Filipino 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO 8

ORASYON- tinatawag na Angelus o panalanging ginagawa o tatlong beses sa isang araw.


JOSE CORAZON de JESUS- itinanghal na kauna- unahang “Hari ng Balagtasan”.
Mga El;emento ng Tula
SUKAT- bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong.
Sesura- tawag sa saglit na tigil sa kalagitnaan ng bawat taludtod (/).
TUGMA- pagkakapareho ng tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod.
TALINGHAGA- paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit- akit ang
pagpapahayag.
LARAWANG-DIWA (Imagery)- nag- iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.
SIMBOLISMO (Symbolism)- may kahalugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
KARIKTAN- on how to form a word to make it beautiful.
KASINGKAHULUGAN/ KASALUNGAT- maipaparating ang mensaheng nais sabihin sa
tulang gagawin.
IDYOMA- nakikilala ang yaman ng isang wika.
DENOTASYON- kahulugang mula sa diksiyonaryo .
KONOTASYON- may taglay na ibang kahulugan ng isang pangkat.
BALAGTASAN- uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa.
Tauhan sa Balagtasan
LAKANDIWA- makatang namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan ng mga katwiran.
MAMBABALAGTAS- nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa ay sang- ayon at isa naman ay
di sang- ayon.
MGA MANONOOD- mga tagapakinig at nagbibigay ng hatol sa mga katwiran ng magkabilang
pantig.
Pinagkaugalian
INDAYOG- sining ng pagbigkas na siyang nagbibigay- kariktan sa balagtasan na umaakit sa
tagapakinig.
PAHAYAG sa PAGSANG-AYON- pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang
pahayag.
PAHAYAG sa PAGSALUNGAT- pangtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang
pahayag.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
BANGHAY- wastong pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.
PANINGIN- nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat
maglahad.
SULIRANIN- problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang kalutasan.
PAKSANG- DIWA- pang isipang iniikutan ng mga pangyayari sa akda.
HIMIG- tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagpatawa at iba pang
nagpapahiwatig ng kalikasang damdamin.
SALITAAN- usapan ng mga tauhan.
PAGTUTUNGGALI- paglalaban ng pangunahing tauhan.
KALAKASAN- kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
KASUKDULAN- pinakamataas na uri ng pananabik.
GALAW- pag- unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa waks.
Pang- Uri
LANTAY- naglalarawan ng isa o payak na pangngalan o panghalip.
PAHAMBING- pag- uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.
Magkatulad- patas sa katangian ang pinagtutulad.
Di- Magkatulad- nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.
 PALAMANG- positibong katangian ang inihahambing.
 PASAHOL- negatibong katangian ang pinaghahambing.
PASUKDOL- pinakadulong digri ang kaantasan ng pasukdol na maaaring positibo o negatibo.

You might also like