Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Filipino
02/07/23
BSIT- 102F
TALINGHAGA
“Ang talinghaga ay hindi lamang sumasakop sa mga tayutay,
kundi sa kabuuan ng retorika at poetika na tumatalakay sa mga
kaisipan at sari saring pamamaraan ng pamamahayag nito.”
Mababaw na talinghaga
Malalim na talinghaga
Lope K. Santos
TAYUTAY
Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga
salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-
akit ang pagpapahayag.
MGA TAYUTAY
Pagtutulad (Simile)
Ito ay isang simpleng paghahambing ng dalawang bagay na
magkaiba sa pangkalahatang anyo ngunit may mga
magkakatulad na katangian na sukat na ipagkaugnay ng dalawa
Halimbawa
Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
Pagwawangis (Metaphor)
Tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na hindi naman
magkatulad
Halimbawa
Si Eugene ay isang ibong humahanap ng Kalayaan.
Pagtatao (Personification)
Ito ay isang tayutay na uukol sa paglilipat ng katangian ng isang
tao sa mga walang buhay.
Halimbawa
Lumuluha ang liham na natanggap ni Rogelio.
Pagmamalabis (hyperbole)
Ito ay isang tayutay na ang kaigtingan ay sobra sa normal na
katangian ng bagay o tao na nais ipahayag
Halimbawa
Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
Paguyam (Sarcasm)
Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila
kapuring pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may
bahid na pag-uyam.
Halimbawa
Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog
maghapon.
Paglilipat-wika
Ito ay gumagamit ng pang-uri upang bigyang paglalarawan ang
bagay.
Halimbawa
Ang kanilang mapagpatuloy na tahanan ay kumanlong ng mga
sugatan.
Pagpapalit-saklaw (synecdoche)
Ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng isang bagay o
kaisipan bilang katapat at kabuuan maaring ang kabuuan namn
ay katapat ng isang bahagi
Halimbawa
Hiningi ni Eddie ang kamay ng dalaga.
Pagtawag (Apostrophe)
Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang
nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
Halimbawa
Pag-asa halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema.
Tanong Retorical
Isang pahayag na anyong patanong na hindi naman
nangangailangan ng sagot.
Halimbawa
Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng kahirapan ang
ating bayan?
Tambisan (Antithesis)
Pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan
upang lalong pamatingkad lalo ang mga salita.
Halimbawa
Siya ay isang taong sala sa init, sala sa lamig.
Paghihimig (Onomatopoeia)
Naipapahiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng tunog o
himig ng mga salita.
Halimbawa
Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit
ng matatalim na kidlat.
Pag-uulit (Alliteration)
Ang uring ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa
simula ng dalawa o mahigit pang salitang ginagamit sa isang
pangungusap.
Halimbawa
Napalayo sya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na
pagpapasyang nakalikha ng pagkabalisa sa puong umiibig.
Salantunay (Paradox)
Pagpapahayag ng isang katutuhanan sa pamamagitan ng
paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.
Halimbawa
Madaling tahakin landas ng pag-unlad.
Pangitain (Vision Imagery)
Naglalarawan sa mga laman ng isip na animo’y tunay na
kaharap o nakikita sa nagsasalita.
Halimbawa
Aking natatanaw si Laurang sinta ko.
Paghahalintulad (Analogy)
Tambalan ng pagtutulad; ipinahahayag ng paghahalintulad ng
magkatulad na isang ugnayad.
Halimbawa
Ang tingin ng paru-paro sa bulaklak ay katulad ng damdamin
ng binata sa dalaga.