Pagbasa Module-10

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK 1

Gamit sa Aralin blg. 10


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

DELA CRUZ, CIARA JANE L.


GARCIA, GLIZEL ANN B.
MANILA, RAFAELITO M.
MARGATINEZ, IVILEN MARIE C.
VILLAR, MERLYN R.
Mga Guro sa Asignatura
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 2

PAGPILI NG PAKSA AT
ETIKAL NA PANANALIKSIK 10

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa


layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik. (F11PB – IVab – 100)

2. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik


(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos
empirikal, atbp.) (F11PB – IVcd – 89)

3. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang


pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik. (F11PB – IVef – 91)

MGA SANGGUNIAN:
Sa araling ito, magagamit ang mga nakatalang sanggunian:

• Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
• Mabisang Gabay sa Pagabasa at Pagsulat at Pagsusuri ng iba’t
ibang Teksto Padayon sa Pananaliksik
• https://drive.google.com/drive/folders/1k8QZM3XBSSUSKL
Z-5galEk-
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 3

SUBUKAN NATIN!
Panuto: Magtala ng tatlong plano o nais mong makamit sa iyong
buhay limang taon mula ngayon. Sa tapat ng bawat plano ay
isulat kung paano at ano ang mga gagawin mo upang makamit Mga Nilalaman ng
ito. Modyul
PLANO MGA PARAANG UPANG
MAKAMIT ANG PLANO
Subukan Natin!
1. 1.
3

4 Tuklasin

Pokus ng Kaalaman
5
2. 2.
Etikal na Pananaliksik
7
Plagiarism at Mga
8 Responsibilidad ng
Mananaliksik

Mga Karagdagang
3. 3. 9 Kaalaman

Gawin mo
10
Pagtataya
11
Mga Sanggunian
12
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 4

Mahalaga ang diyalogo at diskurso sa iba’t ibang pagkakataon. Ano ang karaniwang nagiging
karanasan mo kapag pumapaloob ka sa mga gawaing ito? Ano-ano ang katangian at layunin nito
upang maging makabuluhan?

Halimbawa:
Nakakuha ng mahahalaga at bagong impormasyon ang isang taong lumalahok sa makabuluhang
pakikipag-usap. Makipag-usap ka sa isang kaklase at magpalitang-kuro kayo hinggil sa mga
sumusunod na paksa ng makabuluhang pakikipag-usap. Itala ninyo ang pagtingin dito.

A. Campus Press Freedom


B. Right to Education of Indigenous Communities
C. SOGIE Bill

1. ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. ________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 5

POKUS NG KAALAMAN

Mga Gabay sa Pamimili ng Paksa at Pagbuo ng Suliranin sa Pananaliksik


Mula sa gabay ng maka-Pilipinong pananaliksik

Sa pamimili ng paksa, narito naman ang ilang batayang kaalaman na dapat isaalang-
alang sa wastong pamimili at paglimita ng paksa. Bago tuluyang buuin ang tanong ng
pananaliksik na gagabay sa buong pag-aaral, makabubuting sagutin muna ang
sumusunod na tanong:

✓ May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?

Kapag bagong-bago ang paksa na nais talakayin, kadalasang hindi sapat ang
nasusulat na mga naunang pag-aaral at literaturang kaignay nito. Bagama’t maaaring
magsilbing eksplorasyon ng bagong paksa ang pag- aaral, ipinapayo rin sa mga
nagsisimulang mananaliksik na pumili muna ng paksang may sapat na pundasyon.
Kailangang mapalawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin kung kaya iwasan ang
paksang walang sapat na katibayan at pilin ang nailimbag na sa iba't ibang babasahin
upang maging batayan at tuntungan ng gagawing pagtalakay.

✓ Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang


saklaw?

Maaaring hatiin ang isang malaking paksa sa maliliit na bahagi at pumili lamang ng
isang aspekto nito na tiyak na sasaklawin. Halimbawa, kung interesado kang talakayin
ang teleseryeng Pilipino, maaari kang magbigay-diin lamang sa kasaysayan o
impluwensiya nito, isang tiyak na tema. Nalilimita rin pananaliksik kung tiyak ang
magiging kalahok o populasyon ng pananaliksik.

Halimbawa, kung ang dating disenyo ng isang pananaliksik ay ginawa sa isang


unibersidad, maaaring muling gawin ang pananaliksik (nang may pagkilala sa nauna)
sa iba namang unibersidad at paghambingin ang magiging resulta nito. Ang bagong
disenyo at pamamaraan ay makapagbibigay rin ng limitasyon sa pananaliksik.
Halimbawa, kung ang isang paksa na kaugnay n paninigarilyo ng kabataan ay na
naglalayong maglarawan ng nasa deskriptibong disenyo malakihang populasyon,
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 6

maaaring palitin ito ng mananaliksik at pag-aralan ang isang kaugnay ng


paninigarilyo.

