Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

LIPA CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

B. Morada Street, Lipa City, Batangas

SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN


IKATLONG MARKAHAN
WEEK 5 AND 6
Pangalan:___________________________________________ Iskor: _____________________
Baitang & Seksyon: __________________________________ Petsa: _____________________

A. PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

___________1. Ito ay pangakalahatang pagtaas ng mga presyo sa loob ng isang ekonomiya sa isang takdang
panahon.
A. Pambansang Kita B. Implasyon C. Patakarang Piskal D. Patakarang Pananalapi
___________2. Tumutukoy sa implasyong nagaganap dahil sa walang tigil na pagtaas ng demand ng mga
bilihin sa pamilihan.
A. Cost-pull Inflation C. Demand-pull Inflation
B. Cost-push Inflation D. Demand-push Infaltion
___________3. Ito ang eksklusibong pag-aari o kontrol sa suplay o kalakalan ng produkto o serbisyo.
A. Kartel B. Oligopolyo C. Monopolyo D. Pamilihan
___________4. Ito ay tumutukoy sa implasyon kung saan tumataas ang presyo ng bilihin dahil sa pagtaas ng
ilang gastos sa produksiyon.
A. Cost-pull Inflation C. Demand-pull Inflation
B. Cost-push Inflation D. Demand-push Infaltion
___________5. Sino ang maaaring makinabang kapag tumataas ang antas ng implasyon?
A. nag-iimpok B. umuutang C. konsyumer D. prodyuser
___________6. Nais mong makita kung bumaba ba o tumaas ang purchasing power ngayong taon (2022). Alin
sa mga sumusunod ang maaari mong gamitin?
A. CPI ng Batayang Taon / CPI ng Kasalukuyang Taon
B. CPI ng Kasalukuyang Taon / CPI ng Batayang Taon
C. CPI ng Batayang Taon + CPI Kasalukuyang Taon
D. CPI ng Kasalukuyang Taon + CPI ng Batayang Taon
___________7. Gamit ang formula sa pagkuha ng Antas ng Implasyon tukuyin kung ilan ang itinaas o ibinaba
ng implasyon sa taong 2021. Ang batayang Taon ay 2020. (Total Weighted Price (2020): 1,300 at
Total Weighted Price (2021): 1,500)
A. 51.38 B. 38.51 C. 15.38 D. 38.15
___________8. Ano ang bunga ng pagtaas ng suplay ng salapi?
A. Tataas ang suplay ng mga produkto kaya bababa ang presyo ng bilihin
B. Tataas ang demand o ang paggasta kung kaya tataas ang presyo ng bilihin
C. Bababa ang suplay ng produkto kaya tataas ang presyo
D. Bababa ang demand king saan bababa din ang presyo
___________9. ”Malaking bahagi ng badyet ng banda ang napupunta sa pambayad-utang” Ito ba ay Bunga
o Dahilan ng Implasyon?
A. Bunga ng Implasyon C. Dahilan ng Implasyon
B. Dahilan at Bunga ng Implasyon D. Wala sa nabanggit
___________10. ”Paghingi ng karagdagang sahod ng mga manggagawa” Bunga o Dahilan ng Implasyon?
A. Bunga ng Implasyon C. Dahilan ng Implasyon
B. Dahilan at Bunga ng Implasyon D. Wala sa nabanggit
___________11. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang unang ginawa ng ibang pamahalaan upang
maiwasan ang paglobo ng implasyon?
A. Pagpaparami ng trabaho C. Pagpaparami ng Turista
B. Pagpaparami ng salapi D. Pagpaparami ng populasyon
___________12. Bakit isang suliranin ang implasyon?
A. Dahil naaapektuhan nito ang consumer at prodyuser
B. Dahil naaapektuhan nito ang pamumuhay ng lahat
C. Dahil ito ay parte ng ating buhay
