Filipino 10 Q4 Week 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

1

Aralin Filipino 10-Q4-W2


Ang Timeline at Pagtatala ng Impormasyon ukol sa
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Mga Inaasahan

Matapos matutuhan sa unang aralin ang kaligirang pangkaysaysayan ng El


Filibusterismo, sa aralin na ito matututuhan mo naman ang iba pang kaugnay na
kaalaman sa kasaysayan ng nobela at ang pagbuo ng buod at timeline. May mga
gawaing inilain na susubok at magiging gabay sa paghasa pa ng iyong kakayahan.

Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El


Filibusterismo); (F10PS-IVa-b-85)

2. Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo


batay sa ginawang timeline; (F10PU-IVa-b-85)
3. Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang
sanggunian;
4. Nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik .
(F10EP-IIf-33)

Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang papel.

Handa ka na ba? Bago natin simulan ay nais kong subukin ang iyong kaalaman
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan.

Paunang Pagsubok

Suriin ang makikitang timeline. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong.


Piliin ang letra ng tamang sagot.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
2

1. Kailan ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere?


A. Pebrero 21,1887 C. Pebrero 21,1891
B. Pebrero 21,1890 D. Pebrero 21,1899

2. Saan sinimulang isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?


A. Berlin C. Inglatera
B. Belgica D. Alemanya

3. Ayon sa tampok na timeline ng El Filibusterismo, ilang taon ang pagitan sa


pagsulat nito sa Noli Me Tangere?
A. Isang taon C. Tatlong taon
B. Apat at kalating taon D. Isa at kalahating taon

4. Mula sa timeline sa itaas, ano ang mahalagang pangyayaring naganap noong


1891 sa buwan ng Setyembre?
A. Naipalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere.
B. Naipalimbag ni Rizal ang El Filibusterismo.
C. Panimulang taon ni Rizal sa pagsulat ng El Fili.
D. Mula sa naipadalang pera ng kaibigan ni Rizal naipalimbag sa Genta,
Belgica ang El Filibusterismo.

5. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagbuo ng Timeline sa pagbuo ng buod at


pagtatala ng impormasyon?
A. Mas napapadali nito ang pagkaunawa sa akdang ibubuod.
B.Nakatutulong ito upang mas mabigyang diin ang mahahalagang pangyayari
sa hindi gaanong mahalaga.
C.Nagiging mas maayos at organisado ang pagsasalarawan ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
D. Lahat ng nabanggit.

Balik-tanaw

Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari na nakabatay sa kaligirang


pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Isulat ang letrang A-E.

1. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang
manganib ang mga mahal niya sa buhay.

2. Hindi nagtapos sa paglisan ni Rizal ang pag-usig sa kaniyang pamilya sa kaso ng


lupa na umakyat hanggang Kataas-taasang Hukuman ng Espanya.

3. Ang nobelang El Filibusterismo ay inihandog ni Rizal sa alaala ng tatlong paring


martir na sina Gomez,Burgos, at Zamora at nailimbag ang nobela sa Gante, Belgica
noong Setyembre 18, 1891.

4. Isa sa mga naging suliranin ni Rizal ang perang gagamtin sa pagpapalimbag ng


kaniyang aklat na sa kabutihang palad ay natugunan ng kaniyang kaibigan na si
Valentin Ventura.

5. Noong Oktubre, 1887 nakabalik ng sariling bayan si Jose Rizal sa kabila ng


maraming kasawiang dinanas ng kaniyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa
pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
3

Pagpapakilala ng Aralin
Sa araling ito, matutuhan mo ang dapat isaalang-alang sa pagbuo ng timeline at
pagtatala ng mahahalagang impormasyon na makatutulong sa pagsasagawa ng mga
gawain na makikita sa ibaba.

ANG TIMELINE TUNGO SA PAGBUBUOD AT PAGTATALA NG IMPORMASYON

Ayon kay Agno (2005) ang timeline ay isang sistema ng paglilista, pagsasaayos, at
paghahambing ng mga pangyayari sa piling panahon na nakaanyo sa paraan ng grapikong
pantulong. Isinasaalang-alang sa pagbuo ng timeline bilang isang grapikong
representasyon ng panahon ang wastong pagkasunod-sunod ng pangyayari o ang
kronolohikal na ayos ng pangyayari.

Makikita sa ibaba ang isang halimbawa ng timeline ng pagsusulat ng


El Filibusterimo ni Jose Rizal.

