Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAARALAN BAITANG Four

DETALYADONG GURO ASIGNATURA FILIPINO


BANGHAY ARALIN PETSA/ ORAS December 7,2022 KWARTER TWO

Nailalarawan ang elemento ng kwento(tagpuan,tauhan,banghay at


I. LAYUNIN
pangyayari)

A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap
LM-FILIPINO 4
C. MGA KASANAYANG PAGKATATUTO/
Objectives. Write the Learning
Competencies Code for each
II.NILALAMAN Paglalarawan ng (Tagpuan,Tauhan,Banghay at Pangyayari)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. SANGGUNIAN

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral LM-FILIPINO 4

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal


Learning Resources

5. Iba pang Kagamitang Panturo

IV.GAWAING PAGKATUTO/PAMAMARAAN
Panuto:Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay mga
A. Balik-aral sa nakaraang aralin salitang kilos na naganap ,nagaganap at magaganap pa.
1. Araw-araw namimili si nanay sa palenke.
2. Namasyal sila sa Perez Park.
3. Niyakap ni nanay si tatay at binati ng Maligayang Kaarawan.
4. Magtutungo sila sa hospital para dalawin ang kanyang lola.
5. Pararangalan ang mga guro na nagpamalas ng angking
kahusayan sa kanilang pagtuturo.
Sa araling ito,inaasahang malilinang ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng
B. Paghahabi sa layunin ng aralin mahahalagang elemento ng kwento gaya ng tauhan,tagpuan ,banghay at
pangyayari.

Elemento ng kwento:
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Pamagat-ito ang titulo ng isang kwento.
aralin Tauhan-ito ang pangunahing tagaganap sa kwento
Tagpuan-ito ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa kwento.
Banghay-ito ang sunod-sunod na pangyayari sa isang kwento.
Limang Bahagi ng Banghay
A. Panimula-kung saan at paano nagsisimula ang kwento.
B. Saglit na kasiglahan-ito ay panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan
sa kwento.
C. Kasukdulan-dito nangyayari ang problema sa kwento.
D. Kakalasan-ito ay tumutukoysa parte kung saan unti-uting nang
naayos ang problema.
E. Wakas-ito ay tumutukoy kung paano o natapos ang kwento.
Piliin at bilugan ng nagkopna tagpuan sa bawat tauhan.
1. Guro-a.bukid b.paaralan c.siyudad
2. Mangingisda. A.bukid b.siyudad c.tabing dagat
3. Magsasaka- a.estasyon ng tren b.bukid c.opisina
4. Piloto- a.Paliparan ng eroplano b.kagubatan c parke
5. Tindera ng gulay -a. opisina b.Palengke c.simbahan

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Panuto:Bashin at Unawain ang kwento.Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
paglalahad ng bagong kasanayan #1
Si Langgam at Si Tipaklong
Maganda ang panahon.Mainit ang sikat ng araw.Maaga pa lamang ay
gising na na si Langgam.Nagluto siya at kumain.Ilang sandali pa,lumakad na
siya.Gaya ng dati,naghanap siya ng pagkain.Isang buti ng bigas ang nakita
niya.Pinasan niya ito atdinala sa kanyang bahay.Nakita siya ni Tipaklong.
“Magandang umaga kaibigang Langgam”,bati ni Tipaklong””.Kay bigat ng
iyong dal.Bakit ba wala kang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng
pagkain?”
“Oo nga,nag-iipon ako ng pagkain habang maganda pa ang panahon.,”
sagot ni Langgam.
Tumulad ka sa akin,kaibigang Langgam,”wika ni Tipaklong”.Habang
maganda ang panahon,tayo ay magsaya.Halika,tayo’y lumukso.Tayo’y
kumanta.
“Ikaw nalang kaibigang Tipaklong,”sagot ni Langgam.”Gaya ng sinabi ko
saiyo,habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain.Itoy
aking iipunin para ako’y may makain kapag sumama ang panahon.”
Lumipas pa ang maraming araw,dumating na ang tag-ulan.Ulan sa
umaga,ulan sa hapon at gabi umuulan parin.At dumating ang panahong
kumidlat,kumulog,at lumakas ang hangin kasabay ng pagbuhos ng malakas
na ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong.Naalaala
niyang puntahan ang kaibigang Langgam.Paglipas ng bagyo,pinilit ni
Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam.Bahagya na siyang
makalukso.Wala na ang dating sigla ng masayahing Tipaklong.
“tok,tok,tok”!
Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya.””Aba !ang aking
kaibigan,”wika ni Lnggam.”Tuloy ka Tipaklong”.
Binigyan ng tuyong damit si tipaklong.Mabilis na naghanda siya ng
pagkain.Ilang sandali pa ay magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang
magkaibigan.

