Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paaralan Kanlurang Mayao Elementary School Baitang Five

Guro Rosevyl A. Caday Asignatura Filipino

Petsa ng Pagtuturo Ika-3 ng Mayo, 2023 Markahan Q4

I.Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan.

C. MELC Nakabubuo ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan.


(F5PN-iva-d-22) ( 3 araw )
II. Nilalaman Pagbuo ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan

III. Sanggunian

a. Patnubay ng Guro MELC Filipino G5 Q4, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p.101)

BOW sa Filipino pahina 31

ADM Q4 L1

b. Patnubay ng Mag-aaral ADM sa Filipino 5 Q4 W1

c. Pahina ng Aklat Alab Filipino 5 pahina 165

d. Karagdagang Sanggunian https://youtu.be/fAFZxJin9gI

e. Mga kagamitan - Powerpoint ng tatalakaying paksa


- ADM
- Alab Filipino 5
- Papel/ kwaderno
- bolpen

IV. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain Pagsasanay: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng angkop na
bunga ng sanhi sa pangyayari ng bawat bilang at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Napakainit ng panahon kaya _______________.


A. kinansela ng DepEd ang klase.
B. nakatawid ako ng maayos.
C. binuksan namin ang aircon.
D. naaksidente siya sa daan.
2. May sirang ngipin si Tomas kung kaya _______________.
A. mababa ang nakuha niyang pagsusulit.
B. nakatawid siya ng maayos.
C. pumunta siya sa dentista.
D. palagi siyang nakangiti.

3. Hindi kumain ng tanghalian si Michael kaya _______________.

A. gutom na gutom siya.


B. naaksidente siya sa daan.

C. binuksan namin ang aircon.

D. sumakay na lang kami ng traysikel pauwi.

Balik-aral: Ano ano ang mga dayagram na alam mo na?

Talasalitaan: Basahin at gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita.

1. Dayagram-illustrasyon
2. Sanhi-dahilan
3. Bunga-resulta
4. Ugnayan-koneksyon
5. Teksto-talata

Pagganyak: Suriin ang larawan.

2. Panimula Inaasahan na pagkatapos ng aralin na ito ay:


1. Nakatutukoy ng sanhi at bunga sa pangungusap;
2. Nakabubuo ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan
o nabasa; at
3. Napapahalagahan ang pagiging maparaan sa pagbuo ng dayagram ng ugnayang sanhi
at bunga sa tekstong binasa.
3. Pagtuturo/Pagmomodelo Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay
nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang
epekto ng kadalinanan ng pangyayari.
Ang dalawang ito ay laging iniuugnay ng sumusunod na hudyat:
 dahil
 kung kaya
 kasi
 sapagkat
 kung
 kapag

Integrasyon ng Science, EPP at ESP

4.Pagtalakay

Pag-aralan ang dayagram.

Ano ang sanhi? Ano ang bunga?

Ano-ano ang mga hudyat na ginagamit sa pag-uugnay ng dalawa sanhi at bunga?

Bakit kailangan nating ilagay sa dayagram ang sanhi at bunga?

Mas madali bang maunawaan ang aralin kapag may dayagram?

Integrasyon ng Science at ESP

5.Paglalahat

Paano makabubuo ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong


napakinggan?

6.Pinatnubayang Pagsasanay TANDAAN ANG TEAM

T-Tamang boses ang gamitin


E-skwelang nagbabahagi ng ideya

A-ktibong makilahok

M-ay disiplina

Pangkatang Gawain:

PANGKAT 1

Isulat sa Manila Paper ang sagot.

PANGKAT 2

B.Panuto: Sumulat ng pangungusap na may ugnayang sanhi at bunga mula sa larawan.


PANGKAT 3

C. Panuto: Bumuo ng dayagram gamit ang mga pangungusap na ito.

1. Hindi pumasok si Ana dahil nilalagnat siya.

2. Nag-aral nang mabuti si Bryle kaya mataas ang nakuha niyang marka.

3. Dahil sa sobrang init, maraming mga bata ang inuubo at sinisipon.

4. Sobrang sipag ni May kaya nagkasakit siya.

5. Nagbara ang lagusan ng tubig kaya bumaha.

PANGKAT 4

D. Panuto: Piliin ang bunga ng sanhing nakasulat sa “Fishbone Diagram”

7.Malayang Pagsasanay
Integrasyon ng EPP at Health

8.Paglalapat Bakit kailangan nating makabuo ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa
tekstong napakinggan?

Ano ang kahalagahan nito sa ating pang-araw araw na buhay?

9.Pagtataya

Panuto: Basahin ang teksto at bumuo ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.

Noon, malinis, mabango at malinaw na tubig kaya marami ang namamasyal at


naliligo sa Ilog Pasig. Nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog dahil pinabayaan ito
ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay
umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahil sa marumi na ang tubig sa ilog. Nangangamba
ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kailangan kumilos sila bago
mahuli ang lahat.

B. Panuto: Ilagay ang tamang sanhi at bunga sa dayagram.

Integrasyon ng ESP/Health

IV. Takdang Aralin Magsulat sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na _______________________________________________

Magagamit ko ito sa__________________________________________________

Proficiency Level Mt. Apo Mt. Banahaw

5 x _______=____________ 5 x _______=____________

4 x__ _____=____________ 4 x _______=____________

3 x________=____________ 3 x________=____________

2 x _______=____________ 2 x _______=____________

1 x _______=____________ 1 x _______=____________

0 x_______=_____________ 0 x_______=_____________

Inihanda ni: Siniyasat:

ROSEVYL A. CADAY HAZEL T. ABANTO

Guro sa Filipino Punong-guro

You might also like