Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT

ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON


FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO
Module No.4

UNIT 4: SEMANTIKA: DENOTASYON AT KONOTASYON


PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO

MODULE 4.1: SEMANTIKA: DENOTASYON AT KONOTASYON


PANGKALAHATANG-IDEYA NG MODULE

Nagkaroon ng pagbabago ang wika sa iba’t-ibang panahon. Ang mga katuturang ibinibigay
ngayon sa isang salita ay maaaring lumago, lumawak,maiba sa isang henerasyon o particular na
panahon. Ating isinaalang-alangang pagiging nasyonal o makabansa, kadalisayan at pana-
panahong gamitbilang “batis” ng kawastuhan sa pagbibigay ng kahulugan ng salita.

Pinaka mahalaga sa atin bilang isang tao ang pakikipag-usap . Dito ay nakikipagpalitan tayo ng
ideya, paniniwala, saloobin at mga kaisipan sa ating kapwa. Subalit, may mga pagkakataong sa
ating pakikipagkomunikasyon o pakikipag-usap ay nagkakaroon tayo ng di pagkakaunawaan sa
isa’t isa. Kaya’t upang higit na maging maayos ang pakikipagkomunikasyon ay kinakailangang
matugunan ang di pagkakaunawaan .

Sa Modyul na ito ating tuklasin, ano nga ba ang semantika? Paano nito mabibigyan nang lubos
na pagpapaka hulugan ang isang salita o mga salita tungo sa malinaw na pakikipag-unawaan.

LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. .Naipapaliwanag ang semantika.


B. Naikokontrast ang denotasyon at konotasyon.
C. Nasusuri ang mga salita kung ito ay denotasyon o konotasyon.
NILALAMAN NG PAG-AARAL SEMANTIKA
(PAGPAPAKAHULUGAN)

● Nagmula ang semantika sa wikang Griyegong "σημαντικός" - semantikos, na may


kahulugang "makabuluhan" o "makatuturan", mula sa σημαίνω (semaino), "may ibig
sabihin, na nangangahulugan at nag mula sa σῆμα (sema), "tanda, marka, sagisag,
simbolo".

● Sa payak na kahulugan ang semantika ay ang pagaaral ng kahulugan . Ang Semantika ay


pag-aaral na tumutukoy sa kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salitang batay sa
paggamit nito sa pangungusap o pahayag.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO

● Sa ganitong pagkakataon, tumutukoy ang salitang kahulugan sa kaugnayan sa pagitan ng


mga tagapagbatid o tagapagpakahulugan at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.
● Sa ganitong pagkakataon, tumutukoy ang salitang kahulugan sa kaugnayan sa pagitan ng
mga tagapagbatid o tagapagpakahulugan at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.
● Pokus din nito ang pag-aaral ng iba’t ibang proseso ng pag-iisip o proseso ng ng
pagkakamit at pagbuo ng mga kaalaman.

● Ayon kay Gonzales (1992), ang semantika ay proseso ng pag-iisip, kognisyon, at


konseptuwalisasyon. Sinasabing ang mga ito’y magkaugnay sa pag-uuri’t pagpapahayag ng
karanasan ng tao sa daigdig sa pamamagitan ng wika.
● Ang semantika ay itinuturing din na sentrong daluyan ng iba’t ibang pag-aaral, tulad ng
linggwistika, pilosopiya at sikolohiya.

● LINGGWISTIKA
- pag-unawa sa mga wika
- masensiyang paraan ng pag-aaral ng mga katangian at kalikasan ng wika
- Ayon naman kay Lachica, ang linggwistika ay itinuturing na maagham na pag-aaral ng
wika o lenggwahe

● Ayon kay Marquez (2010) nakapokus ang semantika sa pagbibigay ng kahulugan sa mga
salita, parirala, o pangungusap. Dapat nating tandaan na ang wikang katutubo, bernakular o
unang wika ng isang bayan ay naiimpluwensiyahan ng mga dayuhang wika kaya naman
lumalago ang bokabularyo nito. Ito’y nagpapatunay lamang na totoong dinamiko ang wika.

DALAWANG PARAAN NG PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN NG SALITA

1. Denotasyon - Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng


mga termino. Tumutukoy rin ito sa literalna nagpapakahulugan sa mga salita . Ang mga
kahulugan ay nagmula sa mga diksyunaryo at magingsa mga aklat.

