Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

“SA LIKOD NG GUSTO AT PANGANGAILANGAN”

TAUHAN: Teresa – isang masipag na mag-aaral sa kursong Nursing na

nakakatandang kapatid ni Mariafe. Siya ay malapit ng

magtapos kaya nagsusumikap. Nangungupahan lamang sila sa

syudad dahil nasa bukid pa ang kanilang bahay at mga

magulang.

Mariafe – isang maluhong dalaga na kapatid ni Teresa. Nag-

aaral rin sa kursong Nursing at talagang sumasabay sa kung

ano ang uso.

TAGPUAN: Sa inuupahang kwarto ng magkapatid

(Dapithapon)

(Sa maliwanag na entablado, lalabas mula sa kaliwa si Teresa na

maraming dalang libro at mapapansin ang kanyang pagiging matamlay

habang nasa kanan naman ng entablado si Mariafe na abala sa palalagay

ng kolorete sa kanyang mukha.)

Teresa: Mariafe! Ano naman ‘yang nilalagay mo sa mukha mo? (Ibababa

ang mga dala sa sahig at tatakbo papunta kay Mariafe at

iinspeksyunin ang mga kolorete)

Mariafe: Ate, wala ito. Bigay lang naman ito ng mga kaibigan ko.

(Ililihis ang tingin)


Teresa: Kilala kita, Fe. Alam kong ikaw ang bumili niyan.

(Bubuntong-hininga)

(Sandaling katahimikan)

Teresa: Naghanda ka ba ng makakain natin? (Iilagay sa kahon ang mga

kolorete ni Mariafe)

Mariafe: (Yuyuko) Hindi pa po. Akala ko kasi matatagalan ka pa sa

paaralan.

Teresa: (Pipikit ng mariin at saka tititigan si Mariafe) Fe naman.

Sinabihan naman kita kanina na maaga akong uuwi, diba?

(lalag-balikat at tatalikod) Magluluto muna ako. (Lalabas

ng entablado)

Mariafe: (Titingin sa nilabasan ni Teresa) Pasensya na, ate.

Natatakot lang naman ako. (Tatayo at pupulutin ang mga

gamit ni Teresa)

(Kinabukasan, alas-syete ng umaga)

(Lalabas mula sa tabing ng gitnang entablado si Mariafe habang

nasa kanan si Teresa na abala sa pagbabasa ng libro)

Mariafe: Ate, lalabas muna ako kasi may bibilhin ako. Gagawa kasi

kami ng project sa isang asignatura namin. (Lalapit kay

Teresa)
Teresa: (Titingin kay Mariafe) Ano naman bibilhin mo? Fe, kailangan

natin magtipid ngayon dahil nahihirapan na sina Mama at

Papa. Wala ng ani sa bukid dahil sa bagyo, kunti nalang rin

‘yung perang natitira sa akin.

Mariafe: Mga gagamitin lang namin sa pagbuo ng proyekto namin, Ate.

Teresa: Kakasya na ba ito? (Iaabot ang pera kay Mariafe)

Mariafe: (Kukunin ang pera) Kasya na ‘to, ate. Salamat. (Lalabas sa

kaliwang entablado)

(Pagsapit ng alas-dose, naka-uwi na si Mariafe na may dalang bag

at dahan-dahan na pumasok sa kwarto habang si Teresa ay abala pa rin

sa pagbabasa)

Teresa: (Titingin kay Mariafe) Ano ‘yang mga dala mo?

Mariafe: Wala to, ate. Mga gamit ko lang. (Tatawa ng alanganin)

Teresa: Dalhin mo nga rito.

Mariafe: Di na. Aayusin ko na ‘to sa kabinet ko, ate. (Nagmamadaling

naglakad papunta sa kabinet)

Teresa: Ano na namang mga gamit ‘yan? (Magpapatuloy sa pagbabasa)

Mariafe: ‘Yung hiniram lang nila, ate. Binalik na nila kasi matagal-

tagal na rin ‘yun. (Iilagay sa kasuluk-sulukan ng kabinet

ang bag)
Teresa: Okay. Magluto ka na ng makakain natin ngayon.

Mariafe: Opo, ate. (Lalabas ng entablado)

(Habang nasa labas si Mariafe, titingnan ni Teresa ang bag na

inilagay ni Mariafe sa kabinet at nang makita niya ito, napaluha

nalang si Teresa. Lalabas si Teresa sa entablado ng humihikbi.)

Mariafe: Ate! Luto na po ‘yung pagkain. (Ilalagay sa mesa ang

pagkain) Halika na. Kakain na tayo.

Teresa: (Lalabas mula sa kaliwang entablado si Teresa na matamlay

at uupo sa harap ng mesa) Fe, mag-usap nga muna tayo.

Mariafe: (Titingin kay Teresa at uutal-utal na sasagot) A-ate? B-

bakit p-po? (Uupo sa harap ni Teresa)

Teresa: Magsabi ka nga ng totoo sa’kin, Fe. (Tititigan si Mariafe)

Mariafe: (Yuyuko) Tinignan mo ‘yung laman ng bag, ate?

