Sa Mga Layunin Sa Pagtuturo NG Panitikan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

ANG PAGTUTURO

NG PANITIKAN
UNIT II
ARALIN 1: IBA’T IBANG TEORYA UKOL
SA MGA LAYUNIN SA
PAGTUTURO NG PANITIKAN
LAYUNIN:

➢ Naipapaliwanag ang katuturan ng


pagtuturo ng Panitikan;
➢ Naiisa- isa ang iba’t ibang teorya ukol
sa mga layunin sa pagtuturo ng
panitikan;
➢ Natutukoy ang halaga ang pagtuturo
ng panitikan.
TEORYA

Pormulasyon ng
palilinawing mga simulain
ng mga tiyak na kaisipan
upang makalikha ng
malinaw at sistematikong
paraan ng paglalarawan o
pagpapaliwanag ukol dito.
TEORYANG PAMPANITIKAN

Isang sistema ng mga kaisipan


at kahalagahan ng pag-aaral
na naglalarawan sa tungkulin
ng panitikan, kabilang ang layunin ng
may- akda sa pagsulat at layunin ng
tekstong panitikan na ating binabasa.
1. BAYOGRAPIKAL
❖ Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng
may- akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may- akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat
ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.
❖ Ang teoryang ito ay patungkol sa may- akda ng mga akdang pampanitikan, siya
ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa
magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may
akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring
nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang mas mapaganda pa nito ang
paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda
sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais
niyang ihatid sa mga mambabasa.
MGA HALIMBAWA:

❑ ‘Si Boy Nicolas’ ni Pedro L. Ricarte

❑ ‘Utos ni Hari’ ni Jun Cruz Reyes


❑ ‘Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat ‘ ni Dr. Luis
Gatmaitan
❑ Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco Balagtas
❑ Mga Gunita ni Matute
❑ ‘Sa mga Kuko ng Liwanag’ ni Edgardo Reyes
2. HISTORIKAL
❖ Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais
din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang
ginamit sa mga akdang pampanitikan.
❖ Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang
naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong
nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa
ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating
pananampalataya
MGA HALIMBAWA:

❑ ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal


❑ ‘Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog’ ni Julian Cruz Balmaceda
❑ Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog’ ni Inigo Ed Regalado
3. KLASISMO

❖ Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa


pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag- iibigan, karaniwan ang
daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at
laging nagtatapos nang may kaayusan.
o Nakasentro sa mga dulang itinatanghal
o Komedya at Trahedya; bilang dalawang pinakatanyag na uri ng dula.
HALIMBAWA:

❑ ‘Florante at Laura’ ni Francisco Balagtas


4. HUMANISMO
❖ Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang- tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng
talino, talento atbp.
❖ Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo,
pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang
ma- ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa
pagpapasya. Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong
nakapag- aaral dahil kinikilala nila ang kultura.
❖ Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng
mga tao.
HALIMBAWA:

❑ ‘Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla


5. ROMANTISISMO
❖ Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag- aalay ng kanyang pag- ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita
rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang
ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Ang teoryang pampanitikang umusbong
sa Europa noong ikalawang hati ng ikalabing walong dantaon.
❖ Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng
romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig
sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na
kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal,
pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at
kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag- aangkin ng kapuri-puri at magagandang
katangian, inspirasyon at kagandahan.
❖ DALAWANG URI:

1. Romantisismong Tradisyunal- Nagpapahalaga sa halagang pantao.


2. Romantisismong Rebolusyonaryo – Pagkamakasariling karakter ng isang tauhan.
❖ ROMANTIKO – tawag sa pamamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon
ng Romantisismo
❖ MAKATANG ROMANTIKO
PANULAANG PILIPINO MAIKLING KWENTO AT NOBELA
1. Jose Corazon de Jesus 1. MACARIO
2. Lope K. Santos 2. JOSE ESPERANZA
3. Ildefonso Santiago 3. FAUSTINO GALAURAN
4. Florentino Collantes
5. Inigo Ed Regalado
6. Teodoro Gener
6. REALISMO
❖ Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.
Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat
maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang
nakapokus ito sa pakgsang sosyo- pulitikal kalayaan, at katarungan para sa
mga naapi. Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang katotohanan kaysa
kagandahan.
❖ Hangad ng realismo ang makatotohan ang paglalahad at paglalarawan ng
mga bagay, mga tao at lipunan, at alin pa mang pwedeng mapatunayan sa
pamamagitan ng pag- iisip ng tao. Higit na binibigyang -pansin ng realismo
ang paraan ng paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng isang akda. Kahit na
ang paksa ay buhay ng mababa o pangkaraniwang tao at hindi ng
mayayamang tao (gaya ng klasismo), tanggap pa rin ito sa panitikan. Ang
tunay na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng awtor.
MGA HALIMBAWA:
❑ ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal

❑ ‘Banaag at Sikat’ ni Lope K. Santos


❑ ‘Santanas sa Lupa’ ni Celso Carunungan
❑ ‘Laro sa Baga’ ni Edgar Reyes
❑ ‘Ito Pala ang Inyo’ ni Federico Sebastian (dula)
❑ ‘May Isang Sundalo’ at ‘Nana’ ni Rene Villanueva (dula)
7. IMAHISMO

❖ Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na


maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na
ibahagi ng may- adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit
lamang ng karaniwang salita.
❖ Sa halip napaglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong
ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Naipapahayag
ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay
anyo sa mga ideya.
MGA HALIMBAWA:

❑ Mga Tula, Tulang Panambitan ni Myrna Prad


8. PORMALISMO

❖ Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang


ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
❖ Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan
ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa walang labis at walang kulang.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t
pang- unawa.
MGA HALIMBAWA:

❑ ‘Suyuan sa Tubigan’ ni Macario Pineda


❑ ‘Banaag at Sikat’ ni Lope K. Santos
9. SIKO-ANALITIKO

❖ Nakatuon sa kalagayan ng isang tao. Maaaring sa pag-iisip o sa kanyang


pag- uugali. Pag-aaral sa kilos o gawi ng mga tauhan at pananalitang
ginagamit ng tauhan.
❖ Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan.
❖ Nasa hanap buhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay.
Nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang
kamalayan sa kahirapan.
HALIMBAWA

❑ ‘Isang Punong Kahoy’ ni Jose Corazon de Jesus


10. EKSISTENSYALISMO

❖ Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o


magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
❖ Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at
binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.
HALIMBAWA

❑ ‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro G. Abadilla

You might also like