Miliminas Taong 0069

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Miliminas: Taong 0069

Ni: Nilo Par Pamonag

ANG MILIMINAS, isang pangkat ng kapuluan na matatagpuan sa kagitnnan ng


dagat Pasipiko bago pa man magkaroon ng isang malawakang pagbaha ng
tubig. Miliminas rin ang tawag sa mga taong naninirahan sa mga kapuluan nito.
Kawangis din ng mga ordinaryong tao ngayon ang mga itsura ng mga Miliminas.
Ang pagkahuli nila sa sibilisasyon ang nagdulot sa kanilang magkaroon ng
naiibang pag-uugali at pamamaraan ng salita at wika. Mik ang tawag sa
kanilang pera at kalimitang tinatawag ang taong mayroong isang milyong Mik o
humigit pa rito ay mikinaryo.

SA PAMAMARAAN NG PAGBIHIS ay mayroon din silang sinusunod na batas, isa sa


mga kinikilala nilang pormal na kasuotan ay para sa mga kababaihan ay
katumbas ng mga bathing suit natin ngayon at kamiseta o korto para sa mga
kalalakihan.

ANG MGA KAKAIBANG BATAS NG MGA MILIMINAS ay ang mga sumusunod: Sa


pamamaraan ng pagbibihis, hindi dapat mahaba ang kanilang mga damit. Sa
pagsakay sa isang pampublikong sasakyan ipinapatupad dito ang Equality
before the kilo na kung saan kung gaanong kabigat ang isang mamamayan ay
ganito rin ang kaniyang ibabayad. Sa pamamaneho, bawal ang hindi nag o-
over-speeding o ang hindi pagpapatakbo ng sasakyan ng matulin.

SA PAGBIBIGAY NAMAN NG SERBISYO SA MGA MAMAMAYAN, kalimitang


nahahati ito sa tatlong pangkat: ang mayayaman, ang mga may kaya sa buhay
at ang mahihirap. Sa pabibigay ng tubig ng Nawasdak may tatlong uri ng tubo,
ang nilalabasan ng malinis na tubig, ang may maruming tubig at ang walang
tubig. Habang sa kuryente naman na ibinibigay ng Palay Electric Company na
kung san nahahati rin ang serbisyo sa tatlong uri. Una, ang light service na
napapakinabangan lamang ng mga may pribilehiyo sa pamayanan, ikalawa,
ang brown-out service na kung saan nagagamit lamang ito kung hindi
kinakailangan at pangatlo ang black out service na may disenyo lamang ang
mga kagamitan sapagkat hindi ito nagagamit.

SAMAKATUWID, KARAMIHAN SA KANILANG MGA BATAS ay kabalintunaan ng


mga batas natin sa ngayon tulad ng pagbabawal sa paggamit ng mga genuine
o tunay na produkto, ang lisensyadong baril ay ipinagbabawal, ang
pagbebenta ng mga bazaar na iligal kaysa sa mga sidewalk na umuuukopa sa
mga kuwarto-kuwarto.
SA PULITIKA NAMAN NOONG SA PANAHONG IYON, uso rin ang tinatawag na
kickback na kung saan ang mga buwaya ng bansa ay sinisipa sa likod para sa
bawat suhol na kanilang matatanggap at pinararangalan ang sinumang
makapal na ang likod dahil sa mga sipang natanggap nito. Ang batasan nilang
kilala sa tawag na Circus of Miliminas na kung saan nahahati ang batas para sa
mga mayayaman at mahihirap. Ang mga malalaking transaksyon ng Miliminas
ay kalimitan ring ginagawa sa ilalim ng puno – ang shady transaction. Isa pa rito
ang matataas na mesa ng mga opisyal na kung saan ginagawa ang under the
table tansactions upang hindi mauntog ang mga dumaraan dito. At marami
pang iba.

RELIHIYOSO RIN NAMAN ANG MGA MILIMINAS, na kung saan ay may kinikilala
silang tatlong panginoon – ang pera nilang mik, ang buwaya at si Santasa na
maihahalintulad natin kay Satanas nagyon.

SA PAGKAKAROON NG ELEKSYON hindi natatakot ang sinuman na mamatay o


pumatay. Sa katunayan ang sinumang may mas maraming napatay ay ang
siyang nananalo rito. Tuwing ikalawang taon ginaganap ang eleksyon dito sa
Miliminas, kung gayon ay mabilis maubos ang populasyon nito. Dahil dito,
naimbento ng isang henyo ang isang tableta na iinumin ng mag-asawa upang
magkaroon sila ng anak at mailuwal ito sa loob lamang ng dalawampu’t apat
na oras, ito’y tinawag na instant baby.

ISANG KARANGALAN ANG GUMAWA NG KABUTIHAN SA MILIMINAS na kung saan


ang mabuti ay mas kilala natin bilang masama para sa ating pananaw. Tulad ito
ng mga kickback artist, mga mayayamang mapang-api sa mahihirap, mga
tiwaling opisyal, mga magnanakaw at marami pang iba. Na sa kabilang dako
ay ang sinumang gumagawa ng marangal at mabuti [ayon sa ating pananaw]
ay ang siya pang nahihiya at ipinagkukubli ang mga ito.

DUMATING RIN SA KANILA ANG PANAHON na kung saan ang mga kabataang
may malawak na pag-iisip ay tumawag ng isang pagpupulong upang iparating
ang mga pagbabagong nais silang isagaw. Subalit sila’y pinagtawanan at
kinutya. Ngunit ng lumaon, dumarami ang mga dumadalo rito kung kaya’t
ipinagbawal ng pamahalaan ng Miliminas ang pagpupulong at tinawag silang
mga dungis ng lipunan.Ngunit nakuha ng mga kabataan ang simpatiya ng mga
mahihirap kaya nagsiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong
kapuluan ng Miliminas.
ISANG PARUSA ANG NAGMULA SA KANILANG DIYOS NA SI SANTASA, isang
dakilang pagbaha at paglindol ang kanilang naranasan at ito’y nagdulot sa
pagputok ng isa sa mga malalaking bulkan sa kalaliman ng Miliminas na
nagdulot ng paglaho ng Miliminas sa sansinukuban.

You might also like