✓ Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman


sa pipiliing paksa?

Kahit na luma ang isang paksa, depende sa pagtingin sa ibang anggulo ng


mananaliksik, ay maaari itong makapagbigay ng bagong tuklas na kaalaman.
Tungkulin ng mananaliksik na bigyan ng panibagong dimensyon ang isang lumang
paksa upang lagyan ng pagsusuri, kongklusyon, at rekomendasyon batay sa bagong
datos na nakalap. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi duplikasyon
ng mga naunang pananaliksik ang paksa.

✓ Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang


masagot ang tanong?

Madalas na ipagpalagay ng mga mag-aaral na ang pananaliksik ay maaaring


gawin lamang sa pamamagitan no Google, Yahoo, o iba pang search engine sa
Internet. Tiyakin na ang tanong ng pananaliksik ay hindi lang mga dati nang
pangkalahatang kaalaman o paliwanag na makukuha sa Internet o nailathala na sa
libro. Kung hindi nagagamitan ng siyentipikong pamamaraan ang tanong upang
masagot, hindi ito maaaring maging tanong sa pananaliksik.

Halimbawa, hindi mo itatanong kung, "Ano ang makabagong teknolohiya ng stem


cell?" o kaya ay, "Paano isinasagawa o saan nagagamit ang stem cell?", dahil kapag
hinanap mo ito sa Internet ay makakikita ka na ng mabilisan at tiyak na mga sagot.
Ngunit kung susubukin mong hanapin ang sagot sa tanong na, "Gaano na kalawak at
kalalim ang pananaliksik hinggil sa teknolohiyang stem cell ng Unibersidad ng
Pilipinas-Manila?" may makukuha ka ng bagong kaalaman hinggil sa stem cell sa
tiyak na konteksto mula sa ispesipikong tanong na hindi maaaring makuha sa Internet.

ETIKAL NA PANANALIKSIK

Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik

Ang mga gabay sa etikal na pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu


sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 7

prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at


ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga
nagsisimulang mananaliksik sa anomang larangan. Narito ang ilan sa mahahalagang
prinsipyong iyon:

1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik

Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay


maihahalintulad sa paglahok sa sang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin,
bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa
partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin.

Mahalaga pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar


na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng
diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may
malasakit at iisang layunin.

2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok

Kinakailangang hindi pinilit sinomang kalahok o respondente sa


pagbibigay ng impormasyon ang anomang partisipasyon sa pananaliksik. Bago
simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang
maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuuang layunin ng
pananaliksik at halaga ng kanilang eksperimental, mahalagang maunawaan din
ng kalahok partisipasyon. Kung inaasahang peligro ng eksperimento at
kailangang buong-loob ang ang bigat o kaniyang paglahok sa kabila nito.

3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng


Kalahok

Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon


na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng
pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang
pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik ba may
sensitibong paksa.

Sa pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o


kaya’y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at
hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng
pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 8

pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo nasa mga pananaliksik na may


sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng
pananaliksik o kaya'y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring
ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing
pinagmulan ng datos ng pananaliksik.

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik

Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng


mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga
kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng
mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang
nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilan-ngilan lamang na
mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasanng
pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang
mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito
sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o
kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

Bahagi ng etika sa pananaliksik ay ang pagtiyak na magsagawa muna


ngsaliksik- artsibo ang mananaliksik/mag-aaral bago ito dumulog sa iba pangmetodo
ng saliksik tulad ng mga panayam at sarbey. Kailangang magpakitaang
mananaliksik/mag-aaral ng kasanayan sa wastong pagtatala, pagsipi, atpaggamit ng
mga sangguniang bunga ng pananaliksik sa artsibo, upangmaiwasan ang plahiyo
(plagiarism). Ilang gabay sa pangangasiwa ng pananaliksik ng mga mag-aaral at iba
panggawain sa labas ng unibersidad:Para sa mga gawain sa labas ng klase, gaya ng
fieldtrip na nangangailanganng pagpasa ng papel bilang kahingian sa klase:

1) Ipaalam sa tagapangulo at mga kalihim ng Kagawaran ng Filipinokung may gawain


ang klase sa labas ng unibersidad, kung saan ito, kungkailan ang petsa ng gawain, at
kung ilan sa mga mag-aaral ang kalahok sagawain.

