Kabanata V

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SA DOBLENG SAKIT, MAY DOBLENG SARAP

Si Aidan ay wala ng pamilya bukod sa dalawa niyang pamangkin na kambal na si Ethan at Evan. Siya na
ang tumayong magulang sa dalawang kambal ng mamatay ang ina nito na siyang kapatid ni Aidan. Isang
araw namomoblema si Aidan kung saan niya iiwan ang dalawang kambal sapagkat siya ay maghahanap
ng trabaho. Hindi niya maaaring iwan ang kambal sa kanilang bahay sapagkat ito ay limang taong gulang
pa lamang. Walang nagawa si Aidan kundi isama ang dalawang pamangkin sa paghahanap ng trabaho.
Makalipas ang tatlong oras si Aidan ay nakahanap na pwedeng applayan ng trabaho, ito ay isang
kompanya, malakas ang kanyang loob na mag apply dito sapagkat siya ay nakapagtapos ng kolehiyo.
Habang sila ay papasok sa nasabing kompanya may nabangga ang isa sa kambal na babae. Sa pustura ng
babae masasabing ito ay mayaman at may pinag-aralan. Humingi ng tawad si Aidan sa babae ngunit ang
babae ay naka pokus lamang sa dalawang bata na kasama ni Aidan. Hindi alam ni Aidan kung ano ang
nangyayari sa babae ito ay gulat na gulat, nawala lamang ang pagkagulat nito ng may dumating na
matandang babae at siya ay tinawag nito.

Victoria (matandang babae): Samantha anong nangyari sayo? Bakit parang gulat na gulat ka?

Samantha: Tingnan mo ma, kamukha ng dalawang batang ito si kuya.

Nagulat din si Victoria sa kanyang nakita kaya napayakap ito sa kambal. Nalaman ni Aidan na ang
dalawang babae ay isa sa may ari ng kompanya na kaniyang pag aaplayan. Tuwang tuwa ang dalawang
babae sa kambal gayundin ang kambal ditto, samantala nagtataka naman si Aidan kung bakit tila tuwang
tuwa ang dalawang babae sa kanyang pamangkin. Dahil sa nangyari na tanggap si Aidan bilang personal
assistant ng kuya ni Samantha na ang pangalan ay William na siyang kaedaran lamang ni Aidan.
Pagkakita ni Aidan sa kanyang amo na si William nagulat siya at bumalik ang dobleng sakit at galit na
naramdaman niya noon. Dahil sa kahirapan walang nagawa si Aidan kung hindi tanggapin ang trabaho
kahit paman malaki ang galit nito sa kanyang amo. Naisip ni Aidan na bakit tila hindi siya nito maalala at
bakit parang wala itong alam sa mga nangyari noon. Isang araw pumasok si Aidan sa trabaho kasama
ang kanyang dalawang pamangkin at nagulat siya sapagkat natagpuan niya sa office ang galit na galit na
mukha ng kanyang amo. Dito niya napag alaman na pina DNA test ni Samatha ang kambal at ang kuya
nito at lumabas sa test ay positive. Galit na galit si William kay Aidan at gusto nitong kunin sa kanya ang
dalawang bata. Dobleng takot at kaba ang naramdamn ni Aidan sa mga oras na iyon at dahil sa ayaw
niya mawala ang kanyang pamangkin napuno ito at pinagtaasan ang boses ng kanyang amo, wala na
itong pake kung mawalan siya ng trabaho. Dahil sa kanyang galit na naramdaman na ibunyag niya ang
sekreto na kanyang itinatago. Ang ama ng kambal ay walang iba kung hindi si William. Dahil sa tinuran ni
Aidan kay Willia sumakit ang ulo ni William at may naalala ito. Naalala ni William na may kasintahan ito
na ang ngalan ay Nadia, naalala niya din na niligawan niya lamang si Nadia sapagkat gusto ni William
mapalapit sa kapatid nito sapagkat ang tunay na gusto ni William ay ang kambal na kapatid na lalaki ni
Nadia. Nalaman ni Nadia ang tunay na instensiyon ni William sa kanya kaya nakagawa ng pagkakamali si
Nadia. Nilasing niya si William at pinainom ng pampatulog atsyaka siya nakipagtalik dito. Galit na galit si
William sa ginawa ni Nadia sapagkat sinamantala ng babae ang kahinaan ni William sa araw na iyon,
ngunit dahil sa pagmamahal ni Nadia sa lalaki kaya nagawa niya iyon, masakit man isipin na ginamit
lamang siya at ang kahinaan nito para sa kasiyahan ng lalaki. Iniwan ni William si Nadia hindi niya alam
na mabubuntis si Nadia sa kanilang ginawa. Nanganak si Nadia na may labis na lungkot na nagsanhi ng
pagkamatay nito pagkatapos maipanganak ang kambal na anak nito na si Ethan at Evan.

Gulat na gulat si Aidan sa kanyang nalaman, dito niya nalaman na isa pala siya kung bakit nawala
at labis na nalungkot ang kanyang kakambal na si Nadia. Nalaman niya na siya pala ang gusto ni William
at hindi ang kanyang kakambal na kapatid. Samantala si William ay nagkaroon ng amnesia pagkatapos
nitong iwan si Nadia dahil sa isang aksidente, ito ang dahilan kung bakit hindi niya maalala si Aidan, pero
dahil bumalik na ang kanyang ala-ala ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya magiging duwag
at gagawin ang lahat para makuha at mapaamo muli si Aidan at sila ay bubuo ng pamilya kasama ang
kambal na si Ethan at Evan. Gusto niya bumawi at palitan ang dobleng sakit na naramdam ni Aidan ng
dobleng sarap sa pamamagitan ng pagmamahal dito kahit na sila ay parehong lalaki.

BUOD NG KATA

May isang lalaki ang nangangalang Aidan, si Aidan ay wala ng pamilya bukod sa kanyang dalawang
pamangkin na kambal na sina Ethan at Evan. Ang kanyang pamangkin ay anak ng kanyang kakambal na
kapatid na babae na si Nadia at ang ama naman ng kambal niyang pamangkin ay si William. Lumaki sa
kanya ang dalawang anak ng kanyang kapatid sapagkat ang ama nito na si William ay hindi na nila nakita,
samantala ang ina naman nito na si Nadia ay namatay pagkatapos ipanganak si Ethan at Evan. Dumating
ang araw na nagtapo ang landas ni Aidan at William. Dito nila nalaman ang mga nangyari sa kanilang
buhay. Nalaman ni Aidan na siya ang gusto ni William at hindi ang kanyang kakambal na si Nadia.
Nalaman niya din na isa siya sa dahilan kung bakit namatay ang kanyang kapatid at kung bakit dobleng
sakit ang kanyang naranasan noon ngunit nariyan na si William upang palitan ang dobleng sakit na
naranasan ni Aidan ng dobleng saya sa pamamagitan ng pagmamahal dito kahit na sila ay parehong
lalaki.

You might also like