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
4. Tapusin ang modyul ayon sa nakatakdang Linggo.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
1

Pangalan : _________________________ Petsa:___________ Iskor:__________

KUWARTER 1
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon,
Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya
Aralin 1: Mga Gawi o Karanasan sa Pagtupad ng Pamilya sa
Kanyang tungkulin sa Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya, at
Paghubog ng Pananampalataya

Layunin:

A. Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na


nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
B. Napasasalamatan ang pamilya sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog sa pananampalataya ng
bawat bata.
C. nakapagtatala ng mabuting dulot ng pagtupad ng magulang sa
kanilang tungkulin.

BATAYANG KAISIPAN
Ang responsableng pagmamagulang ay isang matagal na
ngunit napapanahong konsepto na kinakailangan upang lumaking
mapanagutan ang kanilang mga anak. Tatlo sa nangungunang
tungkulin ng mga magulang na nagpapakita ng kanilang pagiging
responsable ay ang pagbibigay ng edukasyon sa mga anak,
paggabay sa pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya. Ang
mga tungkuling ito ang magbibigay ng magandang kinabukasan sa
anak, magtuturo ng kakayahan at kasanayang pumili ng tamang
hakbang, at magsisilbing daan upang isaalang alang ang palagiang
pakikipag-ugnayan sa Diyos.

MELC Q1 Week No. 3 EsP8PBIc 2.1 Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa pamilya na nagpapakita ng
pagbiigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya.
2

PAUNANG PAGTATAYA

PANUTO: Basahin at suriin ang nilalaman ng bawat pangungusap. Isulat ang titik:
E kung ito ay nagpapahayag ng pagtugon sa pagbibigay ng edukasyon.
S kung ito ay naglalarawan ng pagtugon sa paggabay sa mabuting
pagpapasiya.
P kung ito ay nagpapahayag sa paghubog ng pananampalataya.

________ 1. Sabay-sabay na nagdarasal bago kumain bilang pasasalamat sa


Diyos sa pagkain nakahain sa hapag-kainan.
________ 2. Paulit-ulit na bilin ni Aling Theresa sa kanyang mga anak na kung
may gagawing kilos palaging isipin kung ano ang maaaring
maging bunga nito.
________ 3. Kahit mahirap ang buhay, sinisikap pa rin Mang Cardo na mapag-
aral ang kanyang mga anak.
________ 4. Laging sinasama ni Rose ang kanyang mga nakababatang
kapatid maging ang kanyang mga pinsan sa pagsisimba tuwing
linggo.
________ 5. Laging hinihikayat ni Rudy ang kanyang anak na tumutugtog ng
piano sa simbahan sapagkat alam niyang mas napapalapit ito sa
Panginoon.
________ 6. Panatag ang loob ni Martha nang magpunta siya sa unibersidad
para magpatala sapagkat kasama niya ang kanyang ina.
________ 7. Tinuturo lagi ng mga magulang si Mary Ann na laging magdasal.
________ 8. Itinuturo lagi ng kanilang ina na sikaping maging kalmado sa mga
gagawing pasiya.
________ 9. Matagal pa bago magkolehiyo ang kanyang anak, ganunpaman
nagsisimula na silang mag-asawa na mag-ipon bilang
paghahanda.
________ 10. Excited na bumili ang mag-iina ng bagong gamit ni Lhala para sa
darating na pasukan

GAWAIN 1

Panuto: Isipin ang mga pang araw araw na gawain ng inyong pamilya kasama ang
mga magulang. Isa-isang itala sa angkop na kolum ang mga gawaing ito.

Gawain tungkol sa Pag- Gawain tungkol sa Gawain tungkol sa


aaral Pagpapasiya Pananampalataya
Halimbawa: Pagtuturo ng Halimbawa: Paghingi ng Halimbawa: Pagdarasal
assignment sa bunsong tulong sa magulang kung bago umalis ng bahay
kapatid paano gagawin ang
isang gawain
1.

MELC Q1 Week No. 3 EsP8PBIc 2.1 Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa pamilya na nagpapakita ng
pagbiigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya.
3

2
3.
4.
5.
MGA GABAY NA TANONG:

1. Sa mga gawaing iyong naitala, alin ang pinakamadalas na nararanasan mo?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ano ang magandang epekto sa iyo ng mga karanasang ito sa iyong pag-
aaral? Pagpapasiya? Pananampalataya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Batay sa naunang gawain, tukuyin ang kabutihang naidudulot sa iyo ng mga
tungkulin ng magulang na nasa loob ng kahon.