Teresa: Oo, Fe! (Luluha) Ba’t kailangan mo pang magsinungaling sa

akin? Sinabihan naman kita kahapon, diba? Uulitin ko sayo

ngayon kung anong kalagayan ng mga magulang natin, ha?

(Hihikbi) Wala na tayo pera, Fe. Pati mga kapatid natin na

nasa bukid di na makapag-aral dahil inuubos nina Mama at

Papa yung pera sa atin para makapagtapos tayo. Pag-aaral ang

pinunta natin rito, Fe. (Titingin sa taas) Isipin mo naman

sana ‘yung sakripisyo nina Mama at Papa para sa’tin. Hindi


mayaman ang mga magulang natin, Fe. Bawat sentimos ng pera

na pinapadala nila ay may kapalit na pawis at pagod.

(Lalakas ang hikbi)

Mariafe: Di mo kasi ako naiintindihan, ate. (Iiyak na rin) Alam mo ba

kung bakit kailangan ko sumabay sa uso ngayon? (Sandaling

katahimikan) Kasi natatakot ako na walang lumapit sakin para

makipagkaibigan. Ayokong maranasan ‘yung naranasan ko noong

elementarya ako, ate. Natatakot ako na kutyain ng mga taong

nakapaligid sa akin. (Di matigil sa pagluha)

Teresa: Natatakot kang kutyain? (Sisigaw) Fe! Kaya ka nga pinag-

aaral ng mga magulang natin para may maipagmalaki ka sa

kanila! Ba’t naghahanap ka pa ng atensyon nila? Hindi pa ba

sapat ‘yung atensyon na ibinibigay namin sa’yo? Ba’t ka ba

nagkakaganyan? (Luluha ulit)

Mariafe: Wala naman maipagmamalaki si Mama at Papa sa akin, ehh.

(Titingin kay Teresa) Di naman kasi ako matalino tulad mo.

Di ako masipag tulad mo. Di rin ako kagandahan tulad mo. Di

ako talentado tulad mo. Halos nandiyan na sa’yo lahat, ate.

(Luluha)

Teresa: (Nabigla) Fe! Ba’t mo kinukumpara ang sarili mo sa’kin?

Mariafe: Ikaw lang naman ‘yung anak palaging pinagmamalaki ni Mama sa

iba. Ito nalang yung nagpapasaya sa akin, ate. Kasi sa


tingin ko may ihaharap ako sa kanila. (Lulungkot ang

ekspresyon)

Teresa: (Lalapit kay Mariafe at yayakapin ito) Fe, ba’t mo ba

pinapansin kung anong meron sa’kin? Kaya di mo nakikita yung

nandiyan sa’yo, ehh. (Hihikbi sa balikat ni Mariafe) Di mo

lang napapansin pero pinagmamalaki ka nina Mama at Papa.

Sayo nakapokus sina Mama palagi, ehh. Nararamdaman kasi nila

na mas kailangan mo ng atensyon. Nakaka-inggit nga pero

mahal kita, ehh. Kaya okay lang. (Hihigpitan ang yakap kay

Mariafe)

Mariafe: Pasensya ka na, ate. (Yayakap rin kay Teresa) Tama ka nga

siguro kaya di ko napapansin kung anong meron sa akin kasi

nakapokus ako sa kung ano meron yung iba? (Bubuntong-

hininga)

Teresa: (Bibitaw sa yakap) Sa susunod na bibili ka ng pampaganda at

damit na uso, wag ‘yung mahal, ha? Isipin natin palagi yung

hirap na dinanas nina Mama para mapag-aral lang tayo sa

magandang unibersidad. May ukay-ukay naman, ehh. (Tatawa)

Mas maraming maganda doon at saka may libreng make-up naman

sa Watsons.
Mariafe: (Tatawa rin) Ate naman, ehh. (Titingin kay Teresa) Pasensya

na talaga, ate. (Ngingiti) Pero ang sarap pala sa pakiramdam

na nasasabi ko sayo lahat.

Teresa: Pasensya ka na rin kay Ate. Konting tiis nalang, Fe. Makaka-

ahon din tayo sa kahirapan. Maibibigay ko na luho mo.

(Ngingisi)

Mariafe: Nangongonsensya ka naman, ate! Pero wag kang mag-alala, ate.

Pagbubutihin ko na rin ‘yung pag-aaral ko. Ibibigay natin

kaya Mama at Papa ‘yung mga gusto nila. Ukay-ukay nalang

pagbibilhan ko ng damit para tipid at magpapamake-up na rin

ako ng libre sa Watsons. (Hahalakhak)

Teresa: (Ngingiti) Nakakatuwa naman, Fe. (Seryosong titignan si

Mariafe) Wag mo na munang iintindihin ‘yung mga taong

nangungutya sa atin. Kapag nakapagtapos tayo ng pag-aaral,

ipapamukha natin sa kanila kung sino ‘yung kinukutya nila.

Konting hintay nalang talaga.

Mariafe: Ang drama natin, ahh? (Tatawa) Ikaw kasi, ehh.

Teresa: Kain na nga tayo. (Ngingiti)

(Habang masayang kumakain ang magkapatid, unti-unting didilim ang

entablado kasabay ng pagkawala ng halakhak ng magkapatid.)


---------- WAKAS ----------

You might also like