Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

TALAKAYIN NATIN

Naalala niyo yung sinabi ni Henry Gleason tungkol sa


wika? Ayon sa kanya, “ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng tao para sa komunikasyon.”
Nag mga elemento ng wika katulad ng masistemang
balangkas, sinasalitang tunog tunog, arbitraryo, tao,
komunikasyon. Mahalagang bigyang-diin ang papel ng
tao sa paggamit ng wika.

Ang idyolek ay indibidwal na paggamit ng wika, tulad


halimbawa ng guro, kapitan, konsehal, inhenyero, at iba
pa.

Sa pagbasa ng mga aklat na tumatalakay sa isang wika ay


maaaring magkaroon ng ideya na tila na ang lahat ng mga
tagapagsalita ng wikang iyon ay gumagamit sa wika sa
unipormadong paraan. Ngunit, dapat na tandaan na ang
wika ay magkakaroon ng mahigit sa isang varayti, *lalo
na kung nasa anyong pasalita. Ang pagkakaiba-iba ay
napakahalaga at kinikilalang bahagi ng pang-araw-araw
na paggamit ng wika ng iba’t ibang komunidad na
rehiyonal at panlipunan. Ganito mangyari pa ang
binigyang-daan ng mga dalubhasa, katulad ni George
Yule (2010) sa kanyang batayang aklat na The Study of
Language. Isinaalang-alang niya matapos ang mga
panimulang pagtalakay sa mga katangian ng wika, na may
dalawang uri ng baryasyon. Una ang naimbestigahan sa
pamamagitan ng dalawang uri ng baryasyon – (1)
Geographic Linguistics na siyang nagdidiin sa rehiyonal
na varayti at (2) ang mga sangkot na salik sa
panlipunang baryasyon sa gamit ng wika.

Ang Istandard na Wika

Una, tukuyin natin ang partikular na varayti ng


karaniwang kahulugan kapag ginagamit ang mga
pagkalahatang terminong tulad ng English, French,
German, Chinese, Bahasa, Filipino at iba pa.

Kapag inilalarawan natin ang mga tunog, salita at mga


pangungusap sa Ingles at iba pang malaganap o
pmbansang wika, tumutuon tayo sa isang varayti lamang.
Karaniwang tinatawag na Standard English o Istandard
Ganito/Ganoon. Ito ang varayti na bumubuo sa batayn ng
nakalimbag na Ingles sa mga pahayagan at aklat, sa mass
media at ang itinuturo sa mga eskwelahan. Ito ang
varayting karaniwang itinuturo sa mga gustong matuto ng
Ingles o iba pang wika bilang pangalawang wika. Ito rin
ang varayting itinuturing ng ilang tao bilang tanging uri
ng wastong Ingles at kasi nga, kailangang mapanatiling
“dalisay” o “puro.” Isng malinaw na bersyon ng punto de
bistang ito ang intitusyonalisado sa France kung saan
isang pangkat ng mga iskolar, nakilla bilang French
Acdemy, ang regular na nagkikita at nagpapasya kung
ang isang partikular na salita. Halimbawa, ay bahagi ng
Standard French o hindi. Sa mga pagtatangka nilang
mapanatiling “puro” ang French. Karaniwang nagpapasya
ang French Academy laban sa mga salitang nahiram sa
ibang wika. Sa kabila ng mga desisyong ito, nagiging
palasak rin ang mga katawagang le whiskey at le weekend
sa salitang naiisip nating Standard French.

Punto (Aksent) at Dayalck

Iniisip mo man o hindi na nagsasalita ka ng Standard


English o anumang wika, siguradong magsasalita kang
may punto o aksent. Hindi totong may punto ang isang
nagsasalita samantalang wala ang iba. Litaw o mapansin
ang mga punto ng ilang nagsasalita pero hindi naman sa
iba, gayunman, bawat gumagamit ng may punto. Sa gamit
teknikal nito, ang terminong punto ay nakalimita sa mga
aspekto sa pagbigkas na nagpapakilala sa indibidwal na
tagapagsalita kung saan siya galing, rehiyonal o
panlipunan. Dapat ipagkaiba ito sa terminong dayalek na
naglalarawan ng mga sangkap ng gramar at bokabularyo,
gayundin ng aspekto ng pagbigkas.