Ayon kay Porter G. Perrin, isang dalubwika, sapagkat may paniniyak at walang pasubali:
kinikilala, tinatanggap at sinasang-ayunan ng mga tao. Tumutukoy rin ito sa tiyak na
kahulugan o katangian ng bagay na tinutukoy at kongkretong nakikita.
Halimbawa:
a) Ang paruparo ay dumapo sa rosas.
b) Ayaw ko ng isdang bangus dahil matinik ito.
c) Kumikislap ang bituin sa kalangitan.

2. Konotasyon - Ito ay pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita. Ito rin ang
kahulugang ibinibigay sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi tuwirang isinasaad.
Halimbawa:
a) Ang batang lalaki ay talagang may gintong kutsara sa bibig.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO
b) Nagpantay ang paa.
c) Si Marites ay parang sabaw kung mag isip.

PUNTO NG PAGKATUTO

Ang SEMANTIKA ay ang pag-aaral kung paano binubuo ang wika at kung paano
ipinapahayag angmga pagpapakahulugan. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na“semaino” na
ang ibig sabihin ay nangangahulugan. Layunin nito na suriin ang kahulugan ngbawat salitang
ginagamit ngtagapagbatid o tagapagpakahulugan.

Ang DENOTASYON AT KONOTASYON ay ang dalawang uri ng pagbibigay kahulugan


sa isang salita. Ito ay may malaking pagkakaiba sa isa’t isa sapagkat ang denotasyon ay ang
kahulugan ng isang salita nakinukuha mula sa mga limbag namaterial tulad ng diksyunaryo.
Ito rin ay ang tinuturing na tunay na ibig-sabihin o kahuluganng isang salita. Sa kabilang
banda,ang konotasyon naman aytumutukoy sa pansariling pagbibigay kahulugan o
pagpapakahulugan sa isang salita

MODULE 4.2: PAGGAMIT NG MGA DIKSYONARYO


PANGKALAHATANG-IDEYA NG MODULE

Ang diksiyonaryo (talahuluganan, talatinigan) ay isang aklat ng mga nakatalang mga salita ng
isang partikular na wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng titik ng abakada o
alpabeto .

Sa module na ito ating makikilala ang mga bahagi ng diksyonaryo ito ay ang:

1. Pamatnubay na salita

3. Pagpapantig

4. Uri ng bahagi ng pananalita

5. Ang salitang-ugat

Matututunan din sa module na ito kung ano ang mga ibig sabihin ng mga salitang ating
binibigkas , salitang hindi natin alam ang kahulugan at kung paano gamitin ang diksyonaryo .

LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natatalakay ang paggamit ng diksiyonaryo.

B .Nakikilala ang bawat bahagi ng diksiyonaryo.

C. Nakakabuo ng mga pagsusulit kaugnay sa pagggamit ng diksiyonaryo.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO

NILALAMAN NG PAG-AARAL

PAGGAMIT NG MGA DIKSYONARYO

Ang Diksiyonaryo (Talahuluganan, Talatinigan) ay isang aklat ng mga nakatalang mga


salita ng isang partikular na wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng titik ng abakada
o alpabeto .

Ang PINAKAUNANG DIKSIYUNARYONG naglalaman lamang ng


mga salita sa wikang Ingles, at nakaayos din na batay sa alpabeto nito, ay ang A Table
Alphabeticall, na isinulat ni Robert Cawdrey, isang guro sa isang paaralan sa Inglatera, noong
1604.

ANG DIKSYONARYO AY NAGPAPAKITA NG :

A. PAMATNUBAY NA SALITA

● Ito ay makikita sa bawat itaas na pahina ng isang diksyunaryo. Tinatawag itong


pamatnubay na salita dahil nagsisilbi itong gabay sa mga gumagamit ng diksyunaryo
upang mas mapadali ang paghahanap ng isang salita .

● Ang pamatnubay na salita na nasa kaliwa ay unang salita na makikita sa pahina, ang nasa
kanan naman ay ang huling salitang makikita sa pahina
HALIMBAWA: TIGNAN ANG LARAWAN SA IBABA.

ANG MGA SALITA SA


TAAS NG PAHINA NA
NAKABILOG SA
LARAWAN (SULIT,
SUNDONG) AY ANG
HALIMBAWA NG
PAMATNUBAY NA
SALITA SA
DIKSYONARYO.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO

B. PAGPAPANTIG - Paghahati hati ng mga salita

HALIMBAWA :

SULIT – SU + LIT = 2
KUMPADRE- KUM + PAD + RE = 3
ORASAN- O + RA + SAN = 3
PALAKPAK - PA + LA + PAK = 3

C. "URI NG BAHAGI NG" PANANALITA 

1. Gabay sa bahagi ng Pananalita

"INGLES"          "FILIPINO"
1.Noun            -Pangngalan
2.Pronoun       -Panghalip
3.Verb              -Pandiwa
4.Adjective      -Pang uri
5.Adverb          -Pang-abay
6.Conjunction -Pangatnig
7.Preposition  -Pang ukol
8.Interjection  -Pandamdam

2. "Uri ng bahagi ng Pananalita"

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 5


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO

png. -Pangngalan( Pangalan ng tao, bagay, hayop, atbp.)


pd.- pandiwa (salitang kilos)
pu.- pang-uri ( salitang naglalarawan ng pangalan at panghalip)
pa.- pang-abay (salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri at pang-abay)
pdm.- pandamdam ( nagpapahayag ng matinding damdamin)

3. URI NG BAHAGI NG PANANALITA NA MAKIKITA SA DIKSIYONARYO

D. SALITANG UGAT

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 6


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO
Ang salitang-ugat ay tumutukoy sa salita na may buong pagkilos. Ito ay payak o simple

na salita. Ito ay mga salitang hindi na dinadagdagan ng panlapi.


Sa wikang ingles ito ay tinatawag na root word.

2. HALIBAWA NG SALITANG UGAT

Bigay
● Agaw
Bihis
● Amoy
Bilis
● Apoy
Buti
● Awit Damot

● Bait Ganda

● Bango Gising

● Basa

● Bata

● Bigat

3. MGA HALIMBAWA NG SALITANG-UGAT SA PANGUNGUSAP.

1.Masarap ang luto sa bahay.


2.Tulog pa ang mga bata.
3.Ang init nang panahon ngayon.
4.Alam ko na ang sagot sa tanong ni Alice.
5.Mataas ang talon ng aso.
6.May pasok sa trabaho kahit umuulan.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 7


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO
7.Dama nila ang lungkot sa pagkawala ng alagang hayop.
8.Mahigpit ang yakap ng bata sa ina.
9.Malakas ang sigaw ng tindera sa palengke.
10.Ang payaso ay naghatid ng tuwa at saya sa mga bata

4. HALIMBAWA NG SALITANG UGAT NA MAKIKITA SA DIKSYONARYO

E. MGA HAKBANG SA PAGGAMIT NG DIKSYUNARYO:

1. Alamin mo kung ang diksyunaryong iyong pagkukuhanan ng mga kahulugan ay


mapagkakatiwalaan o hindi. Maiging malaman kung ang pagkukuhanan ba natin ng mga
kahulugan ay mapagkakatiwalaan ba o hindi dahil marami ang nagkalat na mga impormasyon na
inilalayo ang mga tao sa tama/katotohanan.

2. Alamin/lhanda/Tukuyin ang mga salitang nais mong malaman ang kahulugan. Kung
marami ang mga salitang gusto mong hanapin ang kahulugan, mas maiging gumawa ng listahan
para wala kang makalimutan. Mas maganda ring ihanda ang listahan ng nakaayos ayon sa alpabeto
para mapadali ang paghahanap.

3. Hanapin ang kahulugan ng mga salita. Tandaan na ang mga salitang binigyan ng kahulugan
ay nakaayos mula a-z. Unang hanapin ang una sa iyong listahan para hindi pabalik-balik ng pahina.
Kung parehas ang simulang letra ng mga salita, tignan lamang ang mga sumunod na mga letra ng
mga ito. layos ulit ang mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga letra.

PUNTO NG PAGKATUTO

Ang Diksiyonaryo (Talahuluganan, Talatinigan) ay isang aklat ng mga nakatalang mga salita
ng isang partikular na wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng titik ng abakada o
alpabeto .

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 8


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO

Ang PINAKAUNANG DIKSIYUNARYONG naglalaman lamang ng


mga salita sa wikang Ingles, at nakaayos din na batay sa alpabeto nito, ay ang A Table
Alphabeticall, na isinulat ni Robert Cawdrey, isang guro sa isang paaralan sa Inglatera, noong
1604.

