Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAYUHANG LITERATURA

Ayon kay Amy Novotney (2014) kumikilos na ang sikolohista upng matuunan nang
pansin ang mga lumalalang kaso ng sakit sa pag-iisip tulad ng depression. Sinsabing
gumagawa na ng mga hakbang ang mga mananaliksik upang mailahad ang
kahalagahan ng kaayusan ng pag-iisip ng mga estudyante sa loob ng paaralan. Bukod
dito, isinaad na ang mag-aaral na dumaraan sa anxiety na depression ay may
malaking posibilidad na tumigil sap ag-aaral, subalit kung mabibigyan ng maagap na
tulong at pagpapayo ay maiiwasan ito.

Kaugnay nito, sap ag-aaral ni Michael Kerr (2015) na ang kakulangan sa pagtulog o
pagkapuyat, hindi tamang pagkain at hindi sapat na pag-eehersisyo ang maaaring
sanhi upang makaranas ang isang estudyante ng depression. Dagdag pa dito, ang
presyur sa mga pang-akademikong gawain, paghahangad sa mataas na marka,
pinansyal na problema at relasyon sa mga taong nakapalid ay sapat na kadahilanan
upang mapilitang huminto sap ag-aaral ang isang mag-aaral. Sa pag-aaral na ito,
itinuturing ang depression at anxiety bilang pangunahing dahilan ng pagtigil ng mga
mag-aaral sa pag-aaral.

Ayon kay Alipio (2017) and depression ay isang kondisyon kung saan nakakaranas ng
lungkot, kawalan ng pag-asa, walang silbi at walang interes sa pang-araw-araw na
buhay.

“Maraming pag-aaral ang lumalabas na ukol sa lumalalang problema sa estado ng


mental health ng ating mga kabataan sa ngayon. Hindi dapat natin ito ipagwalang-
bahala. Dapat aksyunan ito at solusyunan. Mahalagang pagtuunan ito ng pansin nang
hindi na madagdagan pa ang ating mga mag-aaral na depressed”, ayon kay Estrada
(2023).

Ayon sa Omics International (2016) inilarawan ang depression bilang isang sakit sa
pag-iisip kung saan ang isang tao ay laganap na paulit-ulit na panlulumo na
sinasabayan pa ng pagpapahalaga sa sarili at kawalan ng interes sa mga karaniwang
Gawain. Maaari itong magdulot ng masasamang epekto gaya ng pagbabago ng
timbang, labis na pagtulog, pagkapagod, kawalan ng konsentrasyon, at ang
pinakalubos ay ang pagpapatiwakal. Ito ay isang nakakapinsalang kondisyon na labis
na nakaaapekto sa pamilya ng pasyenteng meron nito, sa trabaho, sa pag-aaral, sa
pagtulog, pagkain, at sa kabuuang kalusugan. Ilan sa mga may depression ay isang
beses lamang nakararanas nito habang ang iba ay higit pa sap unto ng kanilang buhay.

Ayon sa teoryang romantisismo (2016) ay naipapakita sa pag-aaral na ito sapagkat


mayroong pagtakas sa katotohanan na kung saan ang mga karaniwang nabibiktima ng
depression ay ang mga taong nag-iisip na tumakas sa kung ano ang katotohanan.
Sinasabing ang pagkakaroon ng depression ang isa sa mga bagay na
makakapagpalaya sa kanila sa bigat ng pasanin ng ibinibigay sa kanila ng buhay. Sa
kabilang banda, sinasabi rin na ang depression ay hindi sakit bagkus ito ay nasa
kategorya ng maaaring pagpilian sa panahong at pagkakataong ang isang tao ay wala
nang maisip na maayos na paraan upang takasan ang problema at realidad ng buhay.

Ang depresyon ay isang seryosong sakit na medikal na nasasangkot ang utak. Ito ay
higit pa sa pakiramdam ng pagkalumbay o pagkalungkot sa loob ng ilang araw.
Tinutukoy ng Mayo Clinic (2019) ang depresyon bilang isang mood disorder na
nagsasanhi sa paulit-ulit na pakiramdam ng kalungkutan at pagkawala ng interes.
Tinatawag din ito na pangunahing depressive disorder o clinical depression, ito ay
nakakaapekto sa iyong nararamdaman, iniisip at kinikilos at maaaring humantong sa
iba’t ibang mga emosyonal at pisikal na problema.

Ayon kay Bautista (2018), hindi binibigyang-pansin ng mga Pilipino ang MH dahil sa
iba’t ibang stigma na nakadikit sa pangalan nito, halimbawa, ang isang taong may
bipolar syndrome ay tinatawag na topakin at ang isang taong may clinical depression
naman ay sinasabing malungkot o nag-iinarte lamang. Isa pang rason ay ang
paniniwala ng mga tao na ang mental illness ay simpleng kalungkutan lamang at
nagagamot ng mga simpleng bagay tulad ng pagpa-party, paglalasing, o iba pang
gawain na maituturing na panandaliang saya, Kung kaya’t ‘di umano ay natatakot tuloy
ang karamihan sa mga Filipino na umamin sa kanilang kondisyong pangkaisipan at
magpakonsulta sa mga psychologist.

Ayon sa mga pamantayan ng pag-diagnose ng American Psychiatric Association


(2018), sinasabing mayroon kang karamdamang depresyon kapag mayroon kang 5 o
higit pang pisikal o sikolohikal na sintomas ng depresyon nang mahigit sa 2
magkakasunod na linggo, kabilang ang mababang lagay ng kalooban at kakulangan ng
enerhiya. Patuloy kang napupuspos ng mga negatibong saloobin at lubusang
naapektuhan ang iyong pang-araw-araw na buhay.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa noong mga unang bahagi ng pandemya na may
1879 na kalahok, 25% sa kanila ay nakararanas ng katamtaman hanggang malubhang
pagkabagabag at 17% naman ang nakararanas ng katamtaman hanggang malubhang
depresyon at iba pang sikolohikal na epekto (Tee et al., 2020).

You might also like