Halimbawa (tila pareho lang ang pangungusap na):

1. You don't know what you're talking about. (punto ng


American o Scottish)- kapwa gagamit ng ng anyong
Standard English ang dalawang tagapagsalita, bagamat
magkaiba sa pagbigkas.

2. Ye dinnae ken whit yer haverin 'aboot. Pareho ang


kahulugan sa nauna, pero isinulat bilang aporoksimasyon
ng kung paano magsasalita ang taong may isang dayalek
ng Scottish English. Syempre, may mga pagkakaiba sa
pagbigkas (hal. Whit, aboot) pero may mga halimbawa
magkaibang bokabularyo (ken, haverin) at rin isang
kaibang anyong gramatikal (dinner).
Samantalang medaling makilala ang mga pagkakaiba sa
vocabulary, mas hindi naitatala ang mga baryasyong
dayalektal sa kahulugan ng mga kontruksyong gramatikal.
Halimbawa, ang isang palitan ng dalawang ispiker ng
British English (B at C) at isang ispiker mula sa Ireland
(A) na haganap sa Donegal, Ireland:

A. How long are you here?


B. Till after Easter. (mukhang nalilito si Ispiker A)
C. We came on Dunaday.
D. Ah, you’re here a while then.

Malinaw na ang kontruksyong “How long you’re here” sa


dayalek ni ispiker A, ay ginagamit na may kahulugang
malapit sa estrukturang “how long have you been here,”
gamit sa ibang dayalek nkaysa sa interpretasyong
panghinaharap na ginawa mni ispiker B.

Sa kabila ng paminsan-minsang kalituhang ganito may


isang pangkalahatang impresyon ng pagkakaunawaan sa
pagitan ng mga ispiker ng iba’t ibang dayalek o varayti ng
Ingles.
Mga Dayalck na Rehiyonal

Malawak ang pagkilala sa pagkakaroon ng mga iba’t


ibang dayalek na rehiyonal atmadalas na
pinanggagalingan ng ilang katatawanan sa mga
naninirahan sa ibang rehiyon. Kaya, sa United Sates,
isang taga-Brooklyn ang magbibiro tungkol sa depinisyon
ng taga-South ng sex na sex is fo’ less than, sa
pinakamagaling na gaya nito sap unto ng South. Ang
taga-South naman bilang ganti, ay magtataka kung ano
ang tree guy sa Brooklyn, yayamang naringgan nila ang
mga ispiker sa Brooklyn ng doze tree guys. Sa Pilipinas,
makikita ito sa mga patutsada kung ang tumatawag ba ay
si Jiji o si Jeyjey o sa paghaharap bang ibedensya sa
impeachment trial ni Pangulong Estrada, exhibit Kikiki
(tripul K) ang ilalabas. Malinaw na may kakabit na
isteryotayp na bigkas ang ilang dayalek na rehiyonal.

Isogloss at Danalck na Hannaahan

ISOGLOSS-karaniwang gumuguhit ng isang linya sa


mapa na maghihiwalay sa dalawang lugar. Ang mga guhit
na ito kagaya ng nakikita sa ilustrasyon ay kumakatawan
sa pagitan ng mga lugar tungkol sa isang partikular na
linggwstik na aytem.

Gamit itong impormasyon ng dayalek na hanggahan,


makikita nating may isang lugar ng dayalek na panghilaga
na kasama ang Minnesota, North Dakota, kalakhan ng
South Dakota at Northern lowa.

