Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paaralan Kanlurang Mayao Elementary School Baitang Five

Guro Rosevyl A. Caday Asignatura Filipino

Petsa ng Pagtuturo Ika-15 ng Mayo, 2023 Markahan Q4

I.Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang teksto at napapalawak ang
talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa.

C. MELC Natutukoy ang paniniwala ng mgay akda ng teksto sa isang isyu. F5PB-IVb-26 (2 araw)

II. Nilalaman Pagtukoy ng paniniwala ng mgay akda ng teksto sa isang isyu

III. Sanggunian

a. Patnubay ng Guro MELC Filipino G5 Q4, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p.101)

BOW sa Filipino pahina 31

ADM Q4 L2

b. Patnubay ng Mag-aaral ADM sa Filipino 5 Q4 M4

LEAP Q4 W3

c. Pahina ng Aklat Alab Filipino 5 pahina 165

d. Karagdagang Sanggunian https://youtu.be/fAFZxJin9gI

e. Mga kagamitan - Powerpoint ng tatalakaying paksa


- ADM- M4
- Alab Filipino 5
- Papel/ kwaderno
- bolpen

IV. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain Pagsasanay at Balik-aral:

Ngayon bibigyan kita ng pagkakataon na isagawa ang pagsasanay at alamin kung may
natutunan ka sa nakaraang aralin.

Kayo ba ay nakapanood ng isang isyu sa telebisyon?

Napanoood ninyo ang tungkol sa ABS- CBN closure bibigyan ko kayo ng 3 minuto
pagdedebate.

-dapat isara ang ABS- CBN

-Di dapat isara ang ABS- CBN

Gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagdedebate.

Sagutin ang sumusunod na tanong


1. Ano ang paksa ng debate?
A. ABS –CBN closure B. GMA Network closure C. TV5 closure D. CNN closure

2. Ano ang naging dahilan at ito ay ipinasara?

A. Luma na ito

B. Expire ang prangkisa

C. walang prangkisa

D.kulang ang bayad sa buwis

3. Ayon sa panig ng hindi dapat isara ,ano ang kanilang dahilan?

A. maraming tao ang nanghihinayang

B. maraming mawawalan ngtrabaho

C. wala ng mapapanood na balita

D. wala sa nabanggit

4. Ayon naman sa panig ng dapat isara ano ang iyong dahilan?

A. walang prangkisa

B. expire na ang prangkisa

C. niloloko tayo

D. Wala sa nabanggit

5 .Ano-anong pangungusap ang ginamit mo sa debate?

A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Padamdam
D. Lahat

Talasalitaan: Basahin at gamitin sa pangungusap.

1. Paniniwala
2. Pagtukoy
3. Akda
4. Isyu
5. Teksto

Pagganyak:
2. Panimula Sa pagtatapos ng araling na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

A. natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu;


B. natutuhan ninyo ang mga tradisyon na isinasagawa nating mga Pilipino;

3. Pagtuturo/Pagmomodelo Basahin nang malakas ang kuwento. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Pista sa Aming Bayan

Masayang- masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan.Maraming tao
ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan.Hindi
magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, sa mga
balikbayan, at mga panauhin mula sa ibang bayan.

Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang
nagbibigay ng masiglang tugtugin. Umaambag rin sa sigla at saya ang malakas na
bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya at pondahan at maging sa mga tahanan man.
Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye. May mga
arkong kawayan na may makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang mga banderitas na
may iba’t ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na lansangan at maging sa maliit na
kalye man.

Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson doon at dine.
Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga
bakuran.Mula tanghalian hanggang hapunan ay may pagsasalu-saluhan ang mga
inihandang pagkain ng magkakamag-anak, magkakaibigan,at mga panauhin. Kainang
hindi matapos- tapos Ganyan ang pista. Nakakalungkot tuloy isipin na ang pista ay tila
kainan lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon.

E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi
ba’t malaking pagaabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang
pagpipista at pamimista.Ito’y isang kaugaliang minana pa natin sa ating mga ninuno.

Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkaloob


Niya sa mga tao. Ito ay araw ng pagdakila, papuri at pagpaparangal sa Panginoon.
Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan ng patron ng bayan.gaya ng
pista ng Meycauayan na ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na si San Francisco
de Asis, pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Brhen de Salambao, pista ng
Obando sa kaarawan ni San Pascual de Baylon,pista ng Malolos sa kaarawan ng Birhen
ng Immaculada Concepcion at iba pa.
Ngayon, nais kong sagutin mo ang mga tanong tungkol sa iyong binasa:

1. Ano ang pista?______________________________________


2. Bakit may pista? ___________________________________
3. Ilarawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa.

____________________________________________________________

4. Sang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista?


Ipaliwanag._________________________________________________
5. Bakit sinasabing ang pista ay isang pamanang kalinangan ng ating mga ninuno?
________________________________________________
6. Batay sa binasang teksto, ano ang isyu na nakapaloob dito?

_____________________________________________________________

7. Sa isyung nakapaloob sa teksto, Ano sa tingin mo ang paniniwala ng may akda nito sa
tungkol sa isyung ito?

Integrasyon ng AP at ESP
4.Pagtalakay Paano matutukoy ang paniniwala ng mgay akda ng teksto sa isang isyu?

Bakit kailangan nating matukoy ang paniniwala ng mgay akda ng teksto sa isang isyu?

5.Paglalahat Marami ka bang natutunan, sa araw na ito? Ano- ano ang iyong

natutunan sa ating aralin?

 Ang paghanap ng isyu sa loob ng talata.


 Ang pagbibigay ng may akda ng kanyang paniniwala sa isang isyu.
 Ang bawat talata ay naglalaman ng mga isyu dito sa loob ng talata ay makikita din natin
kung ano ang naging paniniwala ng may akda tungkol sa isang isyu.

Ano- anong isyu ang inyong nabasa sa bawat teksto?

Ano- ano ang mga paniniwala ng may akda tungkol sa isang


Isyu?
6.Pinatnubayang Pagsasanay TANDAAN ANG TEAM

T-Tamang boses ang gamitin

E-skwelang nagbabahagi ng ideya

A-ktibong makilahok

M-ay disiplina

Pangkatang Gawain:

Basahin ang nakatala . Isulat kung Tama o Mali ang mga nakalahad sa ibaba:

Maraming kapakinabangang nakukuha sa ating mga kagubatan.Pinagmumulan ito ng


matabang lupa. At pumipigil sa pagbaha.Nagsisilbing tahanan ito at napagkukunan ng
pagkain ng mga ibon at hayop. Nararapat mabatid ng bawat isa ang kahalagahan ng mga
kagubatan. Gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang mapangalagaan ang
kagubatan.

Ang gawaing ito ay hindi maisasakatuparang mag-isa ng pamahalaan. Kailangan nito


ng tulong ng mga mamamayan. Nararapat sundin ang mga batas sa pangangalaga ng
kagubatan.

_______1. Maraming pakinabang ang nakukuha sa kagubatan.

_______2. Wala tayong nakukuhang kahit ano sa kagubatan.

_______3. Putulin ang mga puno sa ating mga kagubatan.

________4. Dapat sundin ang mga gawain sa pangangalaga ng kagubatan.

________5. Mahalaga ang mga kagubatan sa ating mga mamamayan.

Ano ang paniniwala ng may akda sa isyung ito?

Gumawa ng graph o tsart tungkol sa binasa.

Integrasyon ng Science at AP

7.Malayang Pagsasanay Ano nga ba ang corona virus?


Ang corona virus ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaring magdulot ng
sakit. Mula sa karaniwang sipon, hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East
respiratory Syndrome ( MERS- Cov) at Severe Accute Respiratory Sindrome (Sars Cov).
Ang bagong Corona virus (N-cov) ay isang bagong uri na hindi pa nakikilala sa mga tao.
Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay
maari ring makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa
pag-ubo/ pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay o paghawak ng mga
kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay paghawak sa bibig , ilong o mata.

Ang corona virus ay tumutukoy sa sakit sanhi ng virus.

Punan ang patlang ng tamang sagot:

1. Ang corona virus ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot
ng______.
2. Ang bagong sakit na ______ ay dinaranas natin sa kasalukuyan.
3. Maraming corona virus ang natural na nakakahawa sa ______.
4. Ang ilan sa mga ito ay maaari ring makahawa sa mga _________.
5. Ang corona virus ay maiisip na kumalat sa hangin sa pamamagitan ng_________.

