Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pre- Test in A.P.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ang pamayanang Minoan ay binubuo ng apat na pangkat ng tao. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas nito?
A. Alipin B. Magsasaka C. Maharlika D. Mangangalakal
2. Bakit tuluyang nagwakas ang kabihasnang Minoan?
A. Dahil nagkagulo ang mga lungsod-estado nito
B. Dahil binuwag ito ng kanilang mga mandirigma
C. Dahil namatay ang kanilang pinuno sa isang labanan
D. Dahil nilusob ito ng mga hindi kilalang sumalakay na sumira at nagwasak ng kanilang pamayanan
3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod?
A. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang Malaya, nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod
C. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greek na binibigyang diin ang demokrasya
D. May ibat-ibang uri ng panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa ibat-ibang yunit ng pamahalaan
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na magaling na mandirigma ang mga Spartan?
A. Itinatag ng mga Spartan ang Peloponnesian
B. Sinunog ng mga Spartan ang buong lungsod ng Athens
C. Sila ang nagsilbing pinakamagaling na sandatahang lakas sa buong daigdig
D. Ang Sparta ang tanging lungsod-estado sa Greece na hindi nasakop ng Macedonia
5. Binuo sa republikang Romano ang triumvirate na nangangahulugang unyon o samahan ng Tatlong makapangyarihang
tao na nangangasiwa sa pamahalaan. Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa First Triumvirate?
A. Crassus B. Julius Caesar C. Mark Anthony D. Pompey
6. Ang mga katutubo sa mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa animism. Alin sa mga malalaking pangkat ng Pacific ang may
paniniwalang ito?
A. Micronesia at Melanesia C. Polynesia at Melanesia
B. Polynesia at Micronesia D. Polynesia, Micronesia, at Melanesia
7. Ang mga pulo sa Pacific ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat: ang Polynesia, Micronesia at Melanesia. Kung ang
Micronesia ay kilala bilang “small islands”, anong katawagan naman kilala ang Melanesia?
A. Beautiful islands B. Big islands C. Dark islands D. Light islands
8. Naging bantog si Mansa Musa sa panahon ng kanyang pamumuno sa Imperyong Mali. Alin sa mga sumusunod na
gusali ang kanyang ipinatayo na naging pook-dasalan ng mga Muslim?
A. Ampitheater B. Basilica C. Coliseum D. Mosque
9. Alin sa mga kasulukuyang lugar sa ibaba nagsimula ang Kabihasnang Maya?
A. Mexico B. Brazil C. Florida D. Australia
10. Ang Pilipinas at mga Pulo sa Pacific ay nahahati sa tatlong malalaking bahagi. Kung itinuturing na pinakamalaking pulo
sa ating bansa ay Luzon, ano naman ang itinuturing na pinakamalaki at pinakamaraming pulo sa Pacific?
A. Polynesia B. Melanesia C. Micronesia D. Palawan
11. Tinatawag ng mga manggagalugad na Hardin ng Eden ang mga Pulo sa Pacific dahil sa likas na yaman nito. Alin ang
dapat pagyamanin upang patuloy na maging atraksiyon ito ng mundo?
A. kultura B. turismo C. ekonomiya D. pulitika
12. Anong pulo sa Pacific Ocean ang matatagpuan sa hilaga ng ekwador na nangangahulugang maliliit na pulo?
A. Micronesia B.Melanesia C. Polynesia D.Macronesia
13. Anong seremonya ang tumutukoy sa pagkakaloob ng mga simbolo sa pamumuno sa obispong hinirang na maging
pinuno ng simbahan?
A. Baptism B. Consecration C. Dedication D. Investiture
14. Ano ang tawag sa kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamumunuan ng isang Obispo?
A. Parokya B. Diyosesis C. Vicariate D. Kawan
15. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II.
Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
C. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
D. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng kabuuang simbahang Katoliko

Inihanda ng mga Guro sa Araling Panlipunan 8


Graciano M. Bagsit
Huberto T. Caiga Jr.
Joan Leah G. Senyahan

You might also like