TIMELINE NG PAGSULAT NI RIZAL SA KANIYANG NOBELA

PEB.1887 1890 Mar.1891 Set.1891

Ipinalimbag ni Sinimulang Ipinagpatuloy ni Naipalimbag


Rizal noong Peb. isulat ni Rizal Rizal ang ang El
21 ang Noli Me ang El pagsulat ng El Filibusterismo
Tangere na Filibusterismo Filibusterismo sa Gante
hango sa sa Londres, sa Brussels, Belgica sa
ebanghelyo ni Inglatera. Belgica tulong ng
San Juan na pinadalang pera
may saling ng kaibigan
“Huwag mo niyang si
Akong Salingin” Valentin
sa Berlin, Ventura.
Alemanya.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Timeline


1. Pagkalap ng Impormasyon
• Maging malinaw sa paksang pipiliin
• Mula sa paksang napili ay magsaliksik ng mga impormasyon
• Itala ang mga mahahalagang impormasyon tulad na lamang ng petsa at ang
kaugnay na pangyayari nito.
• Pagsama-samahin ang mga impormasyon. Ayusin ito batay sa wastong
pagkakasunod-sunod ng petsa at pangyayari.
2. Pagbuo ng Framework o grapikong representasyon para sa daloy ng pangyayari
• Mayroong iba’t ibang modelo, template, o halimbawang framework ng timeline.
maaring paghanguan.
• Piliin ang punto o bahagi kung saan magsisimula at kung saan magtatapos.
• Huwag ring kalimutan ang pagsasaklaw sa oras o panahon. Kung taon ang ilalagay
o araw sa bawat punto.
• Sa bawat puntong inilaan o bahagi sa iyong napiling framework ay isulat ang mga
impormasyong nasaliksik.

3. Pagpuno ng Timeline

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
4

• Bumuo ng pamagat sang-ayon sa paksang pinili.


• Ilagay ang mahahalagang impormasyon o pangyayari sa napiling punto kung saang
magsisimula ang daloy.
• Maging malinaw at tiyak.

Dahil mahalaga ang pagtatala ng impormasyon sa pagbuo ng timeline, mahalagang


maunawaan at malaman ang mga dapat isaalang-alang sa pagtatala ng impormasyon.

Dapat Isaalang-alang sa Pagtatala ng Impormasyon

Isang sistematikong paraan ng pagsulat ng mahahalagang impormasyon o detalye


ang pagtatala. Maaaring ang mga impormasyon ay mula sa artikulong binasa, mga
lektyur na napakinggan o nadaluhan. Sa kasalukuyan ang mga impormasyon ay
mabilis na makikita sa internet mula sa iba’t ibang wasto at may kredibilidad na
pahina at website.

May dalawang pamaraan na maaring magamit sa pagtatala:

1. Pamaraang Cornel- Ito ay idinisenyo ni Walter Pauk na isang lektyurer sa Cornel


University. Gamiting ang uri ng pagtatala na ito sa mga impormasyong
napakinggan o narinig sa isang lektyurer. Para sa pagtatala, kinakailangang
nahahati sa dalawang kolum ang papel. Ang unang kolum (kaliwa) para sa mga
naitalang susing-salita at ikalawang kolum (kanan) para sa mga ideya at iba pang
impormasyon.
Sinusunod din sa pamaraang ito ang anim na hakbang:
• Pagtatala- habang naglelektyur ay isulat ang mga mahahalaga at
makatotohanang narinig sa kanang kolum.
• Pagpapaikli-Pagkatapos ng lektyur, muling balikan ang mga naunang naitalang
impormasyon. Mula rito ay humango ng mga susing-salita. Isulat ito sa kaliwang
kolum.
• Pagbigkas-Bigkasin ang mga susing-salita na hango sa mga ideya at
impormasyong naitala. Gamitin ang sariling salita at iwasan ang pag-uulit ng
eksaktong salitang matatagpuan sa kanang kolum.
• Pag-iisip- Mula sa mga natutuhan sa naitalang impormasyon, isipin kung paano
ito maiuugnay sa iyong paksa.
• Pagrerebyu-Muling balikan ang mga nakaraang tala, maaring bigkasin at
pagmunihin upang lubos na maunawaaan at maugnay sa iyong paksa.
• Pagbubuod- Ibuod ang mga nabuong ideya mula sa mga naitalang impormasyon
at susing-salita. Isulat ito sa anyo ng pangungusap sa ibaba ng kaliwang kolum.

2. Ang pamaraang Survey, Question, Read, Recall, Review (SQ3R)- Ito ay


pamamaraan ng pagtatala ng mga impormasyon mula sa mga babasahin. Si
Rowntree ang bumalangkas ng paraang ito.

