Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pangangalaga sa Kapaligiran,
Responsibilidad Ko
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pangangalaga sa Kapaligiran, Responsibilidad Ko

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Gina W. David
Co-Awtor - Content Editor : Niza Jane D. Pamintuan
Co-Awtor - Language Reviewer : Marlon D. Paguio
Co-Awtor - Illustrator : Renalyn L. Muli
Co-Awtor - Layout Artist : Hazeline M. Pestelos/Mary Grace L. Beltran

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Alma Q. Flores
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/Values : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pangangalaga sa Kapaligiran,
Responsibilidad Ko
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat at idinisenyo upang tulungan kang maisagawa at


maipakita ang tunay na kahulugan ng pagiging responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran at mapatunayan na hindi makukuha sa kasakiman ang
pangangailangan.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutunan mo ang:

1. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng


tagapangalaga ng kapaligiran
1.1 pagiging mapanagutan
1.2 pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran
(EsP5PPP-IIId-27)
2. Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan
2.1 pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran
(EsP5PPP-IIIf-28)

1
Subukin

Pag-aralan ang nasa larawan. Tukuyin ang bilang ng mga larawan na nagpapakita
ng pangangalaga sa kalikasan o kapaligiran. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Sagutin natin:
1. Ano-ano ang mga larawang nagpapakita ng pagkamaka-kalikasan?
2. Ano-ano ang mga larawang nagpapakita ng hindi pagkamaka-kalikasan?
3. Ano-ano ang mga responsibilidad o pananagutan na ating ginagampanan
upang mapangangalagaan ang ating kapaligiran?

2
Aralin Pangangalaga sa
1 Kapaligiran,
Responsibilidad Ko
Lahat tayo ay may tungkulin at reponsibilidad na nakaatang sa ating mga balikat
na kailangan nating gawin at isakatuparan. Bilang isang mag-aaral, dapat alamin
ang mga paraan sa wastong pangangalaga ng kapaligiran. Kailangan na maging
isang responsableng mamamayan tungo sa isang magandang kinabukasan.

Kung hangad natin ang maaliwalas na paligid, sariwang hangin, at malinis na bukal
ng tubig, lagi nating pakatandaan na ito ay nakasalalay lahat sa ating mga kamay.
Pangalagaan, ingatan at gamitin ito nang wasto.

Balikan

Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at
ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Huwag isagawa ang drop, cover and hold kapag lumilindol.
_____ 2. Magtanim ng mga puno at halaman upang maiwasan ang pagkakaroon ng
matinding baha.
_____ 3. Kung aalis ng inyong tahanan siguraduhing nakatanggal o unplugged ang
mga saksakan ng de-koryenteng kagamitan o appliances.
_____ 4. Siguraduhing nakahanda ang mga survival kit.
_____ 5. Ipagwalang bahala ang mga babalang narinig tungkol sa paparating na
bagyo.
______6. Matakot at kabahan tuwing may sakuna.
______7. Manatili sa loob ng bahay, manood ng telebisyon o makinig sa radyo
upang malaman ang balita tungkol sa bagyo.
______8. Laging maging handa at alerto sa lahat ng oras.
______9. Maglaro at magtampisaw sa baha.
_____10. Alamin ang mga evacuation centers sa inyong lugar o barangay.

3
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang matukoy ang
mga halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at
mapatutunayan na di makukuha sa kasakiman ang pangangailangan.

Tuklasin

Mahilig ka bang magbasa ng kuwento tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran?


Kung gayon, iyong basahin at unawain ang maikling kuwento na pinamagatang-
Ang Aming Field Trip.

Ang Aming Field Trip


Isinulat ni: Gina W. David

Nagkaroon ng lakbay-aral o field trip ang mga bata sa ikalimang baitang, na


pinamumunuan ni Gng. Susi. Sa kanilang destinasyon makikita ang iba’t ibang
makasaysayang lugar at magagandang tanawin sa Bataan. Isa na rito ang “Dambana
ng Kagitingan” na matatagpuan sa bayan ng Pilar, Bataan. Hindi maipinta ang
kasiyahan sa mukha ng bawat mag-aaral sapagkat ito ay nagdudulot sa kanila ng
kaalaman at kasiyahan sa tuwing mamamasdan nila ang kagandahan ng
kapaligiran.

Sa kanilang pamamasyal ay natanaw ni Petra ang grupo ng mga batang nagtatapon


ng basurang pinaglagyan ng kanilang pinagkainan. Dali-dali niyang pinuntahan ang
kaniyang guro upang ipabatid ang kaniyang nakita. Kasama si Gng. Susi,
pinuntahan nila ang grupo ng mga batang nagkakalat at sinabihan ang mga ito na
itapon sa tamang lalagyan ng basura ang kanilang mga kalat upang mapanatili ang
kalinisan ng kapaligiran.

Sa pagkagulat ng mga bata, sila ay nataranta sabay dampot sa mga basurang


kanilang itinapon. Nangako sila na hindi na muling uulit sa maling gawain.
Pagdating sa tuktok ng Bundok Samat bumungad sa kanila ang malawak na
tanawin, at malaking krus sa gitna ng bundok.

