Professional Documents
Culture Documents
10 JLSahagun Lopez Lalaguna Marsh
10 JLSahagun Lopez Lalaguna Marsh
10 JLSahagun Lopez Lalaguna Marsh
Panuto: Basahin nang tahimik ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
JOHNNY L. SAHAGUN
Lopez National Comprehensive High School
Isa sa mga natural wonder ng Lopez ang Lalaguna Marsh. Isang inland
freshwater marsh na pansamantalang tahanan ng mga ibong gala. Matatagpuan ito sa
Brgy. Lalaguna. Tinatawag na Nabulak ng mga matatanda ang katubigan. Ayon sa
kuwento, nabuklat ang lupa kaya’t nabuo ito.
May lawak itong 300 hektarya tuwing tag-init. Umaabot naman sa 500 hektarya
sa tag-ulan. May lalim itong tatlong metro at humigit kumulang na walong kilometro ang
layo sa kabayanan.
Napaliligiran ito ng mga niyugan at palayan na kabuhayan ng mga mamayan.
Pangisdaan din ito kung saan nahuhuli ang Iba’t ibang isda. Pinagkukunan din ito ng
mga halamang tubig na materyales sa paggawa ng mga basket. Nagsisilbi ring
irigasyon ang tubig nito .
Dumarating ang mga ibon tuwing Disyembre hanggang Marso. Dito nangangain
at nagpapalipas ng taglamig. Pagkatapos ay babalik sila sa mga lugar na pinagmulan.
Dumarami ang mga turista na nakakasaksi sa kagandahang ng marsh. Ilan sa
mga gawain ay ang pamamangka at pagkuha ng mga larawan. Popular ang
pamamasyal sa kabuuan ng katubigan sakay ng isang floating cottage.
Isinusulong ng Lopez ang pangangalaga sa katubigan. Gagawin ito bilang isang
ecotourism kung saan magtatakda ng mga panuntunan sa paggamit ng mga kalupaan
sa marsh. Layunin ng hakbanging na mapanatili ang kagandahan ng lugar.
Baitang: 10
Bilang ng Salita: 215
Sanggunian: http://ww.arcbc.org.ph/wtlands/phillippines/phl_lalaguna_marsh.html
1
Department of Education Division of Quezon
Mga Tanong:
2. Ano ang layunin ng pamahalaang lokal na gawing ecotourism area ang Lalaguna
Marsh? (L)
A. para gawing itong pasayalan lamang
B. upang pasukin ng komersyo
C. mapangalagaan ang lugar
D. mapaunlad ang indusriya ng agrikultura.
2
Department of Education Division of Quezon
B. Walang masamang maidudulot sa kalikasan ang pagdagsa ng mga turista.
C. Mabubuksan sa komersyo ang lugar.
D. Mananatili ang kagandahan ng Lalaguna Marsh marami man o kaunti ang
tao.
3
Department of Education Division of Quezon
1. C
2. C
3. D
4. B
5. C
6. C
7. A
8. A
9. C
10. A