Professional Documents
Culture Documents
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT Grade ESP 8 T.P. 2022 2023 FINAL
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT Grade ESP 8 T.P. 2022 2023 FINAL
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT Grade ESP 8 T.P. 2022 2023 FINAL
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph
3. Ang pinakadakilang birtud at ang magulang ng lahat ng mga birtud ayon kay Marcus
Tulius Cicero ay:
A. pagmamahal B. pasasalamat C. pagpapatawad D. paggalang
10. Sila ang mga pinuno na itinalaga o hinirang upang magpatupad ng mga panuntunan at
mangasiwa sa pangangailangan ng mga mamamayan.
A. awtoridad B. kaibigan C. magulang D. mga nakatatanda
11. Ayon sa aklat ng Respect for the Elderly: Implications for Human Service Providers ni
Sling, alin sa mga sumusunod ang hindi paraan ng pagpapakita ng paggalang?
A. ipanalangin ang mga taong may awtoridad.
B. kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya.
C. sila ay arugain at maging magalang sa pakikipag-usap.
D. hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa mga karanasan.
13. Ito ay nagmula sa salitang Latin an “respectus” na ang ibig sabihin ay paglingon o
pagtingin muli.
A. paggalang B. pagmamahal C. pagmamalasakit D. pagpapatawad
14. Ano ang kahulugan ng batas ayon sa pilosopiya ni Sto. Tomas de Aquino?
A. itinalaga ito ng mga namumuno
B. nararapat sundin dahil ito ay makatutulong
C. isang kautusan o patakaran para sa ikaaayos ng kanyang pinamumunuang
samahan
D. isang ordenansa ng tamang katwiran (right reason) na idineklara ng isang
lehitimong awtoridad para sa kabutihang panlahat
15. Ano ang tawag natin sa kasabihang “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin
nila sa iyo.”
A. birtud B. Gintong Aral C. paninindigan D. pagpapahalaga
16. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa antas ng pasasalamat ayon kay Sto.
Tomas de Aquino?
A. pagpapasalamat
B. pagtanaw ng utang na loob
C. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
D. pagbayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya
17. Alin sa mga sumusunod ang hindi kilos ng taong mapagpasalamat?
A. kuntento sa buhay
B. isang masayang tao
C. may kababaang loob
D. may entitlement mentality
18. Tukuyin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pasasalamat sa ating bayan.
A. magpakita ng pagpapasalamat sa mga espesyal na araw.
B. pagsali sa mga gawaing pampamilya.
C. pagiging magalang sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.
D. pagkilos ng wasto, may disiplina saan at anumang sitwasyon sa araw-araw
na buhay.
19. Alin sa mga sumusunod ang magandang dulot ng pagiging mapagpasalamat ayon sa
Institute for Research on Unlimited Love (IRUL)?
A. higit na mabilis makakamit ang iyong mga plano o pangarap.
B. higit kang mauunawaan, tatanggapin at mamahalin ng iyong mga magulang.
C. mapabubuti ang komunikasyon sa pagitan mo at ng taong iyong
makasasalamuha.
D. nagiging malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawain ang
mga mapagpasalamat na tao kaysa hindi.
20. Siya ay naniniwala na ang Diyos ang nasa likod ng kanyang mga nakakamit na
tagumpay.
A. Aristoteles B. Emmanuel Kant C. St. Francis D. Sto. Tomas de Aquino
21. Paano mo higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
B. ipaglaban ang iyong karapatan kung ikaw ay nasa katwiran.
C. pagpapasya sa mga bagay na maaaring sundin dahil ito ay kaaya-aya sa iyo.
D. ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
22. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa isang bata na matutong sumunod at
gumalang sa mga nakatatanda?
A. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano sila gumagalang sa iba.
B. pagsangguni sa mga barkada at kaibigan na malapit sa kanya.
C. pagiging disiplinado at pagwawasto nang may pagmamalasakit at pagmamahal.
D. pagtalima sa mga itinuturong aral ng mga magulang ukol sa paggalang at
pagsunod.
27. Malalaman mo kung ang isang tao ay nagtataglay ng ingratitude sa pamamagitan ng:
A. pandaraya sa kapwa
B. pagkalimot sa pinagsamahan
C. hindi nagbayad ng tama sa pinagbilhan
D. hindi pagkilala sa kabutihang natanggap mula sa kapwa
32. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay nang may katarungan at pagmamahal ang
paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang?
