Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ORIENTAL MINDORO OIL SPILL

[EDITORIAL] Tabo-tabo na lang ba laban sa oil spill?


MAR 6, 2023 4:16 PM PHT
RAPPLER.COM

Tabo-tabo ang tugon. Tabo-tabo ang


mitigation. Kahit delubyo ang
kalaban.
Nakapanlulumo na ang first response
at pangunahing panlaban ng mga
kababayan nating fisherfolk laban sa
oil spill sa Oriental Mindoro ay tabo.

Ang mga salitang sumasapol sa


nararamdaman ng marami: sense of
futility, frustration.

Hindi ito pagmamaliit sa dugo at pawis ng mga mangingisda at kanilang mga pamilya. May gumagamit ng
natural solutions tulad ng coconut husk at kawayan. Sa totoo lang, nakatutuwang makita ang mga
creative na solusyon ng ating mga kababayan.

Hindi papetik-petik ang lokal at pamprobinsiyang gobyerno. Hindi kulang sa sinseridad at


pagmamalasakit. Pero isang bagay ang malinaw – hindi handa ang national government na tumugon sa
ganito kalaking problema.

Kinulit ng gobernador ang may-ari ng MT Princess Empress. Maraming back and forth. Tabo-tabo pa rin
ang cleanup.

Pero dahil ilang araw na ang nakalipas, umabot na sa Antique – sa Sitio Sabang, Barangay Tinogboc,
Liwagao Island, Barangay Sibolo, at Sitio Timbak, Barangay Semirara.

May maliit daw na posibilidad na umabot ang oil spill sa Boracay – opo, ang world class na tourism
destination ng Pilipinas. Sana nga hindi.

Hindi petik-petik pero tabo-tabo pa rin dahil bottomline, hindi tayo handa.

Walang pa ring remotely operated vehicles o ROVs – mga underwater robot na mag-i-inspeksiyon ng
hazardous water environments. Tatlo hanggang limang araw pa bago makarating ang ROVs. At tila
nakasalalay ang cleanup sa third party cleaners na kinuha ng may-ari ng tanker.

Samantala, nagkakasakit ang mga tao. Kumakalat ang lason sa karagatan. Kumakalat ang apektadong
mga mangingisda. Sa Pola town, hindi puwedeng kumain o magbenta ng isdang nahuli sa apektadong
karagatan. Hindi puwedeng uminom ng tubig sa deep-well. Hindi puwedeng kumalat sa gabi ang
kabataang pinasailalim sa curfew para na rin sa kanilang kapakanan.

Nabaligtad ang buhay ng mga residente, nawalan ng kabuhayan, at biglang umaasa na lang sila sa lokal
na pamahalaan para sa simpleng tubig-inumin.

Tabo-tabo at watak-watak ang tugon. Tabo-tabo rin ang mitigation. Kahit delubyo ang kalaban.

Sana po, matutunan natin ang commensurate response na tatapat sa tindi ng problema. – Rappler.com

You might also like