a. Maikling Kwento - ay isang maikling sanaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. b. Makabanghay - Ang kwentong makabanghay ay isang uri ng kwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari sa teksto o istorya. c. Nobela - o kathambuhay ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. d. Tula - Ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay at malayang paggamit ng mga salita sa iba’t-ibang estilo- kung minsan ito ay maiksi o mahaba. e. Sanaysay - Sanaysay ang tawag sa isang sulatin na naglalayong magpahayag, magpaliwanag, at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman. Ang isang sanaysay ay naiiba sa ibang uri ng sulatin dahil nakatuon ito sa iisang paksa at diwa lamang. f. Opinyon - Pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo subalit maaaring pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento. g. Katotohanan - Isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito. h. Tunggalian - Ito ay isang elemento ng maikling kwento. Tumutukoy ito sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan. 2. Mga Elemento ng Tula: a. Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo ng isang saknong. b. Tugma - Tumutukoy sa pagkaka pare-pareho ng tunog ng huling pantig ng mga taludtod. c. Persona - Ito ay tumutukoy sa nagsasalita sa loob ng isang tula o teksto. d. Simbolismo - Ito ay ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mga mambabasa. e. Damdamin - Tumutukoy sa kung anong damdamin ang mararamdaman sa pagbasa ng tula o teksto. 3. Uri ng Tunggalian a. Tao laban sa Sarili - Sa tunggalian na ito ang kalaban ng pangunahing tauhan ay ang kanyang sarili. b. Tao laban sa Tao - Ang kalaban ng pangunahing tauhan ay isa pang tauhan. c. Tao laban sa Lipunan - Ang pangunahing tauhan sa tunggaliang ito ay nakikipagbanggan sa lipunan. d. Tao laban sa Kalikasan - Ang pangunahing tauhan sa tunggaliang ito ay naaapektuhan sa pwersa ng kalikasan. 4. Mga Panitikang Tinalakay a. Ang Guryon - Tula tungkol sa pangarap. b. Punong Kahoy - Tula tungkol sa buhay ng isang tao kapag siya ay namatay. c. Kay Estella Zeehandelaar - Isang sanaysay na isinulat nang paliham ukol sa gustong paglaya sa tradisyong pumipigil sa kanya na maging isang modernong babae. d. Ang Ama - Isang maikling kwentong makabanghay tungkol sa pagbabago ng isang ama sa pagtrato sa kanyang pamilya. e. Ang Anim na Sabado ng Beyblade - Isang maikling kwentong makabanghay ukol sa isang bata at ang kanyang paboritong laruan na beyblade.