Citation 356426508

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Felonia, Melchor. (2021).

Ang Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon


ng Pandemya. Kadikit ng panahon ang pagpasok sa ating kamalayan at lipunan ng mga
terminong gaya ng e-Learning, ODL o Online Distance Learning, Modular at knowledge-
based society (Librero, 2008). Sa panig ng akademya, nagresulta ang pagbabago
maging sa sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa wika at panitikang Pilipino. Isa sa
mga kongkretong patunay nito ay Mula sa personal na danas ng mananaliksik hanggang
sa mga kaugnay na literatura hinggil sa wika at panitikan, sinusuri sa papel na ito
ang iba’t ibang salik sa pagtuturo ng/sa wika at panitikang Pilipino kaugnay ng mga
isyung pang-mag-aaral, estratehiya sa pagtuturo, at Internet bilang pangunahing
paraan ng pakikipag-ugnayan Inaasahang sa pamamagitan nito ay mabibigyang-ideya ang
mga mambabasa sa kabuuang sistemang Online Distance Learning bilang lunan ng
pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa makabagong panahon. Mga pamaaraan ang
lundayan ng sulating ito upang malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral at kung paano
magiging susi sa kanilang pag-unlad gayong nahaharap tayo sa pandemya. Masasalamin
din dito ang iba’t-ibang lebel ng pag-unawa sa mga salitang nakalimbag sa sulating
ito na maaring maging daan upang higit na mas pahalagahan ng mga kabataan o ng mga
mag-aaral ang binuong pag-aaral na ito. Sa sulating ito, masusukat ang kakayahan ng
mga guro at mag-aaral upang harapin ang bagong paraan ng pagtuturo at pagkatuto
kung saan ang social media at internet ang pangunahing lunsaran ng patuloy nilang
pagkatuto.

You might also like