Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 34

“ Talaga, ‘Tay, ako na po

ang magluluto para sa atin?”


tanong ni Teo.
“ T-talaga, anak, “
mahinang sagot ni Tatay
Ador. Halos hindi siya
makapagsalita dahil sa kirot
ng kanyang paa.
“K-kasi hindi naman
ako pwedeng magluto at m-
mahiga nang sabay,” pilit
niyang pagpapatawa kay
Teo.
Natigilan si Teo – hindi niya
alam kung matutuwa siya o
malulungkot. Dapat siyang
matuwa dahil, sa wakas,
pinapayagan na siya ng tatay
niya na magluto – nang
mag-isa niya! Pero
nalulungkot siya dahil ngayon
lamang niya nakitang
nanghihina ang tatay niya.
Nakagisnan na kasi niyang
siya’y laging inaalagaan nito.
Baliktad ngayon. At parang turumpo
si Teo sa pag-aalaga sa kanyang tatay.
Inayos niya ang mga gamot nito sa maliit
na mesa sa tabi ng kama. Kumuha siya
ng pitsel ng tubig sa kusina.
Pinapaypayan niya ang tatay niya para
hindi mainitan.
Nang umaga ng araw na
iyon, si Tatay Ador ay tulad
lang ng dati – malakas at
malusog. Matapos paliguan ang
kanyang dyip at magpaalam
kay Teo pinaandar na niya ang
dyip papunta sa bukid. Ngunit
habang inaatras niya ito
palabas sa kalye, mabilis na
dumaan ang isang malaking
trak. Nabangga ng
humaharurot na trak ang dyip
ni Tatay Ador.
KRRASSS! Pero hindi man lamang
tumigil ang kaskaserong drayber – tuloy
– tuloy pa rin ito sa pagpapatakbo ng
trak niya.
Sinabi kay Teo ng mga kapitbahay
na sumasaklolo. “Huwag kang mag-
alala. Kaming bahala sa tatay mo! At
agad nilang dinala ito sa health center.
Ang lahat ay nakahinga
nang maluwag nang sabihin
ni Dr. Soriano, “ ligtas na sa
panganib si Mang Ador. Pero
Malaki ang sugat sa kanyang
kaliwang paa at nabugbog
ang iba pang bahagi ng
katawan niya.”
Mahigpit na bilin ng
doktor. “Kailangan niyang
magpahinga sa kama ng
ilang araw.”
Pagdating sa kanilang
bahay, inihiga ni Tatay
Ador ang masakit niyang
katawan. Pero alang-alang
kay Teo pilit niyang
ipinapakitang malakas pa
rin siya. Mas nasasaktan
kasi siyang nakikitang nag-
aalala si Teo para sa kanya.
“T-Teo, n-narinig mo ba
ako?” tanong niya rito. “ I-
ikaw na ngayon si Chef
Mateo!”
“Chef?! Ako?!” tanong ni Teo
na natuwa sa narinig. Inilapag niya
ang pamaypay at kumuha ng
puting papel, gunting at pandikit.
“A – anong ginagawa mo?”
tanong ni Tatay Ador.
“Isang malaking sombrero!
Dapat ang chef, may sombrero!”
Gusto ni Teo na magmukhang isang
tunay na chef. Ngayon, makikita
na niya ang laman ng maliit na
banga sa ibabaw ng pinakamataas
na estante sa kusina.
Naglalaman iyon ng
sikretong rekado. Tuwing
magluluto ang tatay niya,
dumudukot siya rito at
ibinubudbod sa niluluto niya.
“Tay, ano po ang laman ng
bangang iyan? Pwedeng makita?”
hiling niya sa tatay niya noong
maliit pa siya.
“Pagdating ng araw,” sagot
ni Tatay Ador, sabay kindat kay
Teo. “Sa nanay mo iyan. Ipinasa
niya sa akin noong bigla siyang
nagkasakit.”
Mag-iisang taon pa lamang noon si Teo.
“Noong mamatay ang nanay mo, hindi ko
inakalang makakahiligan ko ang pagluluto tulad
niya, “ laging sinasabi ni Tatay Ador. Mukhang pati
si Teo ay nakakahiligan na rin ang pagluluto pero
sabi ni tatay niya. “ Manood ka lang muna, anak,
at maghugas ng plato. Saka ka na magluto, kapag
malaki-laki ka na.”
Pero ngayon pa lamang, dahil sa aksidente,
pinayagan magluto si Teo. At, magagamit na niya
ang sikretong rekado!
Napakahalaga talaga ng sikretong
rekado! Matagal nang kumbisido si Teo
tungkol dito. Laging masarap ang luto ng
tatay niya, lalo na ang paborito ni Teo na
pinakbet at igado.
