Gender Equality: Name: Marlyn T. Orticio Course/Year/Section: GBA-1E

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Marlyn T.

Orticio

Course\Year\Section: GBA-1E

Gender Equality  

MANILA, Philippines — Ang masaklap na karanasan na sinapit ni Ana Jalandoni mula sa diumano’y pambubugbog
ng kanyang nobyong si Kit Thompson, muling sumiklab ang galit ng taong bayan sa pagkondena sa karahasan hindi
lang sa aktres, kundi maging para sa lahat ng mga kababaihan. Nagkataon ngayon ay nagdiriwang ng 2022
National Women’s Month bilang pagsulong sa mga karapatan na kinakaharap mula sa mga batang babae hanggang
sa pangkalahatan na isiwalat ang mga maseselang pinagdaraanan ng mga biktima sa kamay ng mapagsamantalang
kalalakihan.

Ang kaso ni Ms. Jalandoni ay sumasalamin sa nararanasan ng mga simpleng Pinay na hindi naisisiwalat ang mga
malulupit at masamang pangyayari ng kanilang buhay. Sa taong ito ay muling pinaigting ang theme na “We Make
Change Work for Women.” Ito ay isang hakbang upang magbukas sa isipan ng mga mamamayan ng mga simpleng
dapat gawin upang mabago ang masadlak na kalagayan ng mga abang  kababaihan. Ito rin ang paraan upang
isulong ang itinatawag na batas na Magna Carta of Women. Upang linangin ang mga karapatan ng mga kababaihan
tungo sa pagbabago upang maiahon ang lahi ni Eba mula sa masadlak na dusa.

Ang kaso ng mga pambubugbog at pang-aabuso ay patunay ng pagkakaroon ng diskriminasyon bilang paglabag sa
karapatan ng babae na mabuhay nang malaya mula sa karahasan. Ito ay nag-iiwan nang malalim na epekto sa
pagkatao; hindi lamang sa physical na trauma, lalo’t higit sa sexual at mental na kalagayan na maaaring
kahihinatnan sa buhay ng biktima. Kung tutuusin ang isyu ng gender equality ay hindi lamang para sa mga babae,
kundi maging patas na karapatan na pagturing sa lahat para sa pakinabangan ng buong bansa. Kung kaya
hinihikayat na sa bawat opisina na palakasin at patuloy na bigyan ng pagkakataon ang mga manggawang babae na
gawin ang kanilang tungkulin bilang pagbibigay nito ng kontribusyon sa magandang adhikain ng kompanya. 

Hiling din na magkaroon ng mga kasanayan o activities upang lalong mahinang at mabigyan ng tugon ang mga
saloobin ng mga kababaihan sa bawat trabahong ginagalawan nito maging sa palengke, kalsada, at higit sa lahat
sa kani-kanilang tahanan. Lahat ay umaasam na gawing ligtas, payapa, at maging makabuluhan ang araw-araw na
pagharap sa hamon ng buhay ng mga babae sa anomang estado nito lalo sa piling ng kanyang mga katrabaho,
kaibigan, classmates, at higit sa kanyang sariling pamilya.

Ang isinusulong na pagbabago ay pagpapalakas sa mga kababaihan upang maipatupad ang mga serbisyo na
pangangailangan nina ate, tita, nanay, at lola sa mga legal na pagpapatupad. Sa kabila nang hinihiling na
magandang trato, respeto, at pagkilala sa mga kakayahan ng mga kababaihan, ngunit hindi kailaman mawawala
ang  katangian ng mga kakampi ng lahi ni Gabriela Silang sa pagiging magiliw, pakikiisa sa aksyon, at pagiging
masigasig sa pagsulong sa magandang layunin para sa boses ng mga kababaihan. Mahalagang malaman ang mga
karapatan mo bilang babae dahil sila rin ay mga tao na may damdamin na dapat respituhin, ito rin ay mahalagang
malaman ng mundo na sila ay mahalaga.

You might also like