matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Visayas. Ang kabisera nito ay Tagbiliran at ang populasyon ay 1,394,329.
Ang Chocolate Hills ay mga burol na nagiging kulay
tsokolate kapag tag-araw. Ito ang dahilan kung bakit ito ang pinakatanyag na tanawin sa Bohol.
Ang Alona Beach ay isang beach na nasa pulo ng
Panglao. Ito ay tanyag dahil sa puting buhangin, coral reef at pwede ding mageskuba diving dito dahil sa ilalim ng dagat ay marami kang makikita na nakakaaliw.
Ang Loboc River Cruise at Floating Restaurant ay isang
floating restaurant na may buffet. Masaya ang mga turista dito dahil habang naglalayag dahil nakikita nila ang mga nadadaanang tanawin.
Ang Tarsier Conservation Area ay isang lugar ng
konserbasyon ng mga tarsier. Ang tarsier ay isang maliit na hayop na may malaking mata at dito lang sa Bohol ito makikita.
Ang Danao Adventure Park ay isang parke na may
maraming atraksyon kagaya ng Skyride, Giant Swing at The Zipline.
Ang Bohol ay may maraming magandang lugar na
mapupuntahan kaya maraming turista ang dumadalaw dito.