6. Ano ang paniniwala ng may akda sa isyung ito?

Integrasyon ng Science at Health

8.Paglalapat Bakit kailangang matukoy ang paniniwala ng may akda ng teksto sa isang isyu? Ano ang
kahalagahan nito sa inyong buhay bilang mag-aaral?
9.Pagtataya PANUTO: Basahin nang tahimik ang talata:

ILOG PASIG NOON AT NGAYON

Malaki ang naging bahagi ng Ilog Pasig sa buhay ng maraming Pilipino, kabilang na
ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Malimit noon na makitang
namamangka sa Ilog Pasig si Jose Rizal kasama niya ang kanyang kasintahang si Leonor
Rivera. Ito ang naging saksi sa kanilang wagas na pagmamahalan. Madalas nilang
pasyalan noon ang Ilog Pasig dahil nakadarama sila ng kapayapaan ng kalooban tuwing
pagmamasdan ito. Ayon sa matatanda ibang-iba raw ang Ilog Pasig noon. Bukod sa mga
magkasuyong namamasyal dito. Marami ring kababaihan ang nakikitang naglalaba rito.
Paliguan din ito ng marami at dito nangingisda ang mga tao. Kulay asul ang tubig nito
malinis at malinaw. Iba’t – ibang isda ang nahuhuli rito tulad ng talimusak, dalag at
kanduli.

Presko ang simoy ng hangin dito at inspirasyon ng mga makata. Ipinapahayag ang
kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng tula at awit. Gaano man kabigat ang
suliranin ng isang tao dagli itong nalilimutan. Kung namamalas ang kagandahan ng ilog
Pasig. Ang alon ay tila musika sa kanilang pandinig. Ganyan kaaya-aya ang ilog Pasig
noon.At isa ito sa itinuturing na magandang tanawin sa ating bansa.

Ngayon ano ang nangyari sa Ilog na ito? Ang dating malinaw na tubig ay naging maitim
na. Ang presko at sariwang hangin ay napalitan na ng mabahong simoy na dulot ng
basurang itinatapon dito.Ang mga isda ay wala ng pagkakataong mabuhay sapagkat ito
ay puro burak na.

Sino pa ang masisiyahang mamasyal sa pook na ito? Paano tayo uunlad kung pati
kalikasan ay sinisira natin dahil sa ating kapabayaan? Paano na rin an gating kalusugan.
Sa kasalukuyan marami ng proyekto ang pamahalaan upang mabuhay muli ang
makasaysayang Ilog Pasig. Sana’y makiisa ang lahat sa mga proyektong ito.Ikaw, handa
ka na bang maging bahagi nito? Isang hamon ito para sa iyo..Tulad mo diyan sa lugar
ninyo may naitulong ka na ba?
Sagutin ang sumusunod na tanong isulat ang titik ng tamang sagot:

1. Alin ang may malaking bahagi sa buhay ng mga Pilipino kabilang na ang ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal?
A. Ilog Pasig B. Maynila C.Luneta D. Pasig
2. Ayon sa mga matatanda ang ilog Pasig daw noon ay?
A. Kakaiba B. Ibang –iba C. maganda C. malinis
3. Ang ilog Pasig ay nagsisilbing ______ ng mga tao noon.
A. Kaibigan B. kasama C. inspirasyon D. suliranin
4. Ano ang isyu sa teksto?
A. Anon a ang nangyari sa ilog na ito B. Marumi na ang ilog
B. Maganda ang ilog D. maitim at mabaho ang tubig

5. Ano ang naging paniniwala ng may akda ng teksto?


A. Makiisa sa programa para sa ilog Pasig
B. Sumunod sa mga ipinatutupad na batas.
C. Paano na ang ating kalusugan
D. Makiisa sa mga programa ng pamahalaan upang mabuhay

muli ang maksaysayang ilog na ito.

IV. Takdang Aralin Magsulat sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na _______________________________________________

Magagamit ko ito sa__________________________________________________

Proficiency Level Mt. Apo Mt. Banahaw

5 x _______=____________ 5 x _______=____________

4 x__ _____=____________ 4 x _______=____________

3 x________=____________ 3 x________=____________

2 x _______=____________ 2 x _______=____________

1 x _______=____________ 1 x _______=____________

0 x_______=_____________ 0 x_______=_____________

Inihanda ni: Siniyasat:

ROSEVYL A. CADAY HAZEL T. ABANTO

Guro sa Filipino Punong-guro II

You might also like