Bilang Kabataan NG Bagong Henerasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bilang kabataan ng bagong henerasyon, marapat bang makialam sa mga nangyayari sa

kapaligiran? Patunayan ang inyong sagot.

- Bilang isang kabataan ng bagong henerasyon, isa lang ang palaging mukhang bibig
ng mga mas nakakatanda sa amin, na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Tama
naman sila na ang kabataan talaga ang pag-asa nang bayan, dahil mas malakas at
mas kaya pa nila panindigan at proteksyonan ang bansa. Ngunit hindi naman lahat
ay sang-ayon lalo na ang kabataan, ngayon ay napaka ibang-iba narin ang mga
kabataan kaysa noon, dahil nga sa teknolohiya ay minsan napapabayaan na tulungan
ang magulang sa gawaing bahay at higit padun ang katamaran ng mga kabataan.
Ngayon, bilang isang kabataan ng henerasyon dapat ba ako at iba pang kabataan ay
mangialam sa kapaligiran. Para sa akin bilang isang kabataan ay naaangkop lang
kami ay mangialam sapagkat, sa pagkakatanda ko hindi lang kami kabataan, isa rin
kaming mamayanan na naninirahan sa ating bansa, isang rin kaming Filipino na ang
tanging hangad lang naming ay kapayapaan sa at proteksyon sa ating bansa. Isipin
natin kung ano man ang mangyari sa ating bansa diba maapektuhan din kaming mga
kabataan? lalo na sa nangyayari ngayon, na lumalaganap na ang pandemya o mas
tinatawag nating Covid-19. Hindi naman sa mararapatin naming ngunit hindi naman
siguro masama kung magbigay lang kami ng opinyon o kaalaman sa nangyayari sa
ating bansa, bagamat bata man kami, may utak rin kami, utak at maparaan, na kung
bibigyan lang kami ng boses maaring meron kaming maitulong na masugpo at
mabawasan ang nangyayaring Covid-19 sa ating bansa. Isa rin kaya gusto naming
mangialam, dahil sa gobyerno, dahil korapsyon, na hanggang ngayon ang bansang
Pilipinas ay hindi umuunlad, kaya nararapat lang na bigyan kami ng karapatan, at
bigyan kami ng boses upang mabigyan kami ng karapatan sabihin ang aming gusto sa
gobyerno, dahil bilang isang kabataan, ayaw naming makita ang kapwa naming
kabataan at kapwa pinoy na nagdurusa at naghihirap. Bagamat ganon pa man, wala
parin tayong magagawa dahil, tanging Panginoon nalamang ang bahala sa
pangyayari sa ating bansa at sa buong mundo, nais kulang iwan sa ating Pilipino na
tayo ay maging matatag at kumapit sa ating pananampalataya sa Panginoon.

You might also like