Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

1

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: ___________________ Petsa:___________ Iskor:__________

ARALING PANLIPUNAN 8
Kuwarter 3 – Linggo 2
Kasanayang Pampagkatuto: 2. Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng
Unang Yugto ng Imperyalismo
Pamagat: Unang Yugto ng Imperyalismo

Layunin:

a. Nasusuri ang mga naging dahilan ng Unang Yugto ng Imperyalismo at


Kolonyanismo;
b. Nakikilala ang mga naging pangunahing eksplorador mula sa Portugal at Espanya
noong ika-14 hanggang ika-15 siglo;
c. Natutukoy ang bansang nirepresenta ng mga ekplorador at ang kanilang
natuklasang lupain.

Konsepto:
Noong ika-14 na siglo sa kontinenteng Europa ay nagsimulang maghanap ng
panibagong ruta sa karagatan upang makipagkalakalan sa mga karatig kontinente
nito. Hangarin ng mga mayayamang bansa na ito ang makakuha ng mga spices o
panlasa para sa kanilang pagkain at pagreserba ng mga ito. Ang panahon ng
paggalugad ay nagsilbing isang pamamaraan upang mapalaganap ang relihiyong
Kristiyanismo sa iba’t ibang panig ng Asya, Amerika at Aprika.
Ating alamin ang iba pang detalye hinggil sa paksa na ito, sa pamamagitan
ng mga impormasyong nasa ibaba.

1
Kuwarter 2 : Linggo: 2 Competency Code:____
Kasanayan: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
2

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga bansa sa kontinenteng Europa ay naging dependent sa mga matatagpuang


pampalasa sa mga bansa sa Asya at India, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang
sa pangkat?
A. Asukal B. Cinnamon C. Nutmeg D. Paminta

2. Ito ay isa sa instrumentong ginamit noong sinaunang paglalakbay. Ito ay ang nagtuturo
sa kanila ng tamang direksyon habang sila ay nasa karagatan.
A. Astrolabe B. Caravel C. Compass D. Hourglass
3. Ito ay isang sasakyang pandagat na ginamit ng mga Kastila upang magdala ng mga
likas na yamang nakuha nila sa bansang kanyang kolonya.
A. Armada B. Caravel C. Galyon D. Steam Ship
4. Ang kanyang paglalakbay ang nagpatunay na bilog at nagpabago sa sinaunang
paniniwala na ang mundo ay patag.
A. Bartolomeu Dias C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Colombus D. Vasco Da Gama
5. Sa kanyang paglalakbay natagpuan niya ang tinatawag na “The New World”.
A. Bartolomeu Dias C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Colombus D. Vasco Da Gama

PANIMULA:

UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO


MGA MOTIBO AT SALIK NA NAGBUNSOD SA KOLONYALISMO
A. Ang Paghahanap ng Spices sa Silangan
B. Makatagpo ng maraming ginto at pilak
C. Mapalaganap ang Kristiyanismo
D. Ang impluwensya ng aklat na “The Travels of Marco Polo”
• Isang libro na naglahad ng mga kaganapan sa paglalakbay ni Marco Polo sa
bansang Tsina, kasama rito ang ganda at yaman ng mga bansa na nasa Silangan.
E. Pagdiskubre ng mga Makabagong Teknolohiya sa Eksplorasyon
• Ang hourglasses ay ginagamit upang malaman ang tagal ng kanilang
paglalakbay.
• Compass na ang unang gumamit ay ang mga Tsino na naging malaking
kapakinabangan ito para sa kanilang pag-alam ng heyograpikal na direksiyon.
• Astrolabe ginamit upang malaman ang altitude ng araw at ng iba pang mga
heavenly bodies.

2
Kuwarter 2 : Linggo: 2 Competency Code:____
Kasanayan: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
3

• Napaunlad din ang paggawa ng mga sasakyang pandagat na maaring gamitin


ng mga eksplorador at matibay sa mga malalakas na hangin na maaari nitong
masagupa sa paglalayag.
• Taong 1400 ng mabuo ang sasakyang caravel na mas maayos ang pagkakagawa
sa mga sinaunang sasakyang pandagat.
• Karamihan din sa mga caravel ay may dala-dalang mga kanyon at ripple para
pangsanggalang sa anumang masasagupa sa kanilang paglalakbay.

GAWAIN 1: TAMA O MALI

PANUTO: Isulat sa unahan ng tamang bilang ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinahahayag ng nakasangguhit na bahagi ng pangungusap at kung hindi, isulat sa
unahan ng bilang ang salitang MALI.
_____________1. Ang ekplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
_____________2. Ang 3G ay kumakatawan sa tatlong layunin ng ekplorasyon ang God, Gold
at Glory.
_____________3. Ang aklat na “The Travels of Marco Polo” ay tungkol sa pagsasalarawan
ng paglalakabay ni Marco Polo sa bansang Ehipto.
_____________4. Ang dalawang bansa na nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng
bagong lupain ay ang Portugal at Espanya.
_____________5. Ang astrolabe ay isang instrumentong ginagamit ng mga manlalayag na
nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay.
____________6. Si Prinsipe Henry the Navigator ang naging inspirasyon ng mga
manlalayag upang tumuklas ng ibang lupain sa ibang dako ng mundo.
____________7. Nagsimula ang Espanya sa paggalugad noong magpakasal si Isabella kay
Ferdinand ng Aragon.
____________8. Ang Espanya ang kauna-unahang bansa sa Europa na nagkaroon ng
interes sa paggalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng spices at ginto.
____________9. Ang kakalakan ng spices sa Europa at Asya ay kontrolado ng mga Muslim
at ng mga taga-Venice, Italy.
____________10. Noong ika-17 na siglo, naitalatag ng mga bagong imperyo sa hilagang
Europa ang Gran Britanya, Pransya at Netherlands.