“T-Teo, hiwain…” umpisang turo ni
Tatay Ador pero mabigat na ang talukap
ng kanyang mga mata dahil sa mga
gamot na ininom. Nakatulog na siya bago
matapos ang sinasabi.
“Tay , huwag kayong mag-alala. Ako
nang bahala. Marunong na akong
magluto!Makikita nyo,” bulong ni Teo.
Dahan-dahan siyang lumabas at pumunta
sa kusina! Pinakbet? Kayang-kaya niyang
lutuin ito!Madalas niyang napapanood ang
tatay niya kapag nagluluto siya nito. At
napanood pa niya sa kanyang paboritong
programa sa TV na Cooking Hour.
Isinuot ni Teo ang sombrero
ng chef at ang apron ng tatay
niya.
“Puwede na! Mukha na akong
chef,” bulalas niya nang Makita
ang sarili sa salamin. Sumisipol
siyang tumuntong sa isang
batibot para abutin ang kaserola.
“Mateooo!” Parang boses
iyon ni Apong Cion, ang may-ari
ng atisan mga ilang kanto lang
mula sa bahay nila. “Mateooo!”
Si Apong Cion nga!
May dala-dala itong pombrera at isang
malaking atis.
Nang makita si Teo, napasigaw ito, “Anong
ginagawa ng malaking puting sombrerong ‘yan sa ulo
mo? At bakit nakasuot ka ng malaking apron?”
“Chef po ako, Apong Cion, chef ako!” sagot ni
Teo na lulundag-lundag.
“Shif?! Anong shif?! Tanong ng matanda na
kumukunot ang noo kaya’t nagmukhang ampalaya
ang kulubot nitong mukha. Ngayon lamang niya
narinig ang salitang ito, at hindi pa siya nakakakita
ng sombrero ng chef.
“Isang magaling na kusinero po ang chef, Apong
Cion!May sakit si Tatay kaya ako po ang tagaluto
ngayon.”
“Kalokohan!” sagot ni Apong Cion sa kanyang
magaspang na tinig na kinatatakutan ng lahat ng
bata maliban kay Teo. “Bakit? Akala mo ba, ikaw
lang ang marunong magluto? Heto , ipinagluto ko
kayo ng tatay mo. At alisin mo ‘yang suot mong
sombrero-’kay pangit!” kakak ng matandang
paengkang-engkang na umuwi.
“Salamat po, Apong … ani Teo na medyo
naguguluhan.
Hindi malaman ni Teo kung matutuwa siya o
malulungkot. Natutuwa siya na kahit kilala si Apong
Cion sa pagiging masungit at kuripot, naalala pa sila
nito ng tatay niya. Pero nalulungkot din siya dahil
maaantala na naman ang kanyang pagiging chef nang
isang araw.
Kinabukasan, pagkatapos na makakain ng putaheng
dala ni Apong Cion, mabuti-buti na ang pakiramdam ni
Tatay Ador, pero hindi pa rin siya makalakad.
“Ngayon, magiging chef ka na para sa susunod
nating kakainin!” sabi niya kay Teo. Agad namang
nagsuot ito ng kanyang sombrero ng chef at abot-
tainga ang ngiti.
“Teooo!’ Si Mang Popoy,
ang kaibigan niyang nakatira
sa dulo ng bayan ang
dumating. Ibinigay kay Teo
ang isang mangkok ng arroz
caldo.
Ay naku! Sabi ni Teo sa
sarili, iniisip kung kalian kaya
niya malalaman kung ano ang
sikretong rekado.
Kinabukasan at sa sumunod
na araw, may mga dumating
pang pagkain. Nagdala sina Titser
Ligaya at Titser Milagring ng
pansit na may halong carrots na
korteng bulaklak. Nagpadala
naman si Mayor Belisario sa
drayber niya ng inihaw na hito.
Nasorpresa si Teo dahil pati si Apo
Meyor ay nagpadala ng maputi at
malapot na sopas na nakalagay sa
puting kaserola.
Kailan pa kaya ako
magiging Chef Mateo? Tanong ni
Teo sa sarili habang ipinapasok
ang mga pagkain sa kuwarto ni
Tatay Ador.
“Aba, dapat kang matuwa,
anak, “sabi ng tatay niya, na
paika-ikang lumalakad sa palibot
ng kanyang kama. “Ang dami
nating natatanggap na mga
pagpapala. Napakabait ng mga
tao-dumalaw sila sa akin at
nagbigay ng napakaraming
pagkain!”
“Natutuwa naman po ako,
“Tay,” sagot ni Teo.
Ngunit nalulungkot din siya. “Pero… magaling na
po kayo ngayon kaya hindi na ako magiging chef.”
