Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

May programang ginanap sa PMNHS na “Zumba for a Cause’’ noong ika-27 ng

Pebrero,6:00 ng umaga para sa layuning internet connection sa mga mag-aaral.

Marami ang dumalo sa isinagawang programa,bukod sa mga mag-aaaral ay may mga


magulang ring nakisali at ang iba naman ay mga taga-labas na nakisabay lang.Ito’y
pinamumunuan ng isang Zumba instructor na si Zin Janrey Compacion at ang iba pa nitong
kasamahan mula sa Kapatagan.
Ang mga guro naman ay kahapon pang handa para sa isasagawang programa at
kinabukasan ay diritso agad sila sa paaralan.
Nang magsimula na ang sayawan ay agad silang bumili ng ticket at naghanap ng
kani-kanilang puwesto.Ang mga mag-aaral at mga dumalo ang sumabay sa sayawan at hindi
rin naman nagpahuli ang mga guro.
Ang ilang huling dumating naman ay nakihabol at agad na naghanap ng puwesto at
sumabay narin sa sayawan.
Ayon sa iilang mga nakapanayam namin ay unang pagkakataon nilang nakisali sa
ginawang programa ngunit kitang-kita naman na masaya sila lalo na’t nakita nila muli ang
kani-kanilang mga kaibigan at kapwa kamag-aral.
Ang mga naipong pera naman ay gagamitin para sa pagkakabit ng internet
connection para sa bawat barangay.
Ang mga internet connection ay itatayo sa mga lugar na mahina ang internet o di
kaya’y sa mga lugar na mahirap makahanap ng signal, nang sa ganoo’y hindi na mahirapan
ang mga mag-aaral kung sila ay mananaliksik.
Hindi lang ito tungkol sa pagkakabit ng internet connection,ang Zumba for a Cause
ay ginawa rin upang mapagtanto ng karamihan ang tungkol sa kahalagahan ng pag zuzumba
o pag eehersisyo sa araw-araw taliwala sa pandemyang kinakaharap ng bansa.
Isang programang isinagawa sa paaralan ng PMNHS na tinatawag na “Zumba for a
Cause”sa buwan ng Pebrero 27 ,taong 2021, ito’y isinagawa dahil sa layuning internet
connection para sa bawat barangay.Sa pagkamit ng layunin,hindi maikakaila na marami rin
naman ang makikinabang,lalo na sa mga mag-aaral na nagmomodyul o di kaya’y nag oonline
class ngayong taon.Bukod dito bihira nalang ang pagsasagawa ng ganitong programa upang
maisakatuparan ang isang layunin lalo na’t may pandemyang kinakaharap ang bansa,kaya ay
malaking opurtunidad ang isinagawang programa para sa karamihan upang maibsan rin ang
takot at pangamba ng iilan.Kaya naman marami ang nakilahok hindi lang mag-aaral pati
narin ang iba ay nakisabay.
Ayon sa ilang nakapanayam namin ay naaliw sila, kahit pa ito ang unang pagkakataon
na sumali sila at ang iba naman ay nagbigay ng mensahe para sa mga mag-aral na dapat
pagbutihin parin ang pag-aaral kahit walang face to face na klase.Naingganyo naman ang ilan
sa pagsasayaw.
Ang “Zumba for a Cause” ay hindi lang ito tungkol sa layuning pagpapakabit ng
internet connection,ito’y isang pamamaraan upang ang tao matutong kumilala sa kahalagahan
ng pagzuzumba o pag-eehersisyo sa pang araw-araw na pamumuhay.Dahil bukod sa pagkain
ng gulay at prutas mabisa rin itong paraan upang makaiwas sa sakit sa lumalaganap sa
paligid.
Naging matagumpay ang isinagawang programa dahil sa pamumuno ng Zumba
instructor na si Zin Janrey Conpacion at ang iba pa nitong kasamahan mula sa kapatagan,pati
na rin ang kooperedad ng mga dumalo at sa lahat ng gurong naghanda para sa
programa.Kitang-kita ang pakiki-isa ng bawat isa kaya nagbunga ito ng pagpupunyagi.
Umaasa ang karamihan na balang araw magagamit rin nila ang internet
connection.Gayonman, labis ang pagpapasalamat ng bawat isa,taliwala sa COVID 19
pandemya ay mayroon paring pagtutulongan at pagtitiwala upang matamong ganap ang isang
programa.
Sa March 3,2021,Ang mga taga Division Personnel ay pumunta sa paaraalan ng
PMNHS,upang maga-evaluate ng dukomento para sa Brigada Eskwela,meyerkules ng umaga.

Ang Pacida Mequiabas National High School ay nagparticipates sa Division World


Wide Search para sa Best Brigada Eskwela Implementor 2021.
Bago paman ito simulan,ang mga guro ng PMNHS ay nagprepara muna para sa
gagawing evaluation.
Sinasabing darating ang mga taga Division Personnel upang mag evaluate ng
dukomento at para sa school facilities.
Napakaimportante ng gagawin nila ngayong araw upang maisakatuparan isang
lauyunin.
Pinaghandaan na nila ito kahapon palang sa kagustuhang matamong ganap ang isang
evaluation at salubungin ang bisita na handa sila.
Kaya lahat ng guro ay busy sa lahat ng gawain at patuloy paring ginagawa ang
kanilang paghahanda para sa gagawin ngayong araw.
Ito’y gagawin ng mga guro dahil ito ang sa tingin nila’y makakabuti para sa lahat ng
mga mag-aaral.
Kasama ng pagtutulungan at kooperatiba,umaasa sila na magtatagumpay ang
gagawing evaluation.

You might also like