Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Si Aldo at ang Munting Higad

Aldo: isang magandang araw nanaman! napakaaliwalas ng panahon.


Tamang-tama ako'y nagugutom, ito ang tamang oras para maghanap
ng makakain!

(naglakbay si aldo. Habang siya'y naglalakbay, nakasalubong niya ang


mga langgam)

Kon: uy, kailangan natin mag-ingat dahil andito ang mabagsik na si


aldo (pabulong na sabi kay el)

El: Oo nga, siya nga! halika magtago tay-

Aldo: HOY! KAYONG DALAWA DIYAN!! ANO ANG TINITINGIN TINGIN


NIYO?

(nakita ni aldo na may dala-dalang pagkain ang mga langgam at


naisipan niyang kunin ito)
Kon: Pare takbo na tayo at magtago, nakita ni aldo ang dala-dala
nating pagkain. Siguradong kukunin niya yan

(tumakbo ang mga langgam ngunit si aldo ay mabilis at mabagsik)

Aldo: May balak pa kayong tumakbo ha, ibigay niyo nalang sa'kin yang
pagkain para hindi ko kayo saktan

(binigay ng mga langgam ang kanilang pagkain at dali-daling umalis)

Aldo: Sarap! ngunit ako'y nagugutom pa. Maghahanap pa ako ng


aking makakain

(habang naghahanap si aldo, nakakita siya ng kakaibang nilalang na


kulay berde na kumakain ng dahon)

Aldo: HOY ANONG URI KA NG HAYOP AT BAKIT KASING KULAY MO


ANG DAHON?!

(tinakot niya ang kakaibang uri ng hayop na kasing kulay ng dahon)

Higad: *walang imik/walang kibo


Aldo: *nagulat/

Aldo: *nilakihan ang kaniyang boses/ BAKIT HINDI KA NATATAKOT SA


ISANG TULAD KO? HINDI MO BA AKO KILALA? AKO SI ALDO, ANG
PINAKAMALAKING GAGAMBA DITO SA KAGUBATAN!

Higad: *wala pa ring imik at patuloy lang sa pagkain ng dahon

Aldo: hindi ka ba natatakot sa'kin? malumanay niyang tanong

Higad: walang kibo at patuloy pa rin sa pagkain

(nagulat si aldo dahil siya lang ang bukod tanging hayop na hindi
natatakot sa kaniya)

(araw-araw niya pinupuntahan ang hayop na ito hanggang sa isang


araw, siya ay naging isang parang itlog na nasabit sa sangay ng dahon)

Aldo: Woah! Bakit ka naging ganiyan cynthia?


(pinangalanan niya ang hayop na iyon ng "cynthia")

Aldo: Nakakapagtaka, kahapon lamang ay kumakain ka lamang at


bakit ngayo'y naging ganiyan ka na?

(kahit naguguluhan si aldo, binantayan pa rin niya si cynthia.


Hanggang isang araw, bumalik ang mga langgam na inatake niya noon
para bumawi sa kaniya. Hindi lamang dalawang langgam ang naroon,
kung hindi ilang daang langgam ang kasama nito.)

Kon: HOY ALDO! pasigaw na sabi ni kon.

Kon: Nandito kami para maghiganti sa iyong ginawa sa'min! Nandito


kami para ikaw ay sugpuin at mawala na sa lugar na ito! ikaw ay isang
salot!

(nagulat si aldo sa narinig at nakita. Agad -agad niyang sinaputan si


cynthia para hindi makapasok o makalapit ang mga langgam sa itlog
na ito)

Aldo: Halika at kayo'y lumapit. Wala kayong laban sa'kin kahit ilan pa
kayo, matatalo't matatalo ko kayo
(sumugod ang mga langgam at sabay-sabay inatake si aldo)

(nanlaban si aldo sa pamamagitan ng kaniyang bilis at bagsik.


Naglabas siya agad ng maraming sapot para pahintuin ang mga
langgam ngunit may ibang nakalusot.)

(nilabanan niya ito gamit ang kaniyang lakas at sa ilang minutong


paglalaban ay paunti-unti niya nang natatalo ang mga langgam)

Aldo: Whoo! nakakapagod kayo! sobrang dami niyo ngunit hindi niyo
ako kakayanin!

(Natalo ni aldo ang mga langgam at nagsitakbuhan ang mga ito)

Aldo: Muntik na tayo dun. (pabulong na sabi kay cynthia)

(kinabukasan,habang natutulog si aldo, napisat na ang itlog at ang

lumabas ay isang paru-paro!)

Aldo: (humikab) magandang umaga, cynthi- (nagulat sa nakita)


Aldo: Bakit nawala na ang laman ng itlog?! nasaan ka cynthia? May
kumain ba sa'yo? may kumuha ba sa'yo? (natataranta)

(biglang pumunta sakaniya ang isang paru-paro na napakaganda at


makulay)

Aldo: Sino ka?! Bakit ka nandito? Ikaw ba ang kumuha kay cynthia?

Cynthia: Ako ito, aldo. Ako si cynthia, ako ang laman ng itlog na iyan!
Laking pasasalamat ko sa'yo at ako'y iyong pinagtanggol laban sa mga
langgam!

Aldo: (kinilig) w-w-walang a-anuman, cynthia.

Aldo: Uh, cynthia, may gusto akong sabihin sa iyo.

Cynthia: Ano iyon, aldo?

Aldo: Gusto kita, cynthia. Gusto kita makasama habang-buhay.

Cynthia: (kinilig) u-uh a-ano k-k-kasi, uhm, gusto rin kita, aldo.
(Nagkatuluyan sila at namuhay ng mapayapa)

THE END

You might also like