“Ah , kaya pala tahimik ka,” sabi ni Tatay Ador.
“Pangako, bukas, ikaw ang magluluto ng ating
pananghalian. Papanoorin lamang kita, “
pampalubag-loob ni Tatay Ador.
“Talaga po, Tay?” Kumikislap na ang mga mata
ni Teo.
“Oo, Teo, talaga.”
“Bilang chef, pwede ko po bang gamitin ang
rekado sa maliit na banga?”
Nangingiti si Tatay Ador na sumagot, “Aba, oo,
Teo. Sa palagay ko’y panahon na!”
Habang inuubos nila ang mga
natira sa mga bigay na pagkain
para sa kanilang almusal, tanong
ni Teo, “Pwede na po ba akong
magsimulang magluto pagkatapos
kong maghugas ng plato?”
“Aba, “natatawa si Tatay
Ador, “hindi ka na
makapaghintay, ano?”
Pagkaraan ng ilang oras,
suot-suot na ni Teo ang sombrero
ng chef at apron ng tatay niya.
Nakaupo naman sa malapit si
Tatay ador para turuan siya.
“Siguraduhin mong kumpleto ang
mga rekado, anak.”
“… kamatis, talong,
ampalaya, bagoong. At, ang
pinakamahalagang rekado sa
lahat…” bulalas ni Teo, at inabot
ang maliit na banga.
“Ang pinakamahalaga sa
lahat …” bulong ni Tatay Ador.
Kumakabog ang puso ni Teo
habang dahan-dahan niyang
inaangat ang takip ng banga.
“Ha?!” Napatalon siya sa
gulat.
Tiningnan niyang mabuti
ang loob ng banga. Walang
laman! “Isang kapirasong papel
lamang ang nandito!”
“Hindi ‘yan isang pirasong
papel lamang, Mateo, “ diin ng
Tatay niya.
Dinukot ni Teo ang papel sa
banga-may nakasulat pala
roon!Binasa niya ito nang
marahan, “Kung kayo’y kumakain
o umiinom, o anuman ang inyong
ginagawa, gawin ninyo sa
ikaluluwalhati ng Diyos. – Corinto
10:31, Bible verse?!”
Naglundagan ang mga kilay ni
Teo hanggang sa kanyang buhok.
“Oo, talata nga mula sa
Biblia,” sagot ng tatay niya.
“Isinulat ng nanay mo at
inilagay niya riyan sa banga.
Nais niyang laging maalala kung
bakit dapat gawin nang tama
ang kahit anong bagay.”
“Kahit na po ang
pagluluto?” tanong ni Teo na
nalilito.
“Lalo na ang pagluluto, “
diin ni Tatay Ador.
“Kasi mas maraming beses siyang
nagluluto kaysa ano pa mang gawain sa
bahay. Minsan isang araw lamang siya
naglalaba, naglalampaso ng sahig, at
nagwawalis ng bakuran.
Pero tatlong beses siyang
nagluluto sa isang araw. Kaya’t
umaga, tanghali at gabi, gusto
ng nanay mong makatiyak na
ginagawa niya nang tama ang
lahat-para sa ikaluluwalhati ng
Diyos.
“Hmmm, “ tumango si Teo
na nakikinig nang mabuti.
“Tuwing nagluluto ako, “ patuloy ng tatay niya,
“pinapaalala sa akin kung anong ibig sabihin ng
talatang yan – umaga, tanghali, gabi.”
“Oo nga po…” Nilalarawan ni Teo sa kanyang
isip ang kanyang nanay na nagsusulat sa kapirasong
papel, at tinitiklop ito at nilalagay sa isang maliit na
banga.
“Akala ko po sikretong rekado…”
“Ay anak, hindi!” sabad ni Tatay Ador.
“Pero bakit hindi po ninyo sinabi sa ‘kin?”
Naguguluhan pa rin si Teo.
Kasi, iniisip ko noon, napakabata
mo pa para maintindihan ito. Pero nang
maaksidente ako nitong nakaraang linggo,
nakita ko kung paano mo ako inalagaan.
Noon ko napag-isip-isip na….”
“Kung hindi ito sikreto, e di
pwede ko palang ibahagi sa iba!”
natutuwang sabi ni Teo. Nasa
isip niya sina Apong Cion, Titser
Ligaya, Titser Milagring, Manong
Popoy, Meyor Belisario, at baka
pati na rin si Apo Meyor – mga
matandang makakaunawa.
“Chef Mateo, naghihintay
na ang pinakbet mo, “paalala
ng tatay niya.
Habang kumukulo ang
kaserola, dumukot si Teo ng
wala mula sa maliit na banga
at ibinudbod ito sa kanyang
pinakaunang putahe.

You might also like