Ang natitira sa lowa at Nebraska ay nagpapakita ng mga


katangian ng dayalek na Midland. Ilang mga kapansin-
pansing pagkakaiba sa bigkas at bokabularyo ang nakatala
sa ibaba:

Kaya, kung binibigkas ng isang ispiker ng American


English ang salitang greasy bilang [grizi] at nag-uuwi ng
groseri sa isang paper sack, hindi siya maituturing na
lumaki at nanininirahan nang matagal sa Minnesota.
Dapat pansinin na ang mga anyong karakteristik na
nakalista dito ay hindi ginagamit ng lahat ng nakatira sa
rehiyon/. Ginagamit ang mga ito ng mga malaking
porsyento ng mga nakapanayam para sa survey ng
dayalek.
Ang Katuluyang Kontinuum na Dayalek

Isa pang pag-iingat ang kailangan. Matulungin ang


pagdodrowing ng mga isogloss at dayalek na hanggahan
sa pagtukoy ng malawakang pananaw ng mga dayalek na
rehiyonal, pero napagtatakpan nito ang katunayang
naghahalo-halo rin ang ibat ibang varayti sa mga lugar
dayalektal. Habang naiisip ito, pwede nating tanawin ang
isang rehiyonal na baryasyon na nakalugar sa isang
katuluyan o kontinuum, at hindi iyong may kapansin-
pansing patlang sa magkakatabing wikang magkakaugnay
sa mga politikal. Sa paglalakbay sa Holland tungong
Germany, makakakita ka muna ng mga konsentrasyon ng
mga ispiker ng Dutch at German, hanggang sa mapunta sa
mga lugar na mas maraming ispiker ng German. Isang
kaparehong sitwasyon ang naidokumento tinatawag na
continuum ng dayalek ng Scandinavian, na Sa humahanga
sa mga itinuturing na magkakaibang wika, kaugnay ng
iba't ibang bansa. Sa pananaw na ito. maituturing ang mga
ispiker na Norwegian at Swedish na gumagamit ng ibang
rehiyonal na dayalek ng iisang wika. Isang kampante s
nagsasalita sa kapwa Swedish at Norwegian ay pwedeng
tawaging bidialectical (nagsasalita ng dalawang diyalek).
Gayunpaman, dahil nag-uusap tayo tungkol sa
karaniwang itinuturing na dalawang wika, ang ispiker na
iyon ay mas tatawaging bilinggwal (nagsasalita ng
dalawang wika).

Bilinggwalismo

Sa maraming bansa, hindi lang simpleng dalawang


dayalek ang rehiyonal na baryasyon, subalit isang bagay
ng dalawang magkakaiba ai magkakalayong wika.
Halimbawa ang Canada, isang bansang opisyal na
bilinggwal, opisyal na wika kapwa ang Frensh at English.
Hindi nagkaroon ng pagkilala sa istatus panlinggwistik ng
mga tagapagsalita ng French, kalakhan sa Quebec, nang
walang malaking sigalot pampolitika. Sa kalakhan ng
kasaysayan nito, sa esensiya, nagsasalita sa Ingles ang
Canada, na may maynoritong nagsasalita ng French. Sa
gayong sitwasyon sa puntong oindibidwal, mas nagiging
katangian ng manoriti ang bilinggwalismo. Sa anyong ito
ng bilinggwalismo, lumalaki ang isang miyembro ng
maynorito sa isang komunidad na linggwistik,
pangunahing pagsasalita sa isang wika tulad ng Gaelic
(gaya sa kaso maraming taon sa Scottland) pero natuto ng
isa pang wikang tulad ng Ingles, para makabahagi sa mas
malaki, mas dominanteng komunidad na linggwistik.
Ang indibibwal na bilinggwalismo, gayunpaman, ay
simpleng resulta lang ng pagkakaroon ng dalawang ng
dalawang magulang na magkakaiba ang wika. Kung
sabay na sinasalita ng kanyang ama, baka hindi man
mapansin ang distinksyon sa pagitan ng dalawang wika.
Mayroon lamang dalawang paraan ng pagsasalitang iyon
sa taong kinakausap. Gayunpaman, dito rin sa tipong ito
ng bilinggwalismo, lumilitaw ang isang wika bilang mas
dominant, ang isa naman ay napangingibabawan.