Mayroong limang mungkahing hakbang ang pamaraang ito:


• Survey o Magsarbey- Isarbey ang nilalaman ng babasahin upang maging
pamilyar.
• Question o Magtanong- Isipin ang mga tanong na ibig mong sagutin habang
nagbabasa.
• Read o Magbasa- Magbasa nang may pag-unawa. Hanapin ang mga
pangunahing ideya. Sa binasa. Maaring balikan ang babasahin kung kailangan.
• Recall o Balikan- Isulat ang mga pangunahin kaisipan, mahahalagang ideya,
mga opinyon, at mahahalagang punto.
• Review o magrebyu- Ulitin ang unang tatlong hakbang. Isulat ang mga pinal na
tala at muli itong basahin.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
5

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may bahaging


hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling magtanong sa iyong guro.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Isaayos ang mga letra upang makabuo ng salita na magbibigay- kahulugan


sa mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.

1. Ang Noli Me Tangere ay hango sa ebanghelyo ni


San Juan na may saling “Huwag mo Akong salingin.

2. Naipalimbag ang El Fili sa Gante, Belgica sa tulong


na ipinadala ng kaniyang kaibigan na si Valentin
Ventura.

3. Ang pagkalap ng impormasyon ay isa sa mga


Dapat isinasaalang-alang sa pagbuo ng timeline.

4. Huwag ring kalimutan ang pagsasaklaw sa oras o


panahon kung taon ang ilalagay o araw sa bawat
punto.

5. Sa pagbuo ng Framework o grapikong representasyon


para sa daloy ng pangyayari mayroong iba’t ibang
modelo, template, o halimbawang framework ng
timeline na maaring paghanguan.

Gawain 2 Pagsagot sa mga Tanong.


Sagutin ang mga tanong.

1.Isulat ang kaugnayan ng mga pangyayari sa panahong isinulat ni Rizal ang El


Filibusterismo sa kaparehong pangyayari sa akda. Tukuyin ang layunin ni Rizal sa
pagsulat ng El Filibusterismo.

Mga Pangyayari sa panahong isinulat ni ___________________________________________


Rizal ang El Filibusterismo __________________________________________
___________________________________________
__________________________________________
Pag-uugnay

___________________________________________
Kaparehong pangyayari nito sa akda. __________________________________________
___________________________________________
__________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
6

2. Magsaliksik pa ng nga impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian at batis ng


impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Huwag
kalilimutan na ilagay ang wastong sanggunian.

Impormasyon sa El Filibusterismo Sanggunian:

Impormasyon sa El Filibusterismo Sanggunian:

Impormasyon sa El Filibusterismo Sanggunian:

3. Balikan ang mga natutuhang kaalaman sa talakayan sa pagbuo ng timeline at


pagtatala ng mahahalagang impormasyon. Bumuo ng timeline ng kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Gamitin ang mga impormasyon nasaliksik at
mga impormasyong mahahalaga lamang. Sundan ang padron na makikita sa ibaba.

TAON Pangyayari

Pangyayari TAON

TAON Pangyayari

Pangyayari TAON

Pangyayari
TAON

PAKSA

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos sa


Mga katangian ng sagot : bawat bilang:
✓ Kumpleto ang ibinigay na sagot. 5– taglay ang 3 pamantayan
✓ Mahusay ang pagpapaliwanag 3 –dalawang pamantayan lamang
✓ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan lamang

Tandaan
Sa pagtatapos ng aralin na ito, narito ang ilang punto na dapat mong
tandaan.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
7

1. Ang timeline ay isang sistema ng paglilista, pagsasaayos, at paghahambing ng


mga pangyayari sa piling piryod o panahon na nakaanyo sa paraan ng grapikong
pantulong. Isinasaalang-alang sa pagbuo ng timeline bilang isang grapikong
representasiyon ng panahon ang wastong pagkasunod-sunod ng pangyayari o ang
kronolohikal na ayos ng pangyayari.

2. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Timeline


• Pagkalap ng Impormasyon
• Pagbuo ng Framework o grapikong representasiyon para sa daloy ng
pangyayari
• Pagpuno ng Timeline

3. Dapat isaalang-alang sa Pagtatala ng Impormasyon


• Pamaraang Cornel- Ito ay idinisenyo ni Walter Pauk na isang lektyurer sa
Cornel University. Gamiting ang uri ng pagtatala na ito sa mga
impormasyong napakinggan o narinig sa isang lektyurer
• Ang pamaraang Survey, Question, Read, Recall, Review (SQ3R)- Ito ay
pamamaraan ng pagtatala ng mga impormasyon mula sa mga basasahin. Si
Rowntree ang bumalangkas ng paraang ito.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Mula sa ginawang timeline at pagtatala ng mahahalagang pangyayari sa


kaligiran ng El Filibusterismo ay bumuo ng pagbubuod sa kaligirang
pangkasaysayan nito. Gagamitin ang rubrik sa pagmamarka.

