Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LIT2 – Sinesosyedad/Pelikulang Panlipunan

QUIZ ASSIGNMENT

Frenz Luigi M. Deseles 09/22/22

BSED-English

A. Magbigay ng 3 kahulugan ng pelikula ayon sa iba’t ibang may akda. (15 pts.)

1. Ang pelikula ay isang sining na nagpapakita ng kultura, tradisyon, kaugalian, emosyon, aral at
mithiin na nais ipabatid ng direktor. Ito ay kadalasang pinapalabas sa mga telebisyon o mga
sinehan na siyang nagiging libangan ng mga tao.
2. Ito ay isang uri ng media na nakakaimpluwensya at nagbibigay ng iba’t ibang epekto sa
emosyonal, espiritwal o mental sa mga manonood. Ang mga paksa ng pelikula ay kadalasang
sumasalamin sa buhay ng mga mamamayan sa isang bansa o lugar.
3. Ang pelikula ay maituturing na isang obra ng sinumang direktor na pinagmulan nito na siyang
kinapulutan ng aral at inspirasyon ng mga manonood. Maituturing na maganda at epektibo ang
pelikula kung ang mga manonood ay naihahanay ang kanilang sariling buhay sa kanilang
napapanood.

B. Bakit mahalagang manood ng pelikula? (15 pts.)

Mahalagang manood ng pelikula sapagkat marami tayong matututunan dito lalo na


kung ang paksa ng pelikula ay patungkol sa kasaysayan ng buhay ng isang tao o bansa. Ang
pelikula rin ang nagsisilbing libangan ng mga tao mula noon hanggang ngayon. Sa pamamagitan
ng panonood ng pelikula ay naiibsan o napapawi ang ating mga problema sapagkat tayo ay
naaaliw lalo na kung ito ay komedya. Ang mga makabuluhang pelikula ay kapupulutan din ng
aral na magsisilbing daan upang ang ating pamumuhay ay maging makabuhulan din. Sa
pamamagitan din ng panonood ng pelikula ay nabibigyan natin ng suporta ang mga magigiliw na
direktor na nakakalikha ng mga nakamamanghang obra na siyang nagmamarka sa puso at isipan
ng mga manonood.

C. Saliksikin ang mga sistematikong sangkap ng pelikula. Ipaliwanag ang bawat isa. (35 pts.)
1. Nilalaman/Kwento – Tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na
nakararaming manonood. Ito rin ay ang makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa
pananaw ng kalagayan ng tao mula sa pananaw ng Pilipino.
2. Dulang Pampelikula/Screenplay – Binabalangkas sa paraang orihinal ang nasabing nilalaman
o karanasan ayon sa pangangailangan o makabuluhang pagsusuri ng nilalaman ng kwento.
3. Pagganap – Matagumpay na nagawa ng artista na mapaniwala ang mga manonood sa
tauhang kanyang inilalarawan at malinaw ang motibong nagpapakilos sa nsabing tauhan.
4. Tunog – Naisalin ng buhay na buhay tulad ng diyalogo at musika na nagsasaayos ng mga
eksena sa malikhaing paraan.
5. Musika – Pinalilitaw ang kahulugan ng tagpo o damdamin. Pinatitingkad din nito ang
atmospera at damdamin ng tauhan.
6. Direksyon – Matagumpay and direktor sa pagbibigay buhay sa pelikula. Nagawa niyang
ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng malikhaing pagsasanib
ng mga elemento ng pelikula.

D. Isa-isahin at tukuyin ang mga pangunahing elemento sa pagsusuri ng pelikula. (35 pts.)
1. Sequence Iskrip – Pagkakasunod sunod ng mga pangyayari ng kwento sa pelikula. Layunin
nitong maipaintindi ang kwento ng maayos sa mga manonood.
2. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipahayag sa mga manonood ang
tunay na pangyayari sa pamamagitan ng tamang pagpapakita ng lente at ilaw.
3. Tunog at musika – Pagpapasidhi ng ugnayan at pagpapalutang ng bawat tagpo ng tunog at
linya ng mga diyalogo at kadalasang pumupukaw sa interes ng mga manonood.
4. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukwento.
5. Pagdidirhe – Mga pamamaraan at diskarte ng direktor kung paano patakbuhin ang kwento
at paano ito gawing kaaya aya sa mga manonood.
6. Pananaliksik o Riserts – sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
7. Pag- eedit – Ang pag-eedit ay ang pagpuputol, pagdudugtong muli ng mga negatibo mula sa
eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tanggalin ang mga
eksenang hindi naaangkop sa kwento ng pelikula.

You might also like