Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Activity Sheet sa Filipino 4

Quarter 4 – MELC 19 at 20
Pagsulat ng Iskrip para sa Radio
Broadcasting/ Pagbahagi ng
Obserbasyon sa Iskrip ng Radio
Broadcasting
Filipino 4
Learning Activity Sheet
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod CitY

Isinasaad ng ng Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Sangay ng Negros Occidental.
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Eduklasyon, Sangay ng Negros
Occidental.
Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 19 at 20

Pangalan:___________________________________________________________

Baitang at Seksiyon:___________________________Petsa:___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 4


Pagsulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo
Pagbabahagi ng Obserbasyon sa Iskrip ng Radio Broadcasting

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakasusulat ng script para sa radio broadcasting (F4PV-IVg-2.7.1 )


Naibabahagi ang obserbasyon sa iskrip ng radio broadcasting (F4PS-IVh-j-14 )

II. Panimula

Sa pagakakataong ito mapag-aralan mo ang tungkol sa Pagsulat ng iskrip at


pagbahagi ng obserbasyon sa iskrip ng radio broadcasting.

Ang iskrip para sa broadcasting o teleradyo ay manuskrito ng gagawin ng isang


announcer o tagapagbalita sa isang programa sa radio, ito man ay berbal o di-berbal na
kilos. Ang iskrip ang nagsasabi kung ano ang gagawin, ano ang sasabihin, kalian at
paano sasabihin.

Kahalagahan ng Iskrip Para sa Radio Broadcasting o Teleradyo


1. Tiyakin ang kawastuan ng impormasyong ibabahagi
2. Tiyakin ang tuloy-tuloy na daloy ng programa at walang antala
3. Magamit nang higit ang airtie o pagsasahimpapawid ng programa

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iskrip Para sa Radio Broadcasting o Teleradyo


1. Kumuha ng malinaw na instruksiyon o tagubilin at alamin kung sino ang mga
tagapakinig
2. Magsalksik tungkol sa paksa
3. Ihanda ang balangkas o content outline
4. Isulat ang unang burador (draft)
5. Basahin ito nang malakas. Orasan din ito.
6. I-visualize ang iskrip
7. Rebyuhin ang iskrip
8. Rebisahin ang estilo at iwasto ang iskrip
III. Sanggunian
MELC 2020, Kagawaran ng Edukasyon
Yaman ng Lahi 4, Ph. 190-191; Alab Filipino 5 ph. 226-227

IV. Mga Gawain


1. Panuto
Basahin at unawain nang mabuti ang iskrip na ito para sa radyo.

97.1 MSC FM

Local Loud and Proud

Pamagat ng Programa: Radyo Balita Ngayon

Uri ng Programa: Balita

Petsa ng Airing: 05 Oktubre, 2012

Oras ng Airing: 11:30 a.m – 12:30 p.m

Hosts/Scriptwriters: Nasra S. Saez/Nash


1. Station I.D: Msc Fm 97.1 Song
2. Program I.D: Radyo Balita ngayon Song
3. Host 1: Naririto na naman po ang Radyo
4. Balita ngayo upang manghatid ng mga
5. sariwa mainit na balita ngayong
6. tanghali.
7. Host 1: Nakalipat na ng tirahan ang
8. magkapatid na sina Farida at Faisal. Sila
9. ngayon ay pumasok na sa isang
10. pampublikong paaralan na
11. matatagpuan sa kanilang bagong
12. pamayanan.
13. Sa pakikipanayam sa kanila, sinabi ng
14. dalawa na nahirapan sila nang mga
15. unang araw nila sa kanilang paaralan
16. dahil nga sa kakaiba ang kanilang
17. kasuotan sa mga mag-aaral sa paaralan
18. gayundin ang kanilang salita at
19. paniniwala. Noong una walang
20. gustong makipaglaro, makipag-usap
21. sa kanila. Isa pa takot ang ibang mag-aaral sa
22. kanila dahil sa mga naririnig nilang
23. mga balita tungkol sa ginagawa ng
24. ibang Muslim at ang mga
25. pangyayari sa lugar na kanilang
26. Pinaggalingan. Ngunit matapos
27. nilang mapakinggan ang tungkol sa
28. kanilang paniniwalang Islam at kung
29. paano nila isasabuhay ang mga
30. pangaral ni Allah, unti-unting
31. nagbago ng pakikitungo sa kanila ang
32. mga kaklase. Nag-umpisa
33. ang lahat sa paaralan, ngayon may
34. kasabay na sila sa paglalakad papunta
35. sa paaralan at pauwi sa kanilang
36. bagong tirahan. Muli na namang
37. pinatunayan na sa pamamagitan ng
38. edukasyon makakamtan natin ang
39. pagkakaisa kahit magkakaiba-iba tayo
40. ng paniniwala.
41. Host 1: Oras po natin, alas onse
42. Singkwenta na po. Ang mga
43. Balitang itinatampok sa araw na ito ay mula sa
44. Radyo Balita Ngayon,
45. maaasahan at walang sino mang
46. kinikilingan. Muli magandang
47. tanghali.
48. cut to:
49. insert cbb station I.D Msc FM Song:
Tanong:
1. Ano ang napansin o napuna mo sa iskrip na inyong nabasa? Ibigay ang iyong
obserbasyon. __________________________________________________
_____________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Gumawa o sumulat ng isang iskrip para sa broadcasting o


teleradyo tungkol sa COVID 19 o mga nangyayari ngayon sa ating bayan.
Gawain 3
1. Manood o makinig sa mga balita sa telebisyon o radyo. Pakinggan ito nang
mabuti at ibigay ang iyong obserbasyon.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Sumulat ng isang iskrip tungkol sa inyong palatuntunan sa paaralan. Pansinin


ang wastong hakbang sa pagsulat ng iskrip.

Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip para sa Broadcasting

5 4 3 2 1
Nakasulat ng isang iskrip para sa broadcasting
Sumusunod sa pormat ng iskrip at maayos na naisulat
Gumamit ng iba’t ibang sanggunian sa pagsulat ng iskrip
Malinaw at maayos na nabasa ang iskrip na parang
nagbabalita sa radyo
Naging makatotohanan ang isinagawang pagbabalita

5- Pinakamahusay 3- Katanggap-tanggap 1- Nangangailangan pa ng


4- Mahusay 2- Mapaghuhusay pa mga pantulong sa
pagsasanay

IV.Tandaan:

Ang iskrip ang taguri sa manuskrito ng isang audio visual material na


ginagamit sa broadcasting. Ito ang nakatitik na bersyon ng salitang dapat
bigkasin o sabihin. Ginagamit ito sa produksiyon ng programa. Ito ay naglalaman
ng mga mensahe ng programang dapat ipabatid sa mga nakikinig.
V. Repleksyon

Ano ang nakasaad sa isang iskrip para sa broadcasting?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Paano mo maibabahagi ang iyong obserbasyon sa nakasulat na iskrip?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like