Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FLORANTE AT LAURA

Ni FRANCISCO BALTAZAR

ARALIN 16: ANG PANGAKO NG PUSO


Sinabi ni Florante na nangungulila pa rin siya sa kaniyang ina subalit ang lumbay na iyon ay pinawi ng pagibig na ukol para
kay Laura. Nangako si Florante ng tapat na pagsuyo bagamat’t wala siyang maiaalay na yaman at kamaharlikaan. Talong araw siyang
nanatili sa palasyo real ng Albanya hanggang sa dumating ang takdang araw ng kaniyang paglisan patungong digmaan sa Krotona.
Bago umalis ay nagkaroon ng pagkakataong mag-usap sina Florantre at Laura ang kaniyang pag-ibig sa pamamagitan ng pabaon na
luha. Labis na nanluho si Florante sapagkat iiwan niya si Laurang lumuluha para tumungo sa digmaan, ngunit ang pabaong luha ni
Laura ang higit na nagpatang a kaniya. Dumating sila sa Krotona at nakipagdigma. Batid ni Florante kung hindi sa pabaong pag-ibig ni
Laura ay baka nasawi na siya sa labis na pagdurusa.

*/Naglalakad sina Florante at Laura habang naguusap ang dalawa tungkol sa ina nitong si Prinsesa Floresca.

LAURA: Simula pa kanina’y wala kang imik, tila mayroong bagay na bumabagabag sa iyong loob.

FLORANTE: */tumingin kay Laura; Nag-aalala ako sa bayan ng aking ina, ang Krotona. Hindi ako napapanatag hanggang sa maging
ligtas ang bayang ito. Napakaraming tao ang naghihirap at nakikipaglaban para maipagtanggol ang Krotna laban sa Persiyang
lumulusob dito. Hindi ko kakayanin ang makitang umiiyak ang aking ina dahil sa pagkasira ng kaniyang tahanan.

*/ Naupo si Laura sa isang malaking bato at tinapik ang tabi nito na para bang pinauupo rin si Florante.

LAURA: Sigurado ako na masasagip ang Krotona. Wag kang susuko na lamng, uupo sa isang tabi at pagsasawalang bahala. Walang
magagawa ang pag-aalala, bagkus ay kumilos at ipaglabn ang nararapat at tama. */Hinawakn ang kamay ni Florante; Walang
sinumang masama ang magtatagumpay laban sa kabutihan.

FLORANTE: */Hinawakan ang kamay ni Laura, nguti habang nakatitig ito sa mata ng dalaga. Hindi lubod maisip kung anoa king aking
ginawa upang bigyan ako ng isang gaya mo. Maganda at matalino na, mapagmahal at maunawain pa. */Kinuha ang dalawang kamay
ni Laura at hinawang pareho; Ngayon bukas at magpakailanman, araw araw kitang iibigin. Hindi ko na kailangang maghanp ng iba,
dahil sigurado na akong ikaw at ikaw ang nais kong makasama hangga’t ako’y nabubuhay. Kahit ako ma’y masawi, walang sinuman
ang makapapalit sayo dito, *itinuro ang utak; at dito, *Itinuro ang puso; Wala akong kayang ialay na mamahaling bagay, ngunit
ipinapangako kong, ika’y aking bibigyan ng isang maituturing na tahanan at hindi lamang bahay. Oras, tiwala’t pagmamahal ang
panghabangbuhay na ihahandog. Mahal na mahal na mahal kita.

*/Tumawa ang si Laura sa huling sinabi ni Florante, hinalikaan naman I Florante ang noo nito bilang pagpapakita ng pag-ibig na may
respeto.

You might also like