Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Isa, dalawa…. Sinasabing gumising na kayo riyan at kakain na.

Tirik na tirik na ang araw nasa higaan pa


kayo. Kaya ang bibigat ng mga katawan niyo eh. Bangon na! Sa bawat araw na lang na dumagdagdag sa
buhay ni Miguel ganyan na lang palagi ang bumubungad sa kaniyang umaga. Imbes na kagahan ito sa
panibagong araw ay nanlulumo ito.

Sabi ng iba hangga’t mayroong bukas ay makakaasa kang may pag-asa, bakit tila baga bawat araw sa
kaniya’y pinagsasakluban ng langit at lupa ang kaiyang buhay. Walang araw at gabi’y na lumilipas na
walang naririnig na panenermon ng kaniyang lola.

Natigil sa pagmumuni si Migs dahil kailangan na niyang bumangon at maghanda para makapagsimula
na siyang maghanap ng kalakal. Sigurado malaki laki ang kikitain niya ngayong araw basta magsipag lang
siya at maging maaga sa pangangalakal. Kailangan din niya ng dagdag kita para sa pambayad sa mga
gugulin sa kanilang pag-aaral ng kaniyang kapatid. Mahirap mang tanggapin ngunit wala rin naman
siyang pagpipilian. Maswerte pa rin siya at may lola pa siyang nandyan para sa kanila ng kanyang mga
kapatid. Tatlong taon na rin ang nakalipas simula noong pumanaw ang kaniyang ama at ina. Pitong
taong gulang pa lamang siya ng maaksidente ang kaniyang mga magulang, pauwi na ang mga ito galing
trabaho ngunit sa hindi inaasahan ay nabunggo ng van ang kanilang sinasakyang motorsiklo. Noon pa
lamang ay ang kaniyang lola na ang nag-aalaga sakanila dahil sa kahirapan ng buhay at tatlo na silang
magkakapatid napilitan maghanap ng trabaho ang kaniyang ina para sa kanila. Maswerte na lamang
talaga sila at mapagmahal ngunit palaserrmon ang kanilang lola. Wala na rin silang ibang kamag-anak na
maaaring kumupkop o tumulong man lang sakanila. Kaya kahit matanda na ang kanilang lola ay
naglalabada ito para sa pang araw-araw nilang pangkain, at si Miguel na ang bahala sa pangbaon niya sa
eskwela pati ng kaniyang kapatid na nasa ikalawang baitang at siya’y nasa nasa ikaapat, ang bunso ay
apat na taong gulang pa lamang. Pilit na nagsusumikap si Miguel para sa kinabukasan nilang maglolola,
nais niyang magkaroon ng magandang trabaho ng sa gayon ay maiahon man lang kahit konti sa
kahirapan ang kanilang sitwasyon. Sa musmos na edad ay danas na danas na ni Miguel ang kadayaan ng
mundo.

Ngunit hindi iyon naging dahilan para panghinaan ng siya ng loob. Dahil na rin walang sawang
pagpapaalala at payo ng kaniyang lola. Kaya siya nagsusumikap pa lalo kasi alam niyang nariyan pa ang
kaniyang lola at mga kapatid na handang sumuporta sakaniya.

“Plastic, lata, bote!”, sigaw ni Miguel sa kalagitnaan ng mainit at masalimoot na lansangan. Labis na
lamang ang pagkainggit ni Miguel sa mga batang nadaraanan niya sa lansangan, buti pa ang mga ito ay
walang ibang dapat isipin kundi ang maglaro, kumain at mag-aral lang ng mabuti. Samantalang siya heto,
nangangalakal para sa gagamiting gugol sa kanilang paaralan at pandagdag na rin sa pangkain nila sa
pang araw-araw. Malimit din maisip ni Miguel na paano kaya kung buhay pa ang kaniyang mga
magulang? Ganito pa rin ba ang magiging sitwasyon ng kanilang buhay? O katulad siya ng mga batang
nadaraan niyang walang ibang iisipin kundi pag-aaral, kumain, at maglaro. Ang daming mga tanong ni
Miguel sa kaniyang sarili, ngunit sa bandang huli wala itong natatamong kasagutan. At sa bandang huli,
babalik lang ulit siya sa pagsigaw ng “plastic, lata, bote!” upang maipagpatuloy ang takbo ng kaniyang
buhay. Hindi niya dapat na maisip ni minsan na sumuko na dahil may mga importanteng mga tao sa
buhay niyang ang umaasa na kakayanin niya.
Tuwang-tuwa si Miguel na pumunta sa pwesto ni Aling Linda upang ibenta ang mga nakalakal niya,
medyo marami-rami kasi ito kumpara sa dati niyang nakakalakal. Sakto at malapit ng sumapit ang
kaarawan ng kaniyang lola nais niya sanang maibilhan man lang ito kahit keyk lang. Bilang pasasalamat
sa laging pag-aalaga sakanila. Kung wala ito ay hindi nila alam kung saan pa kaya sila pupunta.
Siguradong dadagdag lang sila sa mga batang paslit na palaboy laboy sa lansangan.

You might also like