Redkfgk

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Modyul PANANAKOP NG MGA

III KASTILA
LAGOM-PANANAW
Sa modyul na ito, iyong mapag-aaralan at iyong matutunghayan ang
mga kaganapan na naganap noong panahong sinakop tayo ng mga Kastila.
Magkakaroon ka ng kamalayan hinggil sa mga akdang umusbong at
naging tanyag sa panahong ito.

INAASAHANG MATUTUHAN

Sa pagtatapos ng pag-aaral o talakayan sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

▪ Nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa hinggil sa mga kaganapan


sa panahon ng pananakop ng mga Kastila
▪ Naiuugnay ang mga dula na umusbong sa panahon sa iba’t ibang
aspeto at pangyayari sa kasalukuyan

PAGBASA AT PAG-UNAWA

Napaligaw sa Pilipinas ang pangkat ni Magallanes noong 1521. Isang kamaliang


maituturing ang pag-aangkin ng mga Kastila na sila ang nakatuklas sa Pilipinas. Ang
Pilipinas ay sinakop ng mga Kastila sa pamamagitan ng sandata at relihiyon. Humigit-
kumulang sa apatnapu’t apat na taon ang nakaraan nang mapaligaw sa ating bansa
ang pangkat ni Magallanes bago opisyal na naitatag ni Legaspi ang kapangyarihan ng
Espanya sa Pilipinas noon 1565. Tatlong ekspedisyon ang ipinadalang Espanya sa
Pilipinas bago ang ekspedisyon ni Legaspi ngunit ang mga naturang ekspedisyon na
pinamumunuan ng mga sumusunod: Laoisa (1525), Saavedra (1527) at Villalobos
(1542) ay hindi nakarating ng Pilipinas sapagkat sinalakay sila ng mga Olandes na
noong panahong iyon ay nasa Indonesya.
Nagkaroon ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino gayundin sa kanilang
panitikan. Ang mga layunin ng Espanya sa pananakop ay ang mga sumusunod:
a) magpalaganap ng Kristiyanismo
b) magpayaman at
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 14 Princess Mae Ydian-Irinco
c) magpalawak at magpalakas ng kapangyarihan.
Naging makapangyarihan at mayamang bansa ang Espanya noong ika-15
at ika-16 na daang taon. Halos nasakop ang buong Amerika. Nasakop ng Espanya ang
Timog Amerika liban sa Brazil. Ang Califomia at ang gitnang Amerika ay nasakop din
nito. Naghari rin ang Espanya sa karagatan ngunit tinalo ito ng Inglatera.
Mahigit sa tatlong daang taong lumaganap ang impluwensya ng mga Kastila sa
panitikan ng mga Pilipino. Karaniwan nang mga Kastila ang sumulat ng mga akda, na
ang karamihan ay mga prayle.

Aralin 1 MGA UNANG AKDANG PANRELIHIYON AT PANGKABUTIHANG-ASAL

Doctrina Cristiana (1593)


Ito ang kauna-unahang aklat na panrelihiyon na nalimbag sa Pilipinas. Ang
mga sumulat ay sina Padre Juan de Plasencia at Padre Domingo de Nieva. Ito'y
nasulat sa Tagalog at Kastila.
Nuestra Señora del Rosario
Ang aklat na ito ang ikalawang nalimbag sa Pilipinas. Sinulat ito ni Padre
Blanca de San Jose at tinulungan siya ni Juan de Vera, isang mestisong intsik sa
pagpapalimbag ng aklat. Nilimbag ang aklat sa Limbagan ng Pamantasan ng
Santo Tomas.
Barlaan at Josaphat
Ito’y isang salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio de
Borja mula sa Griyego.
Pasyon
Ang awit na ito ay tungkol sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang
pagpaparangal na ito ay ginaganap kung Mahal na Araw.
Apat ang nagsisulat ng pasyon:
1. Padre GasparAquino de Belen 3. Padre Mariano Pilapil (1814) at
(1704), 4. Padre Aniceto dela Merced
2. Don Luis Guian (1750), (1856).
Ang lalong naging malaganap ay ang pasyong Pilapil na may walong pantig
sa bawat taludtod at limang taludtod sa bawat saknong. Ang pasyon ay isinalin
sa lahat ng malalaganap na wika sa Pilipinas gaya ng Ilokano, Bisaya, at Bikolano.
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 15 Princess Mae Ydian-Irinco
Urbana at Feliza
Si Padre Modesto de Castro ay nataguriang “Ama ng Tuluyang Klasika sa
Tagalog” dahil sa pagkakasulat niya ng Urbana at Feliza. Binubuo ito ng palitan
ng liham ng magkapatid na Urbana at Feliza. Ang isa ay nasa lalawigan at ang
isa ay nag-aaral sa isnag kolehiyo sa Maynila. Ang paksa ng mga sulay ay ang
mga sumusunod:

