Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LAMASIN MO AKO

Bata pa lamang si Ana naranasan niya na ang pangungutya at panghuhusga ng mga tao na nakapaligid sa
kanya sapagkat siya ay biktima ng panggagahasa na mismong ama ang may gawa. Sinamantala ng ama
ang kahinaan ni Ana, una pa lamang ramdam na niya na may kakaiba sa kanyang ama dahil sa kakaibang
paglamas nito sa ibat ibang parte ng kanyang katawan. Wala siyang lakas ng loob para magsumbong.
Sumapit ang kanyang ika 18 na kaarawan ditto siya nag lakas loob na gamitin ang kanyang karapatan
bilang babae, siya ay nagsumbong at nakulong ang kanyang ama. Akala niya nakawala na siya sa hagupit
ng kapalaran, dahil sa kanyang pagsumbong binatikos siya at hinusgahan na maruming babae. Ginamit ni
Ana ang mga masasamang batikos sa kanya bilang instrument0 para siya ay makapagtapos sa kanyang
pag-aaral.

Makalipas ang limang taon si Ana ay nagkaroon na ng trabaho at pamilya, siya ay nag tatrabaho araw
araw upang maitaguyod niya ang kanyang pamilya, sapagkat ang kanyang asawa ay walang kakayahang
mag trabaho sapagkat ito ay hindi makalakad gayun paman tinanggap ng buong puso ni Anna ang
kanyang asawa tulad din ng pagtanggap sa kanya nito kahit paman alam nito ang masamang naranasan
ni Anna. Ang asawa ni Anna ay naiiwan lamang sa bahay nila at ito ang nag aasikaso sa anak nilang
dalawa samantala si Anna naman ang nagpapakapagod sa trabaho araw-araw, ngunit masaya si Anna sa
kanyang buhay lalo na kung maylalamas sa kanya tuwing siya ay uuwi ng gabi sa kanyang tahanan,
nariyan ang kanyang asawa para lamasin ang kanyang likod gamit ang langis upang sa ganun mawala ang
pangangalay ng kanyang likod. Hindi niya aakalain na siya ay makakalasap ng lamas ng isang tao, lamas
na alam niyang siya ay ligtas at lamas na may respeto sa kanyang katawan.

You might also like