A. mag-aral ng mabuti para gumanda ang iyong buhay
B. magsaliksik at unawaing mabuti ang mga batas at alituntunin
C. gumawa ng mga gawaing bahay upang magkaroon ng malaking baon
D. maging mapagmalasakit at mapagmahal sa magulang sa pamamagitan ng
pakikinig sa kanilang sinasabi o pinapayo
33. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan sa pagsunod at paggalang sa may
awtoridad?
A. walang kamalayan sa batas na pinaiiral
B. pagsunod sa mga patakaran sa pamayanan
C. hindi pagiging mabuting halimbawa sa kapwa at komunidad
D. hindi pagbibigay alam sa mga kapitbahay tungkol sa bagong batas
36. “Kung marunong kang tumanggap ay marunong ka ring magbigay.” Ano ang kahulugan
ng pahayag na ito?
A. pagsasabi ng salamat
B. tumulong sa ibang tao
C. pagbibigay ng simpleng regalo
D. sa pamamagitan ng liham ng pasasalamat
37. Kanino tayo nararapat magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap natin sa araw-
araw?
A. Diyos B. kaibigan C. kaklase D. kapamilya
40. Pagka edad ng tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang
bata. Siya ay ___________.
A. kumikilos ayon sa kagustuhan
B. namumulat ang kaisipan upang mangatwiran
C. madaling sumunod dahil sa takot sa magulang
D. nagkakaroon ng pang-unawa upang sundin o hindi sundin ang utos ng magulang
41. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng simpleng regalo upang maiparating ang
iyong pasasalamat?
A. ang halaga ng bagay na ginawa
B. ang antas ng pamumuhay ng iyong bibigyan
C. kung gaano karami ang nagawang kabutihan sa iyo
D. mahalaga na ang pagbibigay ay bukal sa iyong puso
42. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan?
A. pagtulong sa mga simpleng gawaing bahay
B. pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
C. pagpapahinto sa pag-aaral upang makapagtrabaho at makatulong sa
pamilya
D. pag-alaala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang
pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniya
43. Sa murang edad ni Jasmine tinuruan na siya ng kanyang mga magulang na tawaging
kuya ang nakatatandang kapatid. Anong pagpapahalaga ang itinanim sa isipan ni Jasmine
ng kanyang mga magulang?
A. kabutihan at kabaitan sa kapwa C. pagsunod at pagsagawa ng kilos
B. pag-aral at pagpapalawak ng kaalaman D. paggalang at pagsunod sa nakatatanda
49. Anong pagpapahalaga ang dapat na pagyamanin upang isapuso ang pagsunod at
paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad? Ang pagiging:
A. pagkamalikhain bilang talento
B. masinop sa lahat ng kilos at gawain
C. may pagpapahalaga sa mga turo ng magulang at sa mga batas na ipinatutupad
D. masipag sa mga gawaing pangkabuhayan at upang makatulong sa mga
magulang
50. Magkaklase si Henry at Miguel sa isang mataas na paaralan ng San Nicolas. Napansin
ni Henry na hindi marunong gumalang at sumunod si Miguel sa mga namumuno ng kanilang
paaralan. Ano ang maari mong gawin para siya ay matutong sumunod at gumalang sa
kanila?
A. hayaang guro na ang magdidisiplina sa kanya
B. magsawalang kibo at hindi ka naman naapektuhan sa kinikilos niya
C. pagsabihan siya kung gaano kahalaga ang paggalang sa mga taong may
awtoridad
D. ipaunawa at ipakita sa kanya kung paano gumalang at sumunod sa mga taong
may awtoridad
Susi sa Pagwawasto (EsP 8 Ikatlong Markahan)
1. C 26. D
2. A 27. D
3. B 28. C
4. C 29. C
5. D 30. D
6. C 31. B
7. C 32. D
8. D 33. B
9. D 34. A
10. A 35. D
11. A 36. A
12. D 37. A
13. A 38. A
14. D 39. A
15. B 40. D
16. B 41. D
17. D 42. C
18. D 43. D
19. D 44. D
20. C 45. D
21. A 46. D
22. B 47. C
23. D 48. D
24. A 49. C
25. D 50. D