▪ Sa Katungkulan sa Bayan ▪ Ang Piging


▪ Sa Pagpasok sa Paaralan ▪ Ang Salitaan
▪ Ang Pakikipagkaibigan ▪ Paglagay sa Estado
Puno ng mga pangaral ang sulat ng kapatid na nasa lalawigan sa kapatid
na nag-aaral sa Maynila. Lagi niyang ipinaalala ang mga dapat ugaliin ng kapatid
sa iba’t ibang pagkakataon.
Mga Dalit Kay Maria
Si Padre Mariano Sevilla, isang paring Pilipino ay sumulat ng mga dalit
noong 1865. Humalaw siya sa mga awit na “Mese de Maggio” o buwan ng Mayo.
Ang paksa ng mga awit ay pagpaparangal at pagpapapuri sa Mahal na Birhen.
Mga Awit at Kurido
Ang mga awit at kurido ay mga salaysay tungkol sa kagitingan at
pakikipagsapalaran ng mga hari, reyna, prinsepe’t prinsesa na ang layunin ay
mapalaganap ang Kristiyanismo.

Ang salitang “Kurido” ay nanggaling sa Mehikanong “corrido” na ang


kahulugan ay kasalukuyang pangyayari (current event). Nanggaling naman ang
Mehikanong “corrido” sa Kastilang “occurido”.
Pagkakatulad ng awit at kurido
1. Kapwa nagsisimula sa panalangin
2. Magkatulad ng paksa
3. Kapwa batay sa “Metrical Tales” ng Europa
4. Ang mga buod ay naaayon sa kakayahan at pananaw ng nagsisulat
Pagkakaiba ng awit at kurido:
1. Ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod, ang
kurido ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod.
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 16 Princess Mae Ydian-Irinco
2. Kung aawitin ang awit ay mabagal, ang kurido ay mabilis.
Mga Nagsisulat Ng Mga Awit At Kurido
▪ Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)
▪ Francisco Baltazar (Balagtas)
▪ Ananias Zorilla
▪ Eulogio Julian de Tandiama

*Ang ibang may-akda ng mga awit at kurido ay hindi naglathala ng kanilang


pangalan sa takot na usigin ng pamahalaan kung mya maisulat na labag dito.

GAWAIN 3.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Bakit hindi isinusulat ng ibang may-akda ng mga awit at kurido


ang kanilang pangalan noong panahon ng mga Kastila?
Nagaganap din ba ito sa kasalukuyan?
2. Ano sa palagay mo ang naidulot ng mga akdang pangrelihiyon
sa mga Pilipino? Magbigay ng mga halimbawa.

Aralin 2 MGA AKDANG UMUSBONG SA PANAHON NG KASTILA

MGA DULA
Ang Karagatan
Ang larong ito'y ipinalalabas bilang pang-aliw sa mga naulila. Ginaganap
ito sa ika-30 araw na pagkamatay at unang taon ng kamatayan. Maaari rin itong
ganapin sa buong panahon ng pagdarasal para sa kaluluwa ng namatay, mula sa una
hanggang ika-9 na araw at sa unang taon ng kamatayan. Patula kung bigkasin ang
mga pananalita.

Ang Duplo
Katulad ng karagatan, ang duplo ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan
ng isang tao at ang layunin ay aliwin ang mga naulila. Ginaganap ito sa ika-9 ng gabi.
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 17 Princess Mae Ydian-Irinco
Patula ang mga pananalita ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at
tugma.
Ang Panunuluyan o Pananapatan

Ang panunuluyan o pananapatan ay local na bersyon ng paghahanap ng


matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birheng Maria sa bisperas ng Pasko.
Ang Tibag

Ang layunin ng pagpapalabas ng Tibag ay malinang ang debosyon sa krus na


kinamamatayan ni Hesus. Ito’y hinahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino
kasama ang mga kawal. Ginaganap ang pagtatanghal na ito kung buwan ng Mayo sa
mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Bataan at Rizal.

