Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino II

I. Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na kay at kina


F2KP-IVb1.2

Pagpapahalaga ng Oras

II. Paksa at Kagamitan:


A. Paksa: Paggamit nang wasto sa pang-ukol na kay at kina
B. Sanggunian: Curriculum Guide, Ang Bagong Batang Pinoy Filipino II, Google
C. Kagamitan: Aklat, kamatis, kalabasa, kangkong, kabute,kanin, tsart, orasan,
D. Konsepto: Ang pang-ukol na kay ay ginagamit kapag ang isang kilos o bagay ay tungkol sa iisang
tiyak na tao lamang habang ang kina ay ginagamit kung ang bagay o kilos ay tungkol sa
dalawa o mahigit pang tiyak na tao.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Pagbabaybay
Ipabaybay sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga salita.
1. kamatis- Ang kamatis ay nagtataglay ng lycopene na panlaban sa paglaganap ng cancer
cells.
2. kalabasa- Ang pagkain ng kalabasa ay mainam upang luminaw at maiwasan ang
pagkasira ng mata.
3. kangkong- Ang pagkain sa dahon at mga tangkay ng kangkong ay mabisang gamot para
sa hirap sa pagdumi.
4. kabute- Ang kabute ay nagpapanatili ng malusog na mga selula ng pulang dugo na kung
saan ay nagpapalakas sa ating immune system.
5. kanin- Ang kanin ay nakakatulong ito upang mabigyan ang katawan ng bata ng enerhiya
at kalakasan

Estratehiya: Integrasyon sa Health, Explicit Teaching

b. Pagbabasa
Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salitang kanilang ibinaybay. Ipaulit ito ng dalawang
beses.

c. Balik-Aral
Itanong sa mga bata kung ano ang Pang-ukol.
Ang Pang-ukol ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan,
pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap.

d. Pagwawasto ng Takdang-Aralin
Etsek ang takdang-aralin ng mga bata. Ang mga mag-aaral ang mismong magtetsek sa
kanilang takdang-aralin.

Gamitin ang Pang-ukol na ni o nina.


1. Maganda ang bagong sapatos ___ Jelyn.
2. Masarap ang ulam ___ Rhealyn at Ivy.
3. Dinala ___ Jhenmark ang malaking basket.
4. Matulis ang lapis ___ Emerald.
5. Kulay asul ang damit ___ Ecan at Ella.

Estratehiya: Reflective Learning


B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
Ipapangkat sa dalawang grupo ang mga mag-aaral.
 Bawat grupo ay pipili ng isang miyembro na siyang maging
representante ng grupo.
 Ang unang grupo ay sasabihin ang salitang “kay” habang ang
pangalawang grupo naman ay ang salitang “kina”.
 Magpapatagalan ang bawat grupo, at ang mga miyembro naman
ng bawat grupo ang siyang magbibilang.
 Kung sino ang may pinakamatagal na oras, ang siyang mananalo.
Estratehiya: Oral, Numeracy Skills

b. Paglalahad
Magpapabasa ng isang tula sa mga mag-aaral. At pagkatapos ay tatanungin
ang mga bata kung ano ang kanilang napapansin sa kanilang binasa.

Paaralan

Ang paaralan ay nasa komunidad


Ito ay ayon kina Emerald at James Kerby,
Ito ay ang ating pangalawang tahanan
Ayon naman kay Ivy.

Dapat tayo’y pumasok araw-araw


Ayon kay titser
Para tayo’y magka-alam
At makapagbigay saya kina Mother at Father.

Estratehiya: Lecture Discussion, Inquiry Teaching

c. Gawain
C.1 Gawain 1 (Teacher to Pupil)
Gamit ang laptop, ang guro ay magpapakita ng mga pangungusap
at babasahin ito ng wasto ng mga bata at gagamitan ng mga pang-ukol na
kay o kina upang punan ang mga pangungusap.

Estratehiya: Literacy Skills, ICT Integration (hayaan na ang mga bata ang
magmamanipula sa laptop)

C.2 Gawain 2 Hanapin Mo Ako! (Pupil to Material)


Lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral, may mga bagay sa loob ng
sild-aralan na dinikitan ng mga pang-ukol na kay at kina. Hahanapin ito ng
mga bata at kapag nahanap na nila, gagawan nila ng pangungusap gamit
ang kay at kina.

Estratehiya: Laro
C.3 Gawain 3 (Pupil to Pupil)
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat at ipagawa ang
mga sumusunod.

Pangkat 1
Ang mga mag-aaral ay guguhit ng isang bagay sa manila
paper at susulat ng isang pangungusap batay dito gamit ang kay o
kina.

Pangkat 2
Ang mga mag-aaral babasahin ang mga pangungusap sa at
bibilugan ang wastong pang-ukol na kay o kina sa loob ng saklong.

Pangkat 3
Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang pangungusap gamit
ang kay at isang pangungusap naman na gamit ang kina. At kanila
itong babasahin o ibabalita sa harapan.

Estratehiya: Integrasyon sa Arts, Balitaan

d. Paglalahat
Kalian natin ginagamit ang pang-ukol na kay at kina?

Ang pang-ukol na kay ay ginagamit kapag ang isang kilos o bagay ay


tungkol sa iisang tiyak na tao lamang habang ang kina ay ginagamit kung ang bagay
o kilos ay tungkol sa dalawa o mahigit pang tiyak na tao.

e. Paglalapat
Magpapakita ang guro ng isang orasan sa mga bata. Bawat oras ay may
nakalagay na pang-ukol na kay o kina.
 Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na magmamanipula sa
mahaba at maikling kamay ng orasan.
 Pagkatapos mailagay sa oras ng mag-aaral, siya ay tatawag ng isang
kaklase upang ibigay ang tamang oras at kung ano ang pang-ukol
(kay o kina) na makikita rito ay kaniyang gagamitin sa isang
pangungusap.

Kina
Kay Kay
Kina
Kina
Kay Kay

Kina Kina
Kay Kay
Kina

Value Infusion:
Ano ang tama nating gawin upang mapahalagan ang oras?

Estratehiya: Numeracy Skills, Laro, Integrasyon sa ESP


IV. Ebalwasyon
Gamitin ang pang-ukol na kay o kina upang mabuo ang mga pangungusap.
1. _____ Airah Mae ang lapis na nasa mesa.
2. _____ Andrie at John Louie ang bagong biseklita.
3. Ang kulay berde na aklat ay _____ Bernadette.
4. Ang mga papel na nakasabit ay _____ James Kerby at Jelyn.
5. _____ Alexa at Kyla ang upuan na nasa dulo.

Remediation:
Ituro uli sa mga bata kung ano ang gamit ng kay at kina.

Reinforcement:
Sumulat ng dalawang pangungusap gamit ang kay at dalawang pangungusap gamit
ang kina.

Enrichment:
Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa mga nangyari noong Bagong Tawagin at
gamitin ang kay at kina.

V. Gawaing-Bahay
Sumulat ng limang pangungusap gamit ang kay at kina.

Inihanda ni:
RUFFA T. RUELA
Teacher-I

You might also like