Ang Alamat NG Labing Isang Daliri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Labing isang daliri

May isang paslit ang nangangalang Onse. Si Onse ay wala ng magulang, siya ay naninirahan na lamang sa
pudir ng kanyang tiyahin at tiyohin. Ang mag asawa ay walang anak sapagkat sa kundisyon o sakit sa
matris ng tiyahin ni Onse. Sa musmos na edad, naranasan niya na ang hagupit, sakit at paghihirap sa
kamay ng kanyang kamag-anak wala siyang lakas na ipagtanggol ang kanyang sarili sapagkat alam niyang
siya ay papaalisin at siya ay mawawalan ng matitirhan. Walang ginawa si Onse kundi magtrabaho araw-
araw sa pudir ng kanyang kamag-anak, imbis na mag-aral sa paaralan at makipaglaro sa ibang bata sa
labas ay hindi niya naranasan sapagkat siya ay pinagbabawalan ng kanyang tiyahin. Si Onse ay masipag,
mabait at marunong mag tiis wala siyang ibang iniisip kundi ang magtrabaho para sa kanyang tiyahin at
tiyuhin kahit na siya ay may karamdaman sa puso. Isang araw si Onse ay napagbintangan sa kasalanang
hindi niya ginawa. Hindi siya pinakinggan ng kanyang tiyahin bagkus siya ay pinaluhod at pinapatong ang
mga kamay nito sa silyang kahoy upang ito ay paluin ng makapal na kahoy. Labis ang hagulgol ni Onse
ngunit hindi siya tinigilan ng kanyang tiyahin hanggat hindi siya umaamin na siya ang kumuha ng pera
nito sa pitaka. Dahil sa inis ng tiyahin ni Onse kumuha ito ng kutsilyo, labis ang takot ni Onse ng lumapit
sa kanya ang kanyang tiyahin at pilit na pina pabuka ang palad nito sa silyang kahoy. Nang matagumpay
na naibuka ng kanyang tiyahin ang kanyang isang kamay, ito ay pinukpok ng gilid sa tapat ng talim ng
kutsilyo, gayundin sa isang kamay. Hindi pa nakuntento ang kanyang tiyahin, kumuha pa ito ng martilyo
at pinukpok sa kamay ni Onse. Labis ang sakit at lungkot ang nadarama ni Onse, magangmaga na
kanyang sampung daliri, wala na din siyang lakas para pigilan ang ginagawa sa kanya ng kanyang tiyahin.
Dahil sa iyak at matinding emosyon na nararamdaman ni Onse siya ay inatake sa kanyang puso. Hindi
nagtagal si Onse ay namatay na may ngiti sa kanyang labi sapagkat alam niya na sa ganung paraan siya
ay malaya na sa masamang pakikitungo sa kanya ng kanyang kamag-anak. Naging sekreto ang
pagkamatay ni Onse, inilibing ang bangkay nito sa likod ng tahanan ng mag asawa sapagkat natatakot
ang mag asawa na makulong sa kulungan. Makalipas ang ilang buwan nagkaroon ng milagro sa tiyahin at
tiyuhin ni Onse, sila ay nagkaanak. Ngunit ang kanilang anak ay may kakaiba sa mga daliri nito sapagkat
imbis na sampu ito ay may labing isang daliri. Ang sobrang daliri nito ay malaki na tila namamaga
kumpara sa ibang daliri. Nagulat ang mag asawa sapagkat unang beses lamang nangyari ito sa mundo, at
dahil sa naiiba ang kanilang anak, lumaki itong kinukutya ng ibang tao. Umuuwi ito na iyak na iyak dahil
sa mga masasamang sinasabi ng mga tao, awang awa ang mag asawa sa sinapit ng kanilang anak,
hanggang sa tinapos ng bata ang kanyang buhay. Nadatnan na lamang ng mag asawa ang nakabitay na
bangkay ng kanilang anak. Dito nila napagtanto na hindi lamang isang beses sila nawalan ng kapamilya,
dito nila naalala si Onse ang kanilang pamangkin na sila mismo ang bumawi sa buhay nito. Naisip nila na
ito ang karma sa ginawa nilang krimen.

You might also like