1. Ano ang pamagat ng kwento?


2. Saan nangyari ang Kwento ni Langgam at ni TIpaklong?
3. Sino-sino ang mga tauhan sa kwentong ating binasa?
4. Isulat ang banghay ng kwento o mga pangyayari sa kwentong
binasa.
E. Paglinang sa Kabihasnan ( Tungo sa Sabihin kung anong elemento ng kwento ang sumusunod.
Formative Test) (tauhan,,tagpuan,banghay o pangyayari)
1. Si Ben at si Ron ay matalik na magkaibigan.Pareho silang nasa
ikaapat na baitang. Mahilig din sila sa paglalaro ng patentiro.
2. Abala si Nanay Lolita sa pagluluto ng almusal.Si Tatay Pol naman
ay nagtitimpla ng kape.Maaga ding nagising ang kanilang mga anakupang
maghanda ng kanilang pagpasok sa paaralan..
3. Noong unang panahon sa Bundok Arayat,makikita ang iba’t-ibang
uri ng mga bulaklak at hayop.
4. Isang sakuna ang nangyari sa pagdating ni Bagyong Paeng sa ating
Bansa.
5. Sina Ana at Mary ay parehong matalino at mabait na mag-
aaral.Mula elementarya ay lagi silang magkasama at magkaeskwela..

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Basahin ang mga detalye mula sa iba’t-ibang kwento.Isulat sa patlang kung
na buhay ang detalye sa kwento ay bahaging simula,kasukdulan,o katapusan.
A. Kwento ni Pagong at ni Matsing:
1. ________Noong unang panahon may magkaibigang Pagong at
Matsing.Si pagong ay mabait at maunawain,samantalang si matsing ay
tuso at madamot.
2. _______Naging sakim si Matsing,kinain niya lahat ng saging.Sa
galit ni pagong nilagyan ng tinik ang ilalim ng puno saging.Gumanti si
matsing itinapon sa ilog si Pagong.
3. _______Nagbago si Matsing nang maramdaman niya na masakit
pala ang maisahan ng kaibigan.
B. Kwento ni Cinderella:
4. ________Naging tunay na prinsesa si Cinderella dahil siya ay
pinakasalan ng kanyang minamahal na prinsipe.
5. Kahit pinagbawalan siya ng kanyang mandrata at mga kapatid.Siya
ay dumalo pa din sa sayawan upang makita ang prinsipe.Umuwi siya ng
hatinggabi at naiwan ang kanyan sapatos.

G. Paglalahat ng Aralin Tandaan Natin:


Tauhan -ito ang nagbibigay buhay sa kwento,makikilala sa panlabas na
kaanyuan-pisikal,pananamit,kilos na magpapahiwatg ng kanilang ugali at
dayalogo.
Tagpuan-tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng
kwento.Naglalarawan ito ng ginagalawan kapaligiran ng mga tauhan.
Banghay-to ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

H. Pagtataya ng Aralin Panuto:Isulat sa patlang kung ang may salungguhit na bahagi ng


pangungusap ay tagpuan,tauhan,banghay o pangyayari.
-------1.Naestranded ang tatay ni Angel sa Maynila dahil sa enhanced
community quarrantine..
____2.Naiwang naghihintay sa Angeles City sina Angel at nanay Elsa.
____3.Noong enhanced- Community Quarrantine,nagbigay ng relief goods
sina Mayor at Kapitan.
____4.Unti-unting nauubos ang ipon ni Nanay Elsa dahil sa hindi
makapagpadala ng pera si Tatay Robert.
____5.Makalipas ang ilang araw ,lumabas ang resulta ngswab-test ni tatay
Robert.
I. Karagdagang Gawain para sa takdang 1. Panuto:Magbasa ng isang maikling kwento at isulat sainyong
aralin at remediation kwaderno ang tauhan,tagpuan,banghay at pangyayari .
V. MGA TALA
VI. MGA PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng


iba pang gawain para sa remediation .

C. Nakatutulong ba ang remediation? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na nagpatuloy sa


remediation.
E. Alin sa istratehiya ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulopng ng aking punungguro
at superbisor?

G. Anong kagamitan ang aking nadibuho nan


ais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like