Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO NOTES:

Tugmang de gulong- Bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang pagsakay


sa mga pampasaherong sasakyan. Ilan sa mga karaniwang sinasakyan natin ay ang dyip na
tinaguriang hari ng kalsada, bus, traysikel, at maging pedicab. Ngunit maliban sa paghahatid
sa atin sa destinasyon, ang mga pampublikong sasakyan ay naglululan din ng ilang
mahalagang tugma na bahagi ng ating mayamang panitikan—ang mga tugmang de gulong.
Tinatawag na tugmang de gulong ang mga paalalang makikita sa mga pampublikong
sasakyan gaya ng dyip, traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang
nakatutuwa, nanunudyo,o di kaya naman ay mayroon talagang makabuluhang mensaheng
nais iparating sa mga pasahero. Karaniwan ding inihahango ang mga tugmang ito sa mga
kasabihan o salawikaing Pilipino.
Tinatawag na tugmang de gulong ang mga paalalang makikita sa mga pampublikong sasakyan gaya
ng dyip, traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang nakatutuwa, nanunudyo,o di
kaya naman ay mayroon talagang makabuluhang mensaheng nais iparating sa mga pasahero.
Karaniwan ding inihahango ang mga tugmang ito sa mga kasabihan o salawikaing Pilipino.

Tulang Panudyo- Ang tulang panudyo ay isang uri ng kaalamang bayan na ang kayarian ay mga
sukat (measure) at tugma (rima). Layunin nitong uyamin o manudyo. + Panunudyo o PANUNUYA ay
ginagawa o isinasalita ng isang tao sa kanyang kapwa na hindi maganda. Maaaring ang
tinutuyang tao ay makakaranas ng subrang sakit sa kanyang narinig.

Hal: Bata Batuta, isang perang muta! , Ako’y tutula mahabang-mahaba, ako’y uupo tapos na
po.

Palaisipan- Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok


ang katalinuhan ng lumulutas nito.
Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-
sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.
> Kadalasang nililikha ang mga palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin
namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin — sa mga ganitong
kaso, ang kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagang ambag sa pagsaliksik sa
matemat.
BUGTONG- Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may
doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding
palaisipan ang bugtong). Ang mga bugtong sa Panitikan ng mga pilipino ay pahulaan ng
isang sagot sa pamamagitan ng paghahambing ng bagay o ideya sa isang pangungusap o
parirala. Nakatago ang kahulugan ng pinahuhulaang bugtong ngunit ito ay masasagot sa
pamamagitan ng mga bagay na nakalaad mismo sa bugtong. Isa itong palaisipan na
susubukan ang iyong galing sa pagdiskubre ng pag kaka ugnay ugnay ng mga salita na
nilalamang ng isang bugtong. HAL: Tumingin ka sa akin, ang makikita mo’y ikaw din. Sagot:
Salamin
Ang bugtong ay mayroon din sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng 2 hanggang 4 na
taludtod.
Ang unang (dalawang) linya ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa kapaligiran
Ang huling (dalawang) linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging katangian sa bagay
na binanggit sa naunang linya.
Reflection for bugtong: Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing
naglalaro ang mga bata. Isang karunungang-bayan sa naglalayong palaguhin ang kakayahang
pangkaisipan ng mga Pilipino. Gumagamit ito ng mga linyang may tugma. Ito ay matatawag
na tunay na tula.
Kasaysayan: Ito ay nagsimula pa bago dumating ang mga kastila kung ang pag-uusapan ay
ang kasaysayan ng Pilipinas. Dahil dito nakassanayan na itong gawin ng mga taong
pagkakatipon sa patay o sa gabi. Hanggang sa kasalukuyan mayroon pa ring mga tao na
nagsasagawa nito. Iyon nga lamang hindi na kasindami ng mga tao noon.
Sa totoo lamang, nagsimula ang Bugtong sa panahon ating mga ninuno noong sila ay bumuo
ng mga karunungang bayan. Nagbigay sila ng mga nakakalitong tanong na parang patula, at
hindi nila direktang ibinibigay ang pinahuhulaan
Bulong- Ang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng
Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang kahulugan sa wikang Tagalog ng
Maynila, subalit nanatili pa rin ang tunay na pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan sa
Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan. Isang panalangin ang bulong binuhay dahil sa
pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga
pangyayari sa kapalaran.
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng
Pilipinas. Mga Halimbawa ng Bulong 1. Tabi, tabi po, ingkong. 2. Makikiraan po. 3. Mano po.
Akdang Pampanitikan
KATANGIAN NG AKDANG PAMPANITIKAN
Matagal nang parte ng panitikang Pilipino ang mito, alamat, at kuwentongbayan na sumasalamin sa
hitik na kulturang Pilipino. Bahagi ang mga anyo ng panitikang ito ng salindila o lipat-dila na ang ibig
sabihin ay naipasa ang mga kuwentong ito sa pamamagitan lamang ng pasalita. Lumaganap ang mga
ito bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansa. Magkaugnay sa isa’t-isa ang mito, alamat,
at kuwentongbayan na halos pareho lamang ang paksa na tumatalakay sa mga pamahiin, kultura,
relihiyon, kalikasan, at paniniwala ng ating mga ninuno.

Isa sa mga layunin kung bakit nalikha ang mga akdang pampanitikang ito ay para makapagbigay ng
gintong aral na magiging gabay para sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

1. Banghay- kung saan dito makikita ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
sa akda na binubuo ng mga sumusunod:
a. Panimulang Pangyayari– pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliranin.
b. Papataas na Pangyayari – pagtatangkang lutasin ang suliraning magpapasidhi sa interes
o kapanabikan.
c. Kasukdulan– pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang
kanyang suliranin.
d. Pababang Pangyayari– nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing tauhan ang
layunin.
e. Resolusyon– sa bahaging ito ay nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang
wakas.
2. Tagpuan- ito ang pook o lugar, at panahon kung saan nangyayari ang kabuoan ng akda.
Dito masasalamin ang kaangkupan ng paksa, banghay, at mga tauhang nagsiganap sa akda.
Dito nabibigyang linaw ang mga kilos ng mga tauhan pati na rin ang kanilang hanapbuhay,
paraan ng pag-iisip, at takbo ng mga pangyayari.
3. Tauhan- nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang
pagiging epektibo ng isang akda.
a. Pangunahing Tauhan – pinakamahalagang tauhan sa akda na sa kanya umiikot ang
kuwento mula simulahanggang wakas.
b. Katunggaling Tauhan – kumakalaban o sumasalungat sa pangunahing tauhan. Sa
kanilang tunggalian nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.
c. Pantulong na Tauhan – karaniwang kasama sa pangunahing tauhan at maging
kapalagayang loob o sumusuporta.
d. May-akda – ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng
katha. Sa likod ng bawat kilos at tinig ng pangunahing tauhan ay lagging nakasubaybay
ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

You might also like