Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Torcino, Aubrey Concepcion S.

BSE- FILIPINO II

PUNO NG BALETE

Sa Taytay kami nakatira noon kay naman tandang tanda ko ang mga
kwentohan ng mga kapit bahay namin, bago ka maka rating sa bahay
naming ay mayroon ka munang daraan na eskeneta at makikita ditto
ang isang lumang bayan a mukang inabandona na dahil bukod sa
madilim at makalat din ito. Ang sabi ng mga kapit bahay naming ay
pinapapahan ito pero wala raw talagang nag tatangkang umupa roon
dahil nga sa history ng bahay na ito.

Noon daw ay mayroong isang malaking puno ng balete sa harap ng


bahay na ‘yon at sa sobrang laki nito ay halos natatakpan na nito ang
bubung ng buong bahay.

DALAWANG PALAKA NG RIZAL

Sa bayan ng Cainta ay may nakatirang isang palakang petot na ang


pangalan ay Denzel Wahington. Ito ang pinangalan g kanyang ina
dahil nakita niya si Denzel Washington na kausap ni Kermit the Frog,
angTV show host love na love ng kanyang nanay at pinapantasya ng
nanay ni Denzel na palaka na si Denzel a tao ay isang frog na naging
tao. Isang kiss lang at magiging gwapong palaka ang negro at
pangkakapangit na nilalang na ito. Sa tagal ng paninirahan ng pamilya
ni Denzel sa Cainta ay naghahangad ito na makalabas man lamang
ng bayan. Kaya siya ay tumalon-talon patungong Taytay Lingid sa
kaalaman ni Denzel ay may isa namang palaka sa bayan ng Taytay a
nagngangalang Morgan Freeman. Si Morgan Freeman ay pinangalan
ng kanyang ama sa isang artistang negro na nung malit pa siya ay
napapanood niya sa "The Electric Company. Twang tuwa ang tatay ni
Morgan Freeman sa negrong artistang si Morgan Freeman kaya ang
pinangalang niya sa kanyang anak ay Morgan Freeman din.

Si Morgan Freeman ay naiinip na sa bayan ng Taytay kaya isang araw


ay nagpasya itong magpunta sa Tatay. Tumalon-talon ito patungo ng
Taytay. Habang tumatalon-talon si Denzel patungong Taytay si
Morgan naman ay tumatalontalon papuntang Cainta. Napagod ang
dalawang palakang petot at nagkita sila sa isang tambak ng basura sa
lugar na kung tawagin ay Istasyon. Ang istasyon ay ang lugar na
namamagitan sa bayan ng Taylay at Cainta. Namahinga ang
dalawang palakang petot at di sinasasadyang nakatanungan ang
dalawa. Sang bang puntang mo kabigang palakang petot, Wika ni
Morgan na taga Taytay. "Buwayang-buwaya rine sa Cainta,
nakakainip. Ako ay pupunta ng Taytay" Sagot naman ni Denzel a taga
Cainta. *Pareho pala tayo ng bakav" Saba na bulalas na dalawana
palakana petot.

Ngunit pagod na sila sa katatalon-talon kaya nagpasya sila na silipin


muna ang kanilang patutunguhan upang malaman nila ang layo pa ng
tatalunin nila. Tumuntong sila sa mataas na tambak ng basura at
nagyapusan upang makatayo. Natural, ang mga mata ng dalawang
palaka ay nasa likod nila kaya ang nakikita ni Denzel a taga Taytay ay
Taytay rin at ang natatanaw ni Morgan na taga Cainta ay Cainta rin.
Kundi ba naman engot ang dalawang kumag eh.

Sumigaw si Denzel, "Aba ang Cainta pa lang e tulad na tulad lamang


ng Taytay!* *Anak ng buwa ng niyog! Ang buwayang • Taytay pala ay
Caintang Cainta!"

(Dito sa bersyon ng mga Hapon ay umuwang dalawang palaka sa


kanilang bayan at di na lumuwas. Ngunit ang bersyon ng mga Hapon
ay malayong malayo sa mga tuna na pangyayari sa buhay ng
dalawang palakang petot na ito.)

Ang ginawa ng dalwang palaka ay humulagpos sa kanilang


pagkakayapos nag beso-beso at patuloy na tumalon-talon. Ngunit di
alam no bawat isa sa kanila na si Morgan na taga Taytay ay napunta
sa Cainta! At si Denzel na taga Cainta ay napunta naman sa Taytay.
Tuliro ang dalwang palaka. "Nasaan na ba ako." lyak ng dalawang
palakang petot. "Bakit biglang nabago...ang tanawin....na saan na ba
ako.... Paikot-ikot ang dalawa, patalon talon hanggang si Morgan ay
masagasaan ng Tricycle samantalang si Denzel naman ay
nagulungan ng G-liner. Yan ang dahilan kung bakit ang mga palaka ay
takot sa sasakyang de-gulong.

ANG PUNONG KAWAYAN

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang


katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak
ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng
bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.


"Tingnan ninyo ako", wika ni Santol. "Hitik sa bunga kaya mahal ako
ng mga bata."

"Daig kita," wika ni Mangga. "Mayabong ang aking mga dahon at hitik
pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga."

"Higit akong maganda," wika ni Kabalyero. "Bulaklak ko'y marami at


pulang-pula.

Kahit malayo, ako ay kitang-kita na."

"Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at
mabunga, wika ni Niyog. "Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan.
Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang
kakibu-kibo.

Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa." Nagtawanan ang mga


punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.


Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghip. At isang oras
niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga
bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy.
Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa
hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

You might also like