Ang Aking Talambuhay Ni Bokbok

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa Ang Aking Talambuhay

Ni Mharc Vyncenth J. Villaluna

Marami ang nagsasabi na ang pinakamasayang araw na nangyari


sa ating buhay ay ang ipinanganak tayo, kaya dapat nating pahalagahan
at pagyamanin ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal.
Ako si Mharc Vyncenth Jalipa Villaluna, labing isang taong gulang
na nakatira sa Lacayon, Bugasong, Antique. Una kong nasilayan at
naramdaman ang kagandahan ng mundo noong ika-01 ng Oktubre,
2010.Ang aking mga magulang ay sina Mary Rose S. Jalipa at Mon
Alvin A. Villaluna.
Sa mura kong edad,namulat ako na walang amang
kinalakihan.Ako ay lumaki sa piling ng aking lolo at lola dahil si mama ay
nag-aaral pa. Pero kahit wala akong amang kinalakihan,busog pa din
ako sa pagmamahal ng mga tao sa aking paligid lalong lalo na sina
Mama Me-ann at Papa Andi.
Nag-aaral ako sa Lacayon Elementary School at ako ay nasa
ikaanim na baiting. Marami akong mga karanasan na hindi ko
makakalimutan tulad ng pagsali sa Boyscout, Quiz Bee at ang pinaka
hindi ko makakalimtan ay ang pagtanghal sa akin bilang Lakan noong
Buwan ng Wika ng ako ay nasa ikaapat na baiting. Masama ang buhay
bilang mag-aaral dahil marami kang kaibigan na kalaro at kasama
palagi.
Biglang nagbago ang lahat ng nag-umpisa ang pandemya kung
saan hindi na kami makakapasok sa paaralan at kami ay nagmomodule
nalang.Hangngang ngayon ay hindi pa rin kami nakababalik sa paaralan
paro ang lahat ng ito ay matatapos rin, tiwala lang sa Panginoon na ang
pamdemyang ito ay matatapos rin.

You might also like