Sina Reyna Elena at Prinsipe Constantino kasama ang mga sundalong Kristiyano
ay magsisimulang humanap sa krus sa ganap na ika-3 ng hapon sa bisperas ng pista.
Ang prusisyon ay karaniwang nagsisimula sa bahay ng gaganap na Reyna Elena at
tutuloy-tuloy sa mga bunduk-bundukan. Ang mga tauhan sa dula ay magsisipaghukay
pagsapit sa bawat bundok. Sa ikatlong bundok matatagpuan ang krus ni Kristo. Kapag
nakuha na ang krus, ang mga gumaganap sa pagtatanghal pati ang mga nanonood
ay magsisipagbunyi.
Ang Karilyo

Ang dula-dulaang ito’y ginagamitan ng mga kartong ginupit katulad ng “puppet


show”. Ang mga ito’y pinakikilos sa pamamagitan ng alambre, panali at iba upang
mapalabas na katawa-tawa at nakalilibang sa mga manonood. May mga pangyayaring
ang tauhan ay may dayalogong binibigkas. Ang mga bumibigkas ay mga taong nasa
likuran ng tanghalan.
Ang Senakulo

Ang senakulo ay pandulaang bersyon ng pasyon. Ito’y ipinalalabas kung Mahal


na Araw. Ang paksa ay buhay ng Panginoong Hesukristo mula sa kanyang pagsilang
hanggang sa pagkabuhay na mag-uli. Itinatanghal sa entablado at may Korong
umaawit sa pagbasa ng pasyon. Ang mga tauhan ay nagsusuot ng angkop na damit
at ang mga kilos ng mga tauhan ay ibinibigay sa papel na kanilang ginagampanan.
Ang Moro-moro o Komedya

Ang panimula ng moro-moro o komedya sa Pilipinas ay utang sa isang paring


Kastila na nagngangalang Juan de Salazar. Diumano, ang pagbalik ni Heneral Corcuera
noong kalagitnaan ng Hulyo 1637, mula sa isang matagumpay na pakikipaglaban sa

____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 18 Princess Mae Ydian-Irinco
mga moro sa Jolo ay nagbigay ng inspirasyon upang sumulat ng isang pagtatanghal
na naiiba.

Ang pagdaong ng pangkat ni Corcuera sa Cavite ay nasaksihan ng maraming tao.


Sabihin pa, ang mga kabataang taga-Cavite ay naakit sa magilas na kasuotan at
pagmamartsa ng mapanagumoay na mga kawal Kristiyano. At sa kanilang katuwaan
ay naglaro ng dula-dulaang nagpakita ng kunwa’y paglusob ng mga sundalong
Kastila at Tagalog sa isang kuta ng mga di-banyagan. Ang laro ay naging
makatotohanan sapagkat labis na dinibdib ng mga kabataang “magkakalaban” ang
kani-kanilang papel. Ang gumanap na heneral ng mga moro ay nasaktan nang
malubha. Napanood ni Padre Salazar ang dula-dulaan at kanyang natimbang ang
kahalagahan ng pagtatanghal na ito na mabisang kasangkapan sa paghahasik ng diwa
ng Kristiyanismo.
Ang Sarswela

Ang sarswela ay masayang dula. Ito’y tigib ng tugtugin at awitin. Kung minsa’y
may kalangkap ding sayaw, may lakip na pampatawa at may kaunting aksyon o
tunggalian ang dulang ito na ipinalalabas sa tanghalan.

Ang salitaan ay sa paraang tuluyan, patula o paawit. Ang pag-awit naman,


maging pang-isahan, pandalawahan o pangmaramihan ay sinasaliwan ng rondalya o
orchestra. Lahat ay pinapaksa ng mga manunulat ng dulang ito: pangkaugalian,
panunudyo, pambayan, pangangalakal, pangkabuhayan at iba pa.

Isang halimbawa ng sarswela ay ang “Walang Sugat” ni Severino Reyes, ang


dula ay naglalarawan ng kalupitan ng mga Kastila sa pagpaparusa sa mga
mamamayang wala namang pagkakasala. Ipinakilala rin sa dula ang kagitingan ng
mga kawal-Pilipino. Sa pamumukadkad at pagtaas ng popularidad ng sarswela ay
unti-unti namang naglaho ang pagkahilig ng mga Pilipino sa moro-moro.

GAWAIN 3.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod batay sa sariling pang-
unawa:

1. Paano isinasagawa ang dulang karagatan at duplo?


2. Ano ang kaugnayan ng Tibag sa Santa Cruz de Mayo? Patunayan.

____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 19 Princess Mae Ydian-Irinco

You might also like