3
Kuwarter 2 : Linggo: 2 Competency Code:____
Kasanayan: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
4

MGA MANLALAKBAY AT KANILANG NADISKUBRENG BANSA


A. Pinangunahan ng Portugal ang Paggalugad
• Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa
paggalugad.
• Si Prinsipe Henry, anak ng Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing
tagapagtaguyod ng mga nabigasyon. Siya ay kinilala bilang “Ang Nabigador”.
MGA MANLALAKBAY NADISKUBRENG BANSA
Bartholomeu Dias • Cape of Good Hope
• Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaring
makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-
ikot sa Aprika.
Vasco da Gama • Noong 1498 naikot niya ang Cape of Good Hope at
natuklasan ang India.
Pedro Cabral • Noong 1500 narating niya ang Brazil.

B. Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan


• Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng
Castille noong ika-1400 na siglo ay naging daan upang ang Espanya ay
maghangad rin ng mga kayamanan sa Silangan.
MGA MANLALAKBAY NADISKUBRENG BANSA
Christopher Colombus • Narating ang pulo ng Bahamas at natuklasan ang
tinatawag na New World.
Amerigo Vespucci • Natuklasan ang lupain na tinatawag na Amerika.
Juan Ponce de Leon • Naglakbay siya upang hanapin ang fountain of youth
ngunit ang nadiskubre niya ay ang-Florida sa Amerika.
Vasco Nuñez de Balboa • Ang nakadiskubre ng karagatang Pasipiko.
Ferdinand Magellan • Na re-discovered ang Pilipinas.
C. Paghahati ng mundo dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
ekspedisyon ng Portugal at Espanya
• Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang di nakikitang
linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timogang
Pola.
• Ipinaliliwanag nito na lahat ng mga bansa sa kanlurang bahagi ng linya ay para
sa Espanya at sa Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal.
• Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila
na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo pa-Kanluran.

4
Kuwarter 2 : Linggo: 2 Competency Code:____
Kasanayan: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
5

D. Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan


• Noong 1519 ay nagpasimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang
Portuges na kawal na ang nagpondo ng kanyang paglalakbay ay ang Espanya.
• Natagpuan ang isang makitid na daanan ng tubig na tinawag na Strait of Magellan.
• Ang nasabi ring ekspedisyon ay nagpakilala na maaring ikutin ang mundo at muling
bumalik sa dating pinanggalingang lugar. Tanging barko lamang na Victoria ang
nakabalik sa Espanya kahit napatay na si Magellan ng isang katutubong Cebuano na
si Lapu-lapu.
• Ito ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang dating lumang
kaalaman ng mga taga-Europa na ang mundo ay patag, naitala sa mapa ng Europa
ang iba pang mga kalupaan sa Silangan at lalong nagpakilala ng yaman na mayroon
sa Silangan.

GAWAIN 2: PAGTATAPAT
Piliin sa Hanay B ang lugar na natuklasan ng mga manlalakbay sa Hanay A. Isulat ang
iyong tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

_______1. Henry the Navigator A. Ilog Mississippi


_______2. Bartholomeu Diaz B. South Africa
_______3. Christopher Colombus C. Isthmus ng Panama
_______4. Vasco de Gama D. Mexico
_______5. Perdro Alvarez Cabral E. Isla ng Bahamas
_______6. Vasco Nuñez de Balboa F. Cape of Good Hope
_______7. Juan Ponce de Leon G. Pilipinas
_______8. Hernando de Sotto H. India
_______9. Ferdinand Magellan I. Brazil
_______10. Hernando Cortez J. Florida

5
Kuwarter 2 : Linggo: 2 Competency Code:____
Kasanayan: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
6

GAWAIN 3: IDENTIPIKASYON:

Ilahad ang mga natuklasang lupain na napasakamay ng bansang Portugal at Espanya,


gawing batayan ang mga pagpipilian sa ibabang bahagi.

PORTUGAL ESPANYA
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

PAGPIPILIAN:

Amerika Brazil
Peru India
Cape of Good Storm Pilipinas
Cuba Mexico
South Africa Cape of Good Hope

6
Kuwarter 2 : Linggo: 2 Competency Code:____
Kasanayan: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
7

SANGGUNIAN:
-Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’al
Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig pahina 322-334

-https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-14-panahon-ng-eksploras-at-pagpalawak-
ng-teritoryo-0

Inihanda ni:

GENEVIEVE M. EVANGELISTA
Addition Hills Integrated School
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

Angela Marie B. Manrique Mark Rich L. Pablo Zernan E. Gumban Jr.


Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

Ceasar A. Nachor
Superbisor, (Araling Panlipunan)

7
Kuwarter 2 : Linggo: 2 Competency Code:____
Kasanayan: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo

You might also like