Pagbibigay Paghubog ng
Paggabay sa
Edukasyon Pananampalataya
Paggawa ng
Mabuting
1.______________ Pagpapasiya
1.______________
_______________
1.______________ ________________
_______________
________________ ________________
2.______________
________________ 2.______________
_______________
2.______________ ________________
_______________
________________

GAWAIN 3

PANUTO: Sumulat ng maikling liham ng pasasalamat sa iyong mga magulang o sa


mga taong nagsilbing magulang sa iyo. Gamit ang blankong stationary ipahayag
ang mga karanasang piansasalamatan mo dahil nakapag-aaral kang mabuti,
nakakakilos nang wasto at lalong nagiging malapit sa Diyos

MELC Q1 Week No. 3 EsP8PBIc 2.1 Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa pamilya na nagpapakita ng
pagbiigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya.
4

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

PANUTO: Piliin ang tiitk ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang nakahahadlang sa pagtupad ng magulang sa


kanyang tungkuling magbigay ng edukasyon sa anak?
a. Pag-aaral nang mabuti kahit kapos sa pinansiyal ang kanyang mga
magulang.
b. Nagtatiyaga na maglakad nang malayo tuwing papasok sa paaralan.
c. Hindi lumiliban sa klase nang walang sapat na dahilan.
d. Hindi pumapasok sa klase at inuubos ang oras sa computer shop upang
maglaro ng dota.
2. Bakit mahalagang mahubog ang iyong pananampalataya? Upang
___________________________________________________________________________
________
a. hindi maligaw ng landas
b. lumalim ang personal na relasyon sa Diyos
c. makagawa ng mabuti sa pamilya at sa kapwa
d. maging mapagpasalamat sa mga kagandahan ng buhay
3. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nang may mabuting
pagpapasiya?
a. Ginawa ang isang kilos sapagkat iyon ang sinabi ng kanyang kaibigan.
b. Upang mapabilang sa grupo ay sinunod niya ang lahat ng mga naisin ng
mga miyembro.
c. Upang matiyak ang gagawin, kumakalap muna siya ng mga
impormasyon mula sa mga taong propesyonal at may karanasan sa
sitwasyong kinakaharap.
d. Para matigil na ang usapan, umayon na lamang siya sa sinabi ng kausap.
4. Alin mga sumusunod ang HINDI layunin ng mga magulang sa pagtupad nila
sa misyon ng pagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga anak?
a. Magkaroon nang maayos na trabaho at malaking sweldo nang sa ganun
ay matulungan sila sa pag-aaral ng iba pa nilang mga anak.
b. Magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay upang maisakatuparan
ang layunin ng Panginoon.
c. Mapaunlad ang mga kakayahan at talento upang magamit ang mga ito
sa paglilingkod sa kapwa.
d. Mapagyaman ang mga kaalaman mula sa pormal na pag-aaral sa mga
asignaturang pang-akademya at maging matalino sa kung paano
magagamit ang mga itoupang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
5. Ang mga sumusunod na gawi o kilos ay daan upang mapalago at mahubog
ang pananampalataya ng mga anak MALIBAN sa:
a. Sabay- sabay na nagdarasal bago kumain
b. Nagsisimba tuwing lingo

MELC Q1 Week No. 3 EsP8PBIc 2.1 Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa pamilya na nagpapakita ng
pagbiigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya.
5

c. Boluntaryong nakikiisa sa mga programa ng komunidad na may layuning


tumulong sa mga nangangailangan bilang pasasalamat sa pagpapala ng
Diyos.
d. Pagiging maramdamin at tinatanong ang Diyos sa panahon nang
pagsubok o kaya ay mabigat na suliranin.

PANUTO: Isulat ang titik A kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagtugon


sa misyon sa pagbibigay ng edukasyon, B Kung ito ay naglalarawan ng pagtugon sa
paggabay sa paggawa ng mabuting pagpapasiya, C Kung ito naman ay
tumatalakay sa paghubog ng pananampalataya at d. kung ang ito ay nagpapakita
ng kawalan ng pagtugon sa misyon.
6. Laging sinasama ni Rose ang kanyang mga nakababatang kapatid maging
ang kanyang mga pinsan sa pagsisimba tuwing linggo.
7. Pinahinto sa pag-aaral si Kenneth ng kanyang ama sapagkat kailangan siya
nito upang maging katuwang sa pagtitinda.
8. Pinalayas si Rodelyn ng kanyang mga magulang nang malamang siya ay
nadadalantao.
9. Hindi nahihiya na magkuwento o humingi ng payo si Rachelle sa kanyang ina
tungkol sa kanyang saloobin sa kanyang manliligaw.
10. Sa tuwing magpapaalam si Sheila sa kanyang lola na magsisimba kasama
nang kanyang mga kaibigan ay lagi na lamang sinasabi nito na “Ay naku,
maglalakwatsa lang kayo!”.

SANGGUNIAN:

Bognot, Regina Mignon C. “Edukasyon sa Pagpapakatao”. Unang Edisyon, pahina


15-16. Vibal Publishing House, Inc. 2013.

Kasper Ecle “Napakahalaga ang Pagkakaroon ng Edukasyon sa Buhay ng Isang


Tao”. Https://www.academia.edu.4185273

Jemaica024. “Ang Kahalagahan ng Pananampalataya”.


https://jemaica024.wordpress.com

Kagawaran ng Edukasyon. Most Essential Learning Competencies. Lungsod ng Pasig.


2020

MELC Q1 Week No. 3 EsP8PBIc 2.1 Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa pamilya na nagpapakita ng
pagbiigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office-Mandaluyong

Calbayog Street, Highway Hills, Mandaluyong City 1500

Telefax: (632) 79552557

Email Address: sdo.mandaluyong@deped.gov.ph


●www.depedmandaluyong.org

You might also like