D. Dahil walang ginagawa ang ating pamahalaan
___________13. Kung ang CPI noong 2019 ay 100% bilang ito ang base year, sa sumunod na taon (2020) ang
CPI ay 131.25%. Ano ang maaaring maging epekto nito sa presyo ng bilihin?
A. Bababa sa 13.25% ang presyo ng bilihin C. Tataas ng 13.25% ang presyo ng bilihin
B. Walang mangyayari sa presyo ng bilihin D. Tumaas ng 31.25% ang bilihin
___________14. Sino ang hindi makikinabang kung tumaas ang antas ng implasyon?
A. Consumer B. gobyerno C. nagpapautang D. retailer ng mga produkto
___________15. Ano ang CPI o consumer price index?
A. Kabuuang kita ng isang consumer C. Kabuuang gastos ng isang consumer
B. Kabuuang kita at serbisyo ng isang consumer Kabuuang kita at gastos ng isang consumer
___________16. Tumutukoy sa pamamahala ng ekonomiya upang mapagtibay ang pambansang ekonomiya
sa pamamagitan ng pagbabadyet, pagbubuwis, at paggastos.
A. Patakarang Piskal C. Patakarang Pinansyal
B. Patakarang sa Pananalapi D. Patakarang Pang Ekonomiya
___________17. Sa expansionary fiscal policy, ano ang isinasagawa ng pamahalaan?
A. Mapasigla ang matamlay na ekonomiya C. Pagtaas ng pangkalahatang presyo.
B. Magkakaroon ng implasyon D. Magdudulot ng overhead economy.
___________18. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinaglalaanan ng pamahalaan ng pondo?
A. Pagbabayad ng buwis C. Pagbabayad ng utang
B. Pondo para sa Edukasyon, pangkalusugan atpb D. Pondo para sa pagpunta sa ibang bansa
____________19. May iba't ibang uri ng buwis, isa na rito ang tuwirang buwis, ano ang layunin nito?
A. Upang mabawasan ang kalabisan ng isang Negosyo C. Para sa kalakal at paglilingkod
B. Makalikom para magamit sa opasyon ng pamahalaan. D. Para sa indibidwal o bahay kalakal
____________20. Bakit mahalaga ang paghahanda ng pambansang badyet sa isang taon?
A. Para matukoy kung magkano ang babayarang utang ng bansa.
B. Maipakita kung gaano kahusay sa pamumuno ang ating Pangulo
C. Upang makita ang ilalaang pondo ng pamahalaansa bawat sektor ng ekonomiya
D. Maunawaan ang mga gawain ng mga namumuno sa pagpapatakbo ng ating bansa.
___________21. Paggasta ng pamahalaan sa mga produkto at serbisyo tulad ng paggasta sa serbisyong
medical, edukasyon, at pasahod sa mga kawani ng pamahalaan.
A. Capital Spending C. Government final consumption expenditure
B. Transfer payment D. Fiscal Policy
___________22. Ito ay paggasta ng pamahalaan sa mga impraestruktura tulad ng mga kalsada, paaralan at
pagamutan.
A. Capital Spending B. Transfer Payment C. Income Tax D. Fiscal Policy
___________23. Patakarang ipinapatupad kung mahina ang ekomomiya dahil mababa ang kabuoang
demand at marami ang walang trabaho.
A. Personal Consumption C. Expansionary Fiscal Policy
B. Contractionary Fiscal Policy D. Capital Spending
___________24. Patakarang ipinapatupad kung mataas na kabuoang demand ay maaaring humila pataas sa
pangkalahatang presyo.
A. Personal Consumption C. Expansionary Fiscal Policy
B. Contractionary Fiscal Policy D. Capital Spending
___________25. Ipinatutupad ng pamahalaan ang contractionary fiscal policy upang maiwasan ang
pagkakaroon ng ______________.
A. Implasyon B. Deplasyon C. Depresasyon D. Debalwasyon

You might also like