BHNHS Flag Lowering Ceremony

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BHNHS FLAG LOWERING CEREMONY - 9 Aluminum A and B

Date: March 24, 2023

(MGA PAALALA)

Venice: Isang mapagpalang hapon sa ating lahat. Mangyari lamang po


na tumayo ng tuwid, ayusin ang inyong pila at panatilihin ang
katahimikan bago tayo magsimula sa ating flag lowering ceremony.

Venice: Sa ating kagalang-galang na Principal, Dr. Eladio H. Escolano,


sa mga head teachers, department heads, dalubguro, mga guro, at
mga estudyante na kasama namin ngayon, maligayang pagdating sa
batasan hills national high school flag lowering ceremony.

Sheena: Narito na naman po tayo para sa isang pagtitipon para sa


pagbababa ng ating bandila.

Tunay na ang mga nakalipas na araw ay muling naghatid sa atin ng


mga hamon ng buhay subalit hindi rin natin maipagkakaila na ang
mga ito'y nagsilbi ring mga biyaya mula sa Maykapal na nagdulot sa
atin ng mga panibagong karanasan, kaalaman, pagkatuto at pagpapa-
unlad sa sarili.

Ako po, si Sheena Avril Abendan, ang presidente mula sa pangkat ng


Aluminum A ng ika-siyam na baitang.

Venice: At ako naman si Venice Cantor, ang presidente mula sa


pangkat ng Aluminum B ng ika-siyam na baitang. Kami ang
magsisilbing tagapagdaloy ng programa sa hapong ito.

(DALOY NG PROGRAMA)
Venice: Ngayon ay araw ng Biyernes, ika-dalawang pu’t apat ng Marso,
taong dalawang libo't dalawang pu’t tatlo. Bilang panimula ng ating
programa, inaanyahan ko ang lahat sa pagkanta ng ating Pambansang
awit na kukumpasan ni Shiela Mae Codillo.

Susunod ay ipadama natin ang presensya ng ating Makapangyarihang


Diyos sa pamamagitan ng panalangin na pangungunahan ni Germain
Flores, isang studyante mula sa seksyong Aluminum A.

Pinapaalala po sa lahat na tumayo ng tuwid at ayusin ang inyong


pila.

(PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS AT PANALANGIN)

Sheena: Maraming salamat sa iyong aktibong partisipasyon. Muli,


malugod naming binabati kayong lahat ng maganda at ligtas na
hapon!

Ayon sa winika ni Alexander the Great, "Hindi ako nangangamba sa


isang hukbo ng mga leon na pinamumunuan ng isang tupa.
Nangangamba ako sa isang hukbo ng mga tupa na pinamumunuan
ng isang leon." Bawat isa sa atin ay tila minsan pakiramdam ang
pagiging isang tupa subalit sa pagkakaroon ng isang lider na ang
likas na katangian ay kahalintulad sa isang leon makatitiyak na tayo'y
nasa tamang landas at hinuhubog upang maging magiting na tulad
niya. Bigyan po natin ng isang masigabong palakpakan ang ating
punung-guro na tunay na isang pinuno sa isip, sa salita at sa gawa
upang maghatid sa atin ng ilang mga mensahe, anunsuyo at paalala.

Sana po ay makinig ng maayos ang lahat sapagkat maaaring may


mapulot kayong importanteng kaalaman. Maraming salamat po.

(MENSAHE AT ANUNSYO)

Venice: Maraming Salamat po sir Joel sa isang magandang mensahe


at anunsyo para sa aming lahat.
Sheena: At bago po tayo magtapos sa programang ito, sabay-sabay
nating kantahin nang malakas at masigasig ang awit ng ating
minamahal na paaralan, ang Himno ng Batasan Hills National High
School na pangungunahan ni Janna Bernil.

(HIMNO NG BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL)

Sheena: Sa ating pagtatapos, nagpapasalamat po ako sa mga guro na


bumubuo sa ika-siyam na baitang, ako po muli si Sheena Avril
Abendan, ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagdalo at pakikiisa
sa hapong ito. Palagi po tayong mag-iingat, Masayang pagtatapos ng
buong linggo at pagpalain nawa tayong lahat ng Poong Maykapal.

Venice: Palagi po nating tatandaan na maniwala sa sarili nating


kakayahan. Kahit na dumaan tayo sa maraming pagsubok, lagi nating
tandaan na ang ating mga kaibigan, pamilya, ang panginoon at ang
mga karaniwan nating nakakasama sa paaralan, ang ating
punongguro at ang mga magagaling na guro ay nariyan upang tayo ay
tulungan.

Muli, ako po si Venice Cantor, ang presidente sa pangkat ng Aluminum


B ng ika-siyam na baitang.

Sheena: At ako naman po si Sheena Avril Abendan, ang presidente sa


pangkat ng Aluminum A ng ika-siyam na baitang.

Both: Maraming salamat at hanggang sa muli, Batasan Hills National


High School!

You might also like