2) Kailangang magpasa ng liham/waiver na napirmahan ng magulang/guardian ng


mga mag-aaral, para sa mga gawain sa labas ngunibersidad na may kinalaman sa klase
(fieldtrip, paggawa ng fieldworkat ethnographic research, pagsagawa ng mga
panayam at survey).

3) Sa paggawa ng mga mag-aaral ng kanilang pananaliksik nanangangailangan ng


partisipasyon ng mga indibidwal:
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 9

a) Tiyaking nagabayan ang mga mag-aaral sa proseso ng paggawa


ngfieldwork, lalo na kung sangkot ang/ang mga sensitibong paksa sa pag-aaral.

b) Ipaalala sa mga mag-aaral na humingi muna ng permiso sa/sa


mgakakapanayaming indibidwal, sa pamamagitan ng liham na naglalaman
ngpaghingi ng pahintulot, na binigyang-pansin at may lagda rin
ngguro/tagapayo.

c) Mahalagang tiyakin muna ng guro na nabasa at naaprubahan niya


anglistahan ng mga tanong para sa sarbey/talatanungan, at mga tanong
sapanayam, bago makapagsagawa ng pananaliksik ang mag-aaral.Kailangang
napag-aralan na nang mabuti ng mag-aaral ang kaniyangpaksa ng saliksik bago
magsagawa ng panayam, upang matiyak angobhektibitad, pag-iingat, at
paggalang, sa kapapanayamin at sa prosesong panayam at pangangalap ng
datos.

d) Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang humingi muna ng pahintulotsa


mga indibidwal na kalahok sa pananaliksik para sa mga hakbang nagagawin
sa pag-aaral, gaya ng pagkuha ng mga larawan, audiorecording, pagkuha ng
video footage.

PLAGIARISM AT ANG MGA RESPONSIBILIDAD NG


MANANALIKSIK
Naging tampok na usapan sa social media ang ilang popular na kaso ng
plagiarism sa Pilipinas. Kontrobersiyal ang naging paggamit ng isang
malaking negosyante ng mga sikat na linya sa kaniyang talumpati nang walang
pagbanggit sa malalaking pangalan na pinagmulan ng ideya. Gayundin,
binatikos ang isang senador sa walang habas na paggamit ng ideya at direktang
pagkopya sa artikulo ng ilang blogger tungkol sa isyu ng Reproductive Health
Law sa kaniyang talumpati sa senado. Dahil sa mga pangyayaring ito, naging
tampok sa media ang konsepto ng plagiarism at ang mga kaugnay na usaping
etikal nito. Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang
plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya
ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Tinukoy ng
Plagiarism.Org (2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng:

1. pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba


PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 10

2. hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag

3. pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag

4. pagpapalit ng mga salita pangongopya sa katulad na wika o kaya ay


pagsasalin ng teksto ngunit ideya nang walang sapat na pagkilala

5. pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na


halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan
nito

MGA KARAGDAGANG KAALAMAN

Naitala ang pinakaunang paggamit ng salitang etika noong ika- 14 siglo ayon
sa diksiyonaryong Merriam-Webster (2014). Ang salita ay nagmula sa Middle English
na ethik, mula sa katagang Griyegong ethikë, na galing naman sa katagang éthiko.
Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at
pakikipagkapuwa.

Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan


ng pagkilos at pag- uugali batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang
tama at mali. Sa larangan ng Pilosopiya, ang etika ay itinuturing na isang sangay ng
pag-aaral na nakapokus sa grupo ng mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang
mabuti at nararapat. Samakatuwid, ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging
matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao. Kung
ilalapat ito sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa
larangang ito ay pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan,
kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan ng kapuwa.

Mahalaga ang indibidwal na pagpapasya ng mananaliksik sa kung ano ang


mabuti o hindi, ngunit lagi't lagi ay nakasalalay ito sa mga panlipunang
pagpapahalaga. Maka-lipunan ang anomang pananaliksik. Ang pagsasagawa nito,
kahit pa nga sa indibidwal na pagsusumikap lamang, ay may katangian at layuning
sosyal. Hindi nananaliksik ang sinoman para sa sariling interes at kapakinabangan, at
along hindi para paunlarin lamang ang sailing pag-unawa sa isang tiyak na paksa.

Maaaring maging bahagi ito ng layunin ngunit higit natatapos rito ang
tungkulin ng isang mananaliksik. Tungkulin ng mananaliksik na mag-ambag ng
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 11

bagong kaalaman at lumikha n makabuluhang pagbabago, gaano man kaliit ito. Ang
pagbabago ay hindi para sa sarili kundi para sa kapuwa at lipunan. Etikal ang anomang
pananaliksik na nagpapanguna sa ganitong adhikain. Mahihinuha ang ganitong
kalikasan ng pananaliksik sa pag-unlad ng mga etikal na pamantayan nito.

