Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name:__________________________Baitang at Pangkat:__________Petsa:________

I. Panuto: Suriin ng mabuti ang pangungusap. Isulat ang salitang Tama kung ang isinasaad
nito ay totoo at Mali naman kung hindi.

_________1. Ang bawat akda ay kailangan may Pamagat.

_________2. Kapag maganda ang pagkagawa ng Pamagat sa seleksiyon, madaling matatawag ang
pansin ng mambabasa.

_________3. Isulat sa malilit na letra ang mahahalagang salita kapag gumawa ng pamagat.

_________4. Tiyakin na ang pamagat ay tungkol sa nilalaman ng kwento.

_________5. Dapat mataas ang pamagat.

II. Panuto: Basahin ng mabuti ang Kwento at tukuyin ang maaaring Pamagat ng kwento.
Isulat ang tamang letra sa patlang.

Nagdiwang ng kaarawan si Betty at dumalo ang kanyang Dalawang kaibigan na sina Mary at
Rose. Tuwang-tuwa ang magkakaibigan sa paglalaro ng Parlor Games. Habang naglalaro ang
kaniyang kaibigan niyaya ni Betty sina Mary at Rose na kumain ng keyk at spaghetti pagkatapos
nilang kumain naisipan ni Betty na buksan na niya ang kanyang mga regalo ngunit napansin ni Betty
na nawawala ang isa niyang regalo. Hinanap nila ito mula Sala, Kusina at Kwarto. Nakita ni Betty na
nilalaro ni Miki, ang kanyang alagang pusa ang isang di-kalakihang regalo sa ilalim ng kama. Lubos
ang Galak ni betty nang Makita ang kanyang hinahanap na nawawalang regalo.
_________6. Ano ang maaring Pamagat ng kwento?
a. Ang kaarawan ni Betty
b. Ang Nawawalang Regalo
c. Ang regalo ni Betty

Masipag si Mang Boni, Isa siyang kartero. Nagdadala siya ng mga sulat. Nagpupunta siya sa
bahay-bahay. Lagging pagod si Mang Boni. Ngunit masaya pa rin.
__________7. Ano ang maaring Pamagat ng Kwento?
a.Ang Kartero
b. Ang mga sulat
c. laging pagod si Mang Boni

Nagluluto ng sinigang si Nanay, Bangus ang kanyang isinigang. Kamyas at kamatis ang
ginamit na pang-asim. Kankong, talong at sitaw ang inilahok niyang gulay.
_________8. Ano ang maaring Pamagat ng Kwento?
a. Ang Bangus
b. Ang Sinigang Ng Nanay
c. ang luto ni nanay
Matanda na si Lola. Maputi na ang kanyang buhok, kulubot na ang kanyang balat. Ngunit
malakas pa siya. Inaalagaan niya kaming mga Apo niya.
_________9. Ano ang maaring Pamagat ng Kwento?
a. Ang Lola
b. Maputi na ang kanyang buhok
c. Malakas pa

Tuwing gabi habang ako ay natutulog alam kong dumating na siya sa bahay, naririnig ko ang
kanyang mga apak sa sahig habang siya ay papunta sa akin kwarto nararamdam ko ang kamay niya
sa aking noo, hinahawi ang aking buhok habang akoy natutulog sabay halik sa aking pisngi,
mapapadilat ang aking mata ng konti. 15 anyos na ako ngayon at tuwing gabi ganun na lang lagi ang
nangyayari kaya isang umaga tinanong ko ang aking Ina. “Nay si tatay tuwing gabi bumibisita lagi sa
kwarto ko” “Anak ganyan ka kamahal ng tatay mo kahit na 5 taon na siyang kinuha ng ating poong
maykapal”. Saad ni Nanay sa akin.

_________10. Ano ang maaring Pamagat ng Kwento?


a. Tatay
b. Poong Maykapal
c. tuwing gabi

III. Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa Pamagat.

11. Bakit kailangan may Pamagat ang isang kwento?

12. Bakit kailangang kapana-panabik ang Pamagat?

13-15. Magbigay ng tatlong (3) Mga Patnubay sa Pagbibigay ng Pamagat.


13.
14.
15.

IV. Panuto: Kompletuhin ang Pangungusap.

16-20. Sa aking napag-aralan, dapat munang alamin ang _________ o paksang pangungusap upang
makapagbigay ng _________ sa binasang teksto.

You might also like