Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa EPP 4

I. Layunin:
 Naitatabi nang maayos ang mga kasuotan batay sa kanilang gamit.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pag-aayos ng mga Kasuotan Batay sa Kanilang Gamit at Okasyon
Sanggunian: K to 12 – EPP4 HE- Ob-3
Kagamitan: larawan ng mga iba’t ibang kasuotan para sa iba’t ibang okasyon,
manila paper, kartolina, pentle pen

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga Liban
4. Pagganyak:
- Awitin ang “Ako Ay May Ulo”.
-Magpakita ng larawan ng isang aparador. Pagkatapos ay itanong
sa mga mag-aaral ang sumusunod:
- Ano ang tawag sa bagay na ito?
- Ano inilalagay natin dito?
- Sino sa inyo ang may maraming kasuotan na inilalagay
sa aparador? Ano-ano ang isinusuot natin sa iba’t ibang
parte ng ating katawan?
- Kailan ninyo isinusuot ang mga ito?
- Maayos ba ang pagkakalagay ninyo sa mga ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
-Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang kasuotan ayon sa gamit.
2. Pagsusuri:
- Itanong ang mga sumusunod:
- Ano ang tawag sa mga kasuotang ito?
- Kailan natin ito ginagamit?
- Ano ang mga paraan ng pagsasaayos ng mga damit?
3. Paglalahat:
- Upang manatiling maayos at maisuot ang iba’t ibang kasuotan
sa mga okasyon, dapat na itabi ang mga ito nang maayos sa tamang
lalagyan bago itago. Tandaan palagi na bago itago ay dapat na labhan
muna ang mga ito.
4. Paglalapat:
- Pangkatin sa tatlo pangkat ang klase. Pagkatapos ay papiliin
ang bawat pangkat ng kanilang magiging leader.
- Bigyan ang bawat pangkat ng mga larawan ng iba’t ibang
kasuotan at ipadikit ito sa tamang kahon sa talahanayan.
- Ang pangkat na makakakuha ng maraming puntos batay sa
inihandang rubrics ang siyang panalo.
IV. Pagtataya:

Panuto: Isulat ang tsek (√) kung ito ay dapat gawin at ekis (X) naman kung
hindi.

____ 1. Pina-dry clean ang gown/barong bago itago sa aparador.


____ 2. Natulog kang suot pa rin ang damit mong ginamit sa party.
____ 3. Hindi isinauli ang Barong Tagalog na hiniram sa kamag-anak .
____ 4. Inihihiwalay ang mga damit pansimba sa mga damit pambahay at
pampaaralan.
____ 5. Itinatabi ng maayos ang mga damit pagkatapos gamitin.

V. Takdang Aralin:

Panuto: Pag-uwi sa bahay, tingnan ninyo ang inyong mga kasuotan. Itabi ang
mga ito nang maayos at pagsama-samahin ang mga pormal na kasuotan
at mga damit na isinusuot sa mga espesyal na okasyon.

Prepared by:

JOVETH IAN G. LAMBATIN


Teacher I

Observed by:

DANIEL M. CORDERO
Master Teacher I

MARCIANO A. DUMAYAS
Principal I

You might also like