Sa pagsasakasaysayan ni William Trochim (2006) sa Web Center for Social


Research Methods, tinukoy niya na may dalawang mahahalagang pangyayari
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagtulak sa mga mananaliksik na
pagnilayan ang pangangailangang bumuo ng konsensus hinggil sa mga etikal na
prinsipyo sa pananaliksik. Ang una ay ang Nuremberg War Crimes Trial, kung saan
nailagay sa pampublikong kamalayan ang pamamaraan ng mga doktor at siyentistang
Aleman na gumagamit ng mga taong bihag sa mga concentration camp bilang
kasangkapan sa kanilang mga nakaririmarim na eksperimento.

Kasabay sa pagpaparusa sa mga siyentistang napatunayang nagsagawa nito,


nabuo ang Nuremberg Code na naglalaman ng sampung batayang prinsipyo sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Kabilang sa mga prinsipyong ito ang boluntaryong
paglahok ng respondente sa mga pananaliksik, hindi pagpapahintulot sa mga hakbang
sa pananaliksik na gagamit ng pisikal at mental na pagpapahirap sa tao, pagkakaroon
ng tamang kapaligiran at proteksyon para sa mga respondente sa pananaliksik, at
kagyat na pagpapatigil sa anomang esperimento na magiging dahilan ng pagkamatay
o pagkapahamak ng sinomang tao. Gayundin, malinaw na tinukoy rito na ang
anomang pananaliksik ay kailangang mag-ambag sa kabutihan ng lipunan.

Noong 1950s hanggang 1960s naman ay nakuwestiyon ng publiko ang


Tuskegee Syphilis Study, kung saan hindi hinayaang makagamit ng gamot para
syphilis ang mga kalahok sa pananaliksik na African-American. Ang mga
pangyayaring ito ay nag-udyok sa mga grupo ng mananaliksik at siyentista upang
muling pag-isipan ang panlipunang halagang mga siyentipikong pananaliksik, tukuyin
ang pangunahing layunin nito, at kung kanino ito dapat magsilbi.

GAWIN MO!

Panuto: Isulat ang T kung ang mga halimbawa o pahayag ay sumusunod sa


pamantayan ng etikal na pananaliksik at H naman kung hindi.
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 12

______________ 1. Kung ang pamamaraan ay sarbey, hindi na kailangang ipaliwanag


sa tagasagot ang layunin ng pag-aaral.
______________ 2. Makabubuti kung magbigay ng token bilang pasasalamat sa mga
kalahok ng pananaliksik.
______________ 3. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang
ideya kung nakuha naman ito sa hindi kilalang blogsite sa Internet.
______________ 4. Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng ideya kung
isinalin naman ito sa ibang wika.
______________ 5. Makabubuti kung ibabalik at ipaaalam sa mga kalahok ang
kinalabasan ng pag-aaral.
______________ 6. Kung malayo ang komunidad na pinagsaliksikan, katanggap-
tanggap na hindi na balikan ang mga tong naging kalahok sa pananaliksik.
______________ 7. Kailangang mulat na sumang-ayon ang mga kalahok sa
pananaliksik. ______________ 8. Kailangang paramihin ang mga nakatalang libro sa
sanggunian upang magmukhang malalim ang pananaliksik.
______________ 9. Maaaring ipasa ang isang nagawang pananaliksik nang sabay sa
dalawang refereed journal upang tiyak na matanggap ito.
______________ 10. Hindi na kailangang ipagpaalam sa mga kalahok kung
isasapubliko ang resulta ng pananaliksik

PAGTATAYA
PAMANTASAN NG CABUYAO |PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 13

MGA SANGGUNIAN
A. MGA AKLAT

Santos, Angelina et al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. 105 Engineering Road, Aranita University Village, Potrero, Malabon
City: Mutya Publishing House, Inc.2016

Crizel Sicat-De Laza. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik (UNANG EDISYON).856 Nicanor Reyes Sr. St., Sampaloc Manila:
REX Bookstore Inc. (RBSI).2016.

Servillano T. Marquez Jr., PhD. PINTIG Senior High School Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Batayang Aklat).927 Quezon Ave.,
Quezon City: SIBS Publishing House Inc.2017.

B. INTERNET
https://www.academia.edu/35239423/GABAY_PARA_SA_MGA_ETIKA_SA_PANANALIKSIK_2014

You might also like