1. Sikaping malinaw ang paglalahad Ang bawat pamantayan ay may kalakip


at angkop sa paksa sa ginawang na puntos batay sa mga sumusunod:
pagbubuod
5 - Napakahusay
2. May wastong pakasunod-sunod o
kronolohikal ang pangyayari. 4 - Mahusay

3. Wasto ang mga salitang ginamit sa 3 - Katamtaman


pagbubuod. 1 - Dapat paunlarin

Pangwakas na Pagsusulit

Piliin ang letra ng pinakatamang sagot batay sa pagkakasulat ng ikalawang


nobela ni Rizal.

1. Ano ang pamagat ng unang nobelang inilimbag ni Rizal na siyang kaugnay o


pagpapatuloy ng nobelang El Filibusterismo?
A. Sa aking Kabata C. Kababaihan sa Malolos
B. Noli Me Tangere D. La Indolencia de los Filipino

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
8

2. Sa paanong paraan nakatulong ang kaibigan ni Rizal na si Valentin Ventura sa


pagpapalimbag ng El Filibusterismo?
A. pagsulat C. pagpapadala ng pera
B. pagbibigay payo D. pagsasalin ng nobela

3. Sa pagbuo ng timeline ukol sa El Filbusterismo, kung ang impormasyon ay


makukuha sa isang historyan na napanood sa youtube, ano ang gagamiting
paraan sa pagtatala?
A. Pagbubuod
B. Pagpapaikli
C. Pamaraang Cornel
D. Pamaraang Survey, Question, Read, Recall, Review (SQ3R)

4. Sa pagbuo ng timeline ukol sa El Filbusterismo, kung ang impormasyon ay


makukuha sa nabasang libro pangkasaysayan, pdf file, o artikulong may
kaugnay sa El Filibusterismo, ano ang gagamiting paraan ng pagtatala?
A. Pagbubuod
B. Pagpapaikli
C. Pamaraang Cornel
D. Pamaraang Survey, Question, Read, Recall, Review (SQ3R)

5. Ano ang kahalagahan o naibibigay na tulong ng pagbuo ng timeline na may


paksa tungkol sa kaligirang pangkasaysayan at mahahalagang detalye sa
nobelang El Filibusterismo ?
A. Naiisa-isa ang mga taong nakatulong sa pagpapalimbag ng akda.
B. Naiuugnay ang ang kasaysayan ng El Filibusterismo sa karanasan sa
pagsulat ng akda.
C. Nakatutulong ito upang mas mabigyang diin ang mahahalagang pangyayarI
sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo.
D. Lahat ng nabanggit

Pagninilay

Bumuo ng timeline tungkol sa pandemya (Covid-19) sa ating bansa. Magsaliksik mula


sa mga reperensiya -balita at babasahin sa internet. Gagamitin ang rubrik sa
pagmamarka.

Katangian ng Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Buong husay na naitala ang mahahalagang 5- taglay ang 3 pamantayan
detalye at impormasyon 3- taglay ang 2 pamantayan
Maayos at malinaw ang daloy ng timeline 1-isang pamantayan lang
Naging malikhain sa pagbuo ng timeline
Maayos at wasto ang gamit ng salita

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong


bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan
ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo
9

FILIPINO 10
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikalawang Linggo

Pangalan: _____________________________ Guro:__________________________


Baitang /Pangkat:_____________________ Iskor:__________________________
Paunang Pagsubok Balik Tanaw Gawain 1
1 1 1
2 2 2
3 3 3
4 4 4
5 5 5

Gawain 2
1.
___________________________________________
Mga Pangyayari sa panahong isinulat ni __________________________________________
Rizal ang El Filibusterismo ___________________________________________
__________________________________________

Pag-uugnay
___________________________________________
Kaparehong pangyayari nito sa akda. __________________________________________
___________________________________________
__________________________________________
2.

Impormasyon sa El Filibusterismo Sanggunian:

Impormasyon sa El Filibusterismo Sanggunian:

Impormasyon sa El Filibusterismo Sanggunian:

3. Gumamit ng hiwalay na papel para sa gawain na ito


Pangwakas na pagsusulit
1
2
3
4
5

Gumamit ng hiwalay na papel para sa mga gawain na Pag-alam sa Natutuhan at


Pagninilay

Modyul sa Filipino 10
Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo

You might also like