Pagpapalanong Pangwika

Siguro, dahil karaniwang natatagpuan ang bilinggwalismo


sa Europe at North America sa mga pangkat ng maynoriti,
inaakala ang isang bansang tulad ng United States of
America na isang magkakaparehong komunidad ng
pananalita kung saan nagsasalita ng Ingles ang lahat gamit
ang lahat ng estasyon sa radyo at TV at pahayagan ang
Standard English. Maling pananaw poi to. Hindi nito
isinasaalang-alang ang pagkakaroon ng malalaking
komunidad na hindi Ingkes ang pangunahing wika.
Halimbawa ang majority sa populasyon ng San Antonio,
Texas ay mas makikinig sa broadcast sa radio sa Espanyol
kaysa Ingles. Malaki ang implikasyon ng katunayang ito
sap ng organisasyon ng mga kinatawang lokal sa
pamahalaan at sa sistemang pang-edukasyon.Dapat bas a
Espanyol o Ingles ang pagtuturo sa elementarya?

Ikonsider ang kaparehong tanong sa konteksto ng


Guatemala na bukod sa Espanyol mayroong 26 na wikang
Mayan na sinasalita. Kung sa ganitong sitwasyon, pinili
ang Espanyol edukasyon, hindi ba agrabyado sa
pangunang edukasyon sa lipunan ang mga ispiker ng
Mayan. Kailangang sagutin ang mga katanungang ganito
batay sa ilang uri ng pagpaplanong pangwika. Kailangang
aktibo pamahalaan, ang mga pangkat panlegal at pang-
edukasyon sa pagpaplano kung anong mga varayti ng
wika ang sinasalita sa bansa ang gagamitin sa larangang
opisyal. Sa Israel, sa kabila ng katunayang hindi Hebrew
ang pinakagamit na wika sa populasyon, ito ang pinili
bilang opisyal na wikang pampamahalaan. Sa India, pinili
ang Hindi pero sa maraming rehiyong hindi nagsasalita ng
Hindi, may mga kaguluhan laban sa desisyong iyon. ang
Mas malinaw na makikita ang proseso ng pagpaplanong
pangwika kapag yugto-yugto itong naipapatupad sa lakad
ng mga taon. Isang magandang halimbawa ang dulot ng
pagpili ng Swahili bilang pambansang wika ng Tanzania
sa East Africa. Marami ang mga wikang Tribu at
naroroon pa ang kolonyal na impluwensya sa wikang
Ingles, pero dahan-dahan nanag naipasok ang Swahli
bilang opisyal na wika sa larangang pang-edukasyon,
legal at pamahalaan. Ang proseso ng pagpili (pagtukoy ng
opisyal na wika) ay sinundan ng kodipikasyon kung saan
ginagamit ang batayang grammar, diksyunaryo at mga
modelong sulatinpara itanghal ang mga varayting
istandard na nililinang para gamitin sa lahat ng aspekto ng
buhay panlipunan, kasama na sa pagpapalitaw ng
katipunan ng mga akdang pampanitikang nakasulat sa
Istandard. Ang proseso ng implementasyon ay
katungkulan dapat ng pamahalaan sa pagtutulak nito sa
paggamit ng Istandard, at pagkatanggap ang huling yugto
kung saan ang mayorya ng populasyon ay gumagamit ng
istandard at Iniisip ito bilang pambansang wikang
gumaganap ng bahagi hindi lang sa panlipunan, kundi sa
pagkakakilanlang pambasa.

You might also like