4
Habang patuloy sa pamamasyal ang mga mag-aaral iba’t ibang magagandang
tanawin pa ang kanilang napagmasdan. Makukulay na bulaklak, sariwang hangin,
at malinis na kapaligiran. Pagkatapos ng field trip, baon nila ang pangakong patuloy
na pangangalagaan ang kapaligiran sa abot ng kanilang makakaya at magiging
vigilant sa mga iligal na gawain makasisira rito.

Naibigan mo ba ang kuwento? Sagutin ang mga sumusunod na katanungan base


sa iyong binasang kuwento. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang binasa mong kuwento?


2. Sino-sino ang mga kasama sa lakbay-aral o field trip?
3. Ano ang natanaw ni Petra? Ano ang aksyon na ginawa niya?
4. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Petra, ano ang iyong gagawin?
5. Bilang mag-aaral paano mo maipapakita ang pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran.

Suriin

Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga. Ito ay dapat bigyan ng pansin at


hindi pinababayaan. Kapag hinayaan natin na masira ito, magdudulot ito ng
masamang epekto tulad ng pagkakaroon ng matinding pagbaha, polusyon, pagguho
ng lupa, at marami pang iba na makasasama sa kalikasan. Upang maiwasan ang
mga sakunang dulot nito. Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na dapat
gampanan ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan; ilagay ito sa tamang


lalagyan.

2. Magtanim ng mga puno at halaman na makatutulong upang maging sariwa at


malinis ang hangin.

3. Panatilihing malinis ang mga daluyan ng tubig.

4. Pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran.

5. Pagiging mapanuri sa mga iligal na gawain na nakasisira sa kapaligiran.

Ang kalikasan ang tunay nating tahanan kung kaya dapat lamang natin
itoningatan at pangalagaan.

Pagyamanin

5
Gawain 1

Iguhit ang masayang mukha  kung ang pangungusap ay nagsasaad ng

pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at malungkot na mukha 


naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Ang malinis na kapaligiran ay nagsisilbing kayamanan ng isang


pamayanan.

_____2. Pagsasaayos o pagkukumpuni ng mga bagay na maaari pang ayusin sa


halip na ito ay itapon.
_____3. Pagtatapon ng mga basura sa mga ilog at dagat.

_____4. Pagsunod sa mga programa ng pamahalaan na may kinalaman sa


pangangalaga ng kapaligiran.

_____5. Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok.

Gawain 2
Masdan mo ang larawan. Ano ang iyong reaksyon ukol dito? Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

Makatwiran ba ang ginagawa ng tao sa larawan? Kung ikaw ang nasa kanilang
sitwasyon gagawin mo rin ba ang ginagawa nila para lamang kumita ng pera?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

6
Isaisip

Magbigay ng halimbawa ng mga gawaing nagpapakita ng responsableng


pangangalaga ng kapaligiran. Isulat ito sa mga bunga ng puno.

Gawaing
nagpapakita
ng pagiging
responsable
sa
pangangalaga
ng
kapaligiran

Isagawa

Gumuhit ng isang larawan o poster na nagpapahayag ng pagiging responsableng


tagapangalaga ng kapaligiran. Gawin ito sa isang typewriting.

7
Tayahin

Sumulat ng isang pangungusap mula sa larawan kung ano ang dapat gawin upang
maging responsableng tagapangalaga ng kapalligiran. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

6.

1.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

6. 10.

8
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang tula na may dalawang saknong at apat na taludtod tungkol sa


pagiging responsableng mamamayan na nangangalaga sa kalikasan. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Rubrik sa Pagsulat ng Tula

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto ang May iilang salitang Walang
mga salitang ginagamit na hindi kauganayan at
ginagamit sa angkop at wasto hindi wasto ang
pagbubuo mga salitang
ginagamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng tula mabisa ang nilalaman ng tula.
mensahe ng tula

9
10
Karagdagang Tayahin Isa isip
Gawain Depende sa Depende sa
sagot ng bata sagot ng bata
Depende sa
sagot ng bata
Subukin Pagyamanin Tayahin
Depende sa 1.  Depende sa
sagot ng bata 2.  sagot ng bata
3. 
4. 
5. 
6. 
7. 
8. 
9. 
10.
Gawain 2 at 3
Depende sa
sagot ng bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

"Rubrics Sa Pagsulat Ng Tula - Google Search". Google.Com. Accessed 6 January


2021.
https://www.google.com/search?q=rubrics+sa+pagsulat+ng+tula&source
=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjLobe624vuAhUv-
2EKHVmhDGYQ_AUoAXoECBcQAw&biw=1366&bih=695#imgrc=k3hDdl0
7HdyR6M.

DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies. ESP 5, p. 104

DepEd (2016). Curriculum Guide. Edukasyon sa Pagpapakatao 5, p. 75

Zenaida R. Ylarde And Gloria A. Peralta, EdD, Ugaling Pilipino Sa Makabagong


Panahaon (repr., Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc., 2016), pp.
136-137.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like