Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA POPULAR NA BABASAHIN:

Ang Pilipinas ay tahanan ng mga manunulat.Kaalinsabay nito ay hitik ang bansa sa mga babasahing
masining na naisulat ng bawat may-akda.

Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon
at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may
espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at
binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng
teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre),
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

MGA KILALANG GUMAGAWA NG KOMIKS:


Si Dr. Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing
“Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”.

URI NG MAGASIN:
Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging
instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa
na walang pag-aalinlangan.

Magasing pagkababaihan - ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang
kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

Magasin tungkol sa fashion - mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang
nilalaman ito.

Magasin para sa mga abalang ina - ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang
gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.

Magasin tungkol sa balitang showbiz - ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-
atensiyong larawan at malalamang detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.

Magasin para sa mga gadget - ipinapakita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at
kagamitan nito.Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.

Magasin tungkol sa isyu ng kalusugan - karaniwang tinatalakay rito ang tungkol sa mga isyu ng
kalusugan tulad ng pamamaraan sa pag-ehersiyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsuusri sa pisikal at
mental na kalusugan na naging dahilan upang maging paboriti ito ng kalalkihan.

Magasin tungkol sa Negosyo - ito ay magasing naglalaman ng mga artikulong makatutulong sa mga
taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

Magasin tungkol sa kagustuhan at suliranin ng kabataan - Ito ay gawa ng mga batang manunulat
na mas nakauunawa sa sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyan.
KONTEMPORARYONG DAGLI:
 Ang kontemporaryong dagli ay isang uri ng panitikan. Ito din ay tinatawag na isang maikling
kwento. Lahat ng nakasulat o nakasaad sa kwento ay pawang kathang isip lamang.

HALIMBAWA NG KONTEMPORARYONG DAGLI:


Bayan ko May Pagsinta’y Walang Puso
Ang Mga Anak Juan Masil o ang Pinuno ng
Dalita Tulisan
Buhay Maynila Anino ng Kahapon
Ang Mananayaw Madaling Araw

MGA KILALANG MAY-AKDA:


INIGO ED. REGALADO:
 Si Iñigo Ed. Regalado ay tanyag noong sa sagisag na Odalager. Naging patnugot siya ng
pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin na Ilang-ilang.

JOSE CORAZON DE JESUS:


 Kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula
sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng
pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring "Pepito" noong kanyang
kapanahunan.

ROSAURO ALMARIO:
 Kilala bilang sikat at mahusay na manunulat sa wikang Tagalog, si Rosauro Almario ay
ipinanganak noong ika-30 ng Agosto 1886 sa Tondo, Maynila. Siya ay ika-tatlo sa siyam na anak
nina Estanislao Almario at Rosalia Cagne.

PATRICIO MARIANO:
 Bilang manunulat ang kanyang obra maestra ay ang dulang Anak ng Dagat. Kinilala siya hindi
lamang sa pagsusulat ng mga dula. Isa rin siyang batikang makata, mamamahayag, nobelista at
tagapagsalin mula sa wikang Kastila.

LOPE K. SANTOS
 Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang
Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging
manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng Pambansang
Wika at Balarila ng Pilipinas.

DAGLI SA KASALUKUYAN:
 Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa ingles ang dagli.
Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing
marami sa mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng
kuwentuhan.

MGA KILALANG MAY-AKDA:


VICENTE GARCIA GROYON:
 Ipinangank noong 1970 sa Quezon City. Siya ang sumulat ng The Sky Over Dimas (DLSU Press
2003) na nakamit niya ang mga unang karangalan sa Don Carlos Palanca Memorial Awards para
sa literatura at the Manila Critics Circle National Book Award, and the Madrigal-Gonzalez First
Book Award. Nakalikha din ng mga koleksyong maiikling kuwento sa cursed ground at mga ibang
kuwento (UP 2004). Isang editor sa isang antolohiya ng mga maiikling dagli. Siya din ay isang
guro sa DLSU.
EROS ATALIA:
 Isang Pilipinong manunulat, professor, at isang mamamahayag. Siya ay nakalikha na din ng ilang
mga libro na pinarangalan ng Palanca Award gaya na lamang ng Tatlong Gabi noong 2013 at ang
Ikatlong Anti-Kristo, maging ang librong Ligo na U, Lapit na Me na nailathala noong 2009 at di
kalaunan, ginawa itong isang pelikula noong 2011. Siya din ay isang guro sa kilalang unibersidad
sa Pilipinas dili't iba ang University of Santo Tomas.

JACK ALVAREZ:
 Isang manunulat at isang OFW sa Saudi Arabia. Siya din ay kasapi sa isang grupo na ang pangalan
ay Kataga, grupo ng mga Kabataang Pilipino na manunulat na may dedikasyon sa larangan ng
iba't ibang sektor. Kabilang sa kanyang akda ay ang Ibang Lady Gaga (An Autobiography of other
Lady Gaga na nailathala noong 2015. Tumutukoy ang librong ito sa mga tunay na buhay ng mga
migrante sa bansang Middle East. Kabilang din siya sa mga kilalang nagtataguyod ng mga
patimpalak gaya na lamang sa UST noong 2008, Palihang Rogelio Sicat (2012), UP 2015, ATENEO
2016 at Iigan Writing Workshop (2016)

You might also like