ANG DIKSYONARYO AY NAGPAPAKITA NG :

1. PAMATNUBAY NA SALITA - Ito ay makikita sa bawat itaas na pahina ng isang diksyunaryo.


Tinatawag itong pamatnubay na salita dahil nagsisilbi itong gabay sa mga gumagamit ng
diksyunaryo upang mas mapadali ang paghahanap ng isang salita .

2. PAGPAPANTIG - Paghahati hati ng mga salita

3. "URI NG BAHAGI NG" PANANALITA - Gabay sa bahagi ng Pananalita

4. SALITANG UGAT - Ang salitang-ugat ay tumutukoy sa salita na may buong pagkilos. Ito ay
payak o simple na salita. Ito ay mga salitang hindi na dinadagdagan ng panlapi.
Sa wikang ingles ito ay tinatawag na root word.

MGA HAKBANG SA PAGGAMIT NG DIKSYUNARYO:

1. Alamin mo kung ang diksyunaryong iyong pagkukuhanan ng mga kahulugan ay


mapagkakatiwalaan o hindi.

2. Alamin/lhanda/Tukuyin ang mga salitang nais mong malaman ang kahulugan.

3. Hanapin ang kahulugan ng mga salita.

LEARNING ACTIVITIES

Review Exercises

Name: _________________________________ Date: _________


Year & Section__________________________ Score: __________

I. PANUTO: Piliin ang wastong letra sa bawat bilang .

1. Ito ay isang pag-aaral na tumatalakay kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita .

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 9


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO
A. Semantika B. Denotasyon

C. Diksyonaryo D. Konotasyon

2. to ay libro website, o applications kung saan ang mga kahulugan Ng mga salita ay nakatala sa alpabetikong
pamamaraan.

A. Mapa B. Globo

C. Diksiyonaryo D. Modyul

3. Anong uri Ng pananalita ang galasgas?

A. Pangngalan B. Pang-Uri

C. Pandiwa D. Pang-Abay

4. Ilang pantig mayroon ang salitang galante?

A.1 B.2

C. 3 D. 4

5. Ano Ang ibig sabihin ng glorya?

A.Pananampalataya B. Biyaya

C. Pagbabago D. Luwalhati

6. Ilang pantig mayroon ang gobernador?

A. 1 B. 2

C. 3 D. 4

II. PANUTO: Tukuyin kung ito ang isinasaad ay denotasyon o konotasyon. Isulat ang tamang sagot.

___________7. Nagpantay ang paa: Patay na-

___________8. Umuusbong: Paglaki o pagtubo ng halaman-

___________9. Nagsusunog ng kilay: Nag-aaral ng mabuti-

___________10. Balitang kutsero- balita ng kutsero-

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 10


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO

REFERENCES

Semantika: Https://Www.Scribd.Com/Presentation/427240607/Ppt-Semantika-Pptx#

Konotasyon at Denotasyon By Jenita D. Guinoo :


Https://Www.Slideshare.Net/Jenitaguinoo/Konotasyon-At-Denotasyon?
Fbclid=Iwar0mcfirgwlhbrjaste8mp9iaqsl1npzasstvzwqslemb5balifsxrsk7hw

Sintaksis at Semantika : Https://Www.Studocu.Com/Ph/Document/Father-Saturnino-Urios-


University/Balarilang-Wika/Sintaksis-At-Semantika/38625026?
Fbclid=Iwar1cee0vz2rislrrwjsnhdtjwsebdsfmej3vepdsrhqjzzcyo92kqhpubpy

Paggamit Ng Diksyonaryo By Teacher Glydel: https://www.youtube.com/watch?v=-


bX2yz80DEk

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 11


Study Guide in EGE 102 - PAGTUTURO NG FILIPINO SA MODULE 4 : UNIT 4 SEMANTIKA : DENOTASYON AT
ELEMENTARYA I (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG KONOTASYON
FILIPINO) PAGGAMIT NG DIKSIYONARYO
Grade 4 Filipino Q1 Ep5: Mga Bahagi ng Diksiyonaryo , deped tv – official :
https://www.youtube.com/watch?v=i3zHuetFf5c

Prepared by :

GROUP 4

ALLYSA SHANE P. RASCO


LIANA MARIE ARAGON
DIANA MAE REYES HONRADO
CONNIE ALAGON
JOVILYN SERGOTE VALDEZ
LEE JANE DE VERA
ARMAE GONZALES AUSTRIA
KERVY PAA